LIXIANNA
"Saggi may girlfriend ka na?" i ask. Curious kasi ako sa kaniya. I don't know pero pagkatapos kong mag-perform kanina, parang gusto ko ng alamin lahat ng tungkol sa kaniya.
"Uyyy, bakit natanong? Gusto mo maging isa sa mga GF niya?" mapang-asar na tanong ni Ferix. Nakita ko naman na sumama ang tingin ni Sagittarius kay Ferix.
Hindi ko maiwasang matawa dahil na-s-secondhand embarrassment si Saggi kay Ferix. Hindi ko na nasagot ang tanong ni Ferix. Nakakaloko lang kasi.
"A-ah, wala pa." sagot naman ni Saggi sa tanong ko.
"Bakit wala pa? May nililigawan ka ba?" tanong ko ulit. May pagkakadiin.
"Wala." maikling sagot niya pero biglang sumabat si Ferix.
"Wala, kasi ayaw mo mag-confess." Sabat ni Ferix, bumaling siya sa akin at sinabing. "Alam mo, Lix.. Iyang si Saggi nag-sabi sa akin nung isang araw na mayroon daw babae na maikli ang buhok na nang-" biglang huminto ang sasakyan at napatigil din si Ferix. Medyo nasubsob kami pero agad naman siyang nag-sorry sa akin. Oo, sa akin lang.
"Shit, bro why did you do that?" inis na tanong ni Ferix.
"We're in front of your house, bro." walang ganang sabi ni Saggi.
"I hate you, bro just i hate you!" naka-ngusong bago bumaba ng sasakyan. Nang bumaling ako kay Saggi ay umiiling lang siya.
Tuluyan na ngang naka-baba si Ferix at bago isara ang pinto ay nag-bad finger muna siya kay Saggi. Napailing nalang at ngumisi si Saggi.
Bad boys huh.
"Saan ba bahay mo?" biglang tanong ni Saggi habang lumalabas kami ng village ni Ferix.
Hindi ba nasabi ni Feighla?
"Malapit lang, diyan sa Monta Avenue." sabi ko at tumango na lang si Saggi.
Naging tahimik tuloy ang buong byahe dahil wala na si Ferix. Nahuhuli ko paminsan-minsan si Saggi na tumitingin sa akin mula sa rear view ng sasakyan.
Ang weird ng feeling pero kapag mag-kakatagpo ang aming mga mata ay bumibilis ang tibok ng puso ko. Sa twing ngingiti siya kapag nahuhuling nakatingin sa akin ay may kung ano sa kalamnan ko.
Inihinto niya ng swabe ang sasakyan. Oo swabe, hindi katulad ng biglaan kanina kay Ferix.
"Where's your house here?" tanong niya at tinuro turo ko nalang yung way papunta sa bahay namin. Marami kasing pasikot-sikot dito.
Nang makarating sa tapat ng bahay ay nakita kong namangha siya. Bumaba na rin kami ng sasakyan.
"Your house is beautiful, like the daughter of the owner." habang tumatagal ay pahina ng pahina ang sinasabi niya. Pero naiintindihan ko pa din.
"Pa'no mo nasabing si mama ang may ari nito at hindi ako?" naka-pamewang na tanong ko sa kaniya.
"Syempre anak ka niya, owner ka din naman ng bahay na 'to pero siya ang nag-taguyod nito.. Right?" paliwanag niya at tumango naman ako. May point siya.
YOU ARE READING
Beat Of Hearts (Alloud Band #1)
Teen FictionAlloud Band #1 - Beat Of Hearts Lixianna Xyrelle is a 2nd year Architecture student in Benedict Monzano Southern University (BMSU). She's a transferee in that school and her bestfriend Feighla told her that there's an audition for the school band. L...