Chapter 6

8 2 0
                                    

LIXIANNA

Mapayapa akong natutulog ng may marinig akong papalapit sa pinto ng kwarto ko. "Lix!!" tuluyan akong nagising sa biglaang pag-sigaw ni Feigh.

"Oh!?" inaantok pa na sabi ko. Pero bumukas na lang ang pinto at pumasok siya.

"Privacy?!" sigaw ko dahil hindi man lang kumatok.

"Sorry," sabay peace sign. "May announcement kasi sa banda." nag-aalalang sabi ni Feigh. Napabaligwas naman ako ng bangon.

"Ano yun?" curious na sabi ko dahil marinig ko lang ang salitang 'announcement', aalamin ko na kung ano 'yon. Mahirap mapag-iwanan 'no.

"Tuloy ang hang-out!" masayang sabi niya umikot sa buong kwarto ko. OA na naman siya. Napailing na lang ako habang ginagawa niya na naman ang happy dance niya.

"Ngayon ba 'yon?" tanong ko at tumango naman siya.

"Mamaya daw 4PM dapat nandun na tayo." sabi niya habang ang hintuturo ay nakaturo sa akin.

"Sige." 'yon nalang ang nasabi ko at tumayo na sa higaan ko. Nag-sipilyo muna ako at naghilamos bago bumaba mula sa taas.

Feel at home naman si Feigh kaya pinabayaan ko na lang siya. Close niya naman si mama at parang sila pa ang mag-nanay dahil same vibes sila. Hindi naman nakaka-selos dahil bestfriend ko si Feigh at parang kapatid ko na naman siya.

Kumain lang kami ng almusal at sinabi din ni Feigh kung bakit nandito siya. Wala daw kasi siyang kasama sa bahay sahil umalis daw ang mama niya. Kaya nandito siya sa amin at siya ang nag-dala ng almusal namin.

Pandesal, 3 slice ng chocolate cake at 3 kape na sa isang coffee shop niya pa daw binili. Kumain lang kami at minsan nag-k-kwentuhan pero mas namagitan ang tawanan nila mama at Feigh.

Pinagmasdan ko silang dalawa na mag-usap at mag-tawanan. Naiisip ko lang kung hindi ba masyadong babad sa trabaho si tita Freya ay ganiyan din ang bonding nila. Satingin ko ay oo, same vibes sila eh.

Kung ako naman ang tatanungin kung magiging ganiyan ang bonding namin ni mama ay sasabihin ko agad na hindi. Hindi ako maingay na tao katulad ni Feigh. Minsan pa nga ay tinanong ko si mama kung ampon ako dahil hindi kami parehas ng ugali. Pero ang sabi niya lang ay nag-mana daw ako sa tatay kong maangas at laging seryoso. Tinake ko naman 'yon as compliment.

"Lix, bakit pumuputok ang lobo?" tanong ni Feigh at tinaasan ko naman siya ng kilay. Bakit siya nakakaisip ng ganiyang tanong in random time?

"Dahil may oxygen sa loob nito?" patanong na sagot ko.

"Tama! Pero bakit hindi tayo pumuputok?" ani niya at hindi ko alam kung bakit iba ang naging ibig sabihin sa akin.

"Pumuputok ang lobo dahil manipis lang ang plastic o yung skin niya.. Kung ang skin natin ay manipis din ay malamang nag-kalat ang dugo sa kalsada dahil pumutok tayo." natatawang aniya ko.

"Hahaha, may point ka." tumawa siya at napahampas pa kakatawa.

Pagkatapos magtanong ni Feigh ng weird at random na tanong ay nanood lang kami ng movie. Dahil nga isang maingay at madaldal na tao si Feigh, kinwento niya sa akin ang buong storya at hindi ko na ito napanood. Napanood niya na daw kasi iyon at dahil na-intriga ako sa story ay hinayaan ko na lang siya mag-kwento.

Beat Of Hearts (Alloud Band #1) Where stories live. Discover now