LIXIANNA
"Hello, Lix!!" sigaw ni Feighla habang papalapit sa akin. Tumingin tuloy ang ibang estudyante dahil sa lakas ng boses niya.
"Kung maka-sigaw naman 'to," sabi ko at nag-peace sign lang siya at ngumiti. "Anong ginagawa mo dito?" tanong ko at sinamaan niya naman ako ng tingin.
"Malamang para makasama ka! Tsaka tama ang sabi mo, dito ka na nga mag-aaral sa second year," aniya kaya bumuntong-hininga ako.
"Hindi mo kailangan sumigaw, Feigh.. Oo dito na ako mag-aaral at pag-sasawaan ko na naman ang mukha mo," sabi ko at tinaasan niya ako ng kilay.
"Grabe ka naman sa akin," sabi niya at humawak pa sa dibdib niya. "Minsan na nga lang tayo mag-kasama eh.. Ganiyan ka pa.. Ang sama mo!" kunwari pa siyang humikbi at tumawa ako dahil sa umatake na naman ang sakit niya.
"Papasok ka ba sa theatre? Praktisado ah.. Galing mo," sabi ko at sinamaan niya ako ng tingin. "Char lang." sabi ko at ngumiti naman siya.
"Bakit ka nga nandito? Well, malapit lang ang building ng nursing sa architecture," nagtatakang tanong ko pero hindi niya naman ito pinansin dahil tumunog ang cellphone niya at sinilip ito.
Pagkatapos niyang tignan ang cellphone niya ay may bigla siyang tinanong.
"Lixianna! Sasali ka?" she asked out of nowhere.
"Saan naman?" tanong ko. I'm not that familiar in her school, sabi ko nga kanina first day ko ngayon sa school niya.
"Band club, sa pagkaka-alam ko ay magbubukas ang band clubs sa college students." sabi niya at naguguluhan naman ako.
"Di ba para lang iyon sa mga gustong mag pursue bilang musician?" Well, i learned to be a vocalist of the band pero hindi ko naman siya kinareer bilang musician or singer.
"Actually natanong ko na din yan sa magiging Prof natin sa banda, and sabi niya is any courses and years is welcome sa band club." kwento niya kaya tumango na lang ako. Pagiisipan ko muna kung sasali ba ako, i just wanted to focus on my studies pero mukhang gusto ko ulit pumasok sa banda.
"Gano'n?" pagsisiguro ko at tumango naman siya nang sunod-sunod na parang aso.
"Para kang aso kapag tumatango," biro ko pero sinamaan niya ako ng tingin. "Joke," habol ko at nag-peace sign.
"Grabe ha, natawa ako sa joke mo.. Mga limang beses, HA HA HA HA HA," sabi niya at nag-tunog Kris Aquino 'yon. Sabay kaming natawa dahil sa kalokohan niya.
Well, mabalik sa banda. Okay na din na pumasok ako sa banda dahil simula high school ay bandmates na rin kami ni Feighla. Lagi lang kaming vocalist dahil that time hindi kami masyadong maalam sa instrumento.
"Oh, eh anong plano mo?" tanong niya.
"Anong, anong plano ko?" tanong ko pabalik.
"Yung sa audition.. Sasali ako kaya sumali ka din.. Alam kong magaling ka Lixianna," sabi niya at tumango lang ako.
"Sige, sasali tayo," sabi ko at nag-tatalon naman siya sa tuwa.
"Sa auditorium daw ang audition! tara!" sabi niya at hinila nalang ang kamay ko.
Habang lakad at takbo kami papuntang auditorium ay may nadaanan kaming mga nagsisigawang babae.
"Ahhh!! Nandiyan na ang isang TTG!!"
"Omgggg!! Saggi!!"
"Kyaaaaa!!!"
"Sana sila pa rin ni Ferix ang nasa banda natin!! Gwapo na, may talent pa!!"
YOU ARE READING
Beat Of Hearts (Alloud Band #1)
Teen FictionAlloud Band #1 - Beat Of Hearts Lixianna Xyrelle is a 2nd year Architecture student in Benedict Monzano Southern University (BMSU). She's a transferee in that school and her bestfriend Feighla told her that there's an audition for the school band. L...