LIXIANNA
Wala akong magawa dito sa kinauupuan ko ngayon. Tipsy na si Feigh at nakikipag-kwentuhan naman si Casey kay Jai. Si Ferix naman ay naglalaro sa cellphone at hindi ko naman maka-usap si Saggi dahil wala rin naman kaming topic. Magiging awkward lang. Wag kausapin kung wala din namang sasabihin.
Naisipan ko tuloy na bumili ng drinks kahit na ayoko ng uminom. Para lang may magawa. "Guys, gusto niyo pa ng beer? Bibili ako." tanong ko sa kanila, nabo-bored na ako.
Nang tignan ko sila isa-isa ay umiling lang silang lahat maliban kay Casey. "Bili ka pa ng isang bucket, Lix!" sabi niya pero mukhang lasing na. Sumenyas naman si Jai na tigil na. Bumalik ako sa upuan pero pinigilan ako ni Casey. Napansin naman ni Jai na pinigilan ako ni Casey kaya nagsalita na siya.
"Babe, that's enough, you're already drunk." mahinahong sabi ni Jai kay Casey. "Isa na lang please." pamimilit naman ni Casey at wala namang nagawa si Jai kundi sumangayon. "Lix, order ka. Isang bote lang." sabi ni Jai at ngumiti bago ako pumunta sa counter para um-order.
Nakarating naman ako sa counter ng matiwasay at binigay ang order ko sa bartender na nandoon. Kaso may lumapit na lalaki.
"Hey miss, what's your name?" tanong niya at tumabi sa bar stool na katabi ko. Hindi ko naman siya pinansin. Pero makulit ang lalaki at hinawakan na ang braso ko.
Nairita ako at hinawi ko 'yon ng biglaan. "Hard to get, huh." sabi niya at hindi ko na siya ulit pinansin. Mabuti na lang at dumating na ang order kaya makaka-alis na ako. Kaso pingilan na naman ako at hinawakan naman ang palapulsuhan ko.
"Ano ba?!" iritang sabi ko dahil makulit siya. Ngumisi lang siya at hahawakan niya na sana ako sa mukha nang pumagitna sa amin ni Saggi. Agad naman akong pumunta sa likod ni Saggi dahil nakakatakot din ang itsura no'ng lalaking diko kilala.
"Problema mo?!" sigaw no'ng lalaki. "Don't you dare touch her." sabi naman ni Saggi at maya-maya ay sinuntok ng lalaki si Saggi. Gumanti naman si Saggi hanggang sa nagpalitan na sila ng sapak.
Sinubukan kong awatin si Saggi kaso ay masyado siyang malakas. Lumapit na din tuloy 'yong bartender at si Ferix para awatin sila.
"Sir, tama na po." sabi no'ng bartender kaya nagtigil sila. Umayos naman si Saggi pati yung lalaki. Andaming nakuhang pasa no'ng lalaki samantalang si Saggi ay hindi gaanong napuruhan.
Bumalik na sa table 'yong lalaki at bumalik na din kami sa table namin. Inabutan kami ng bartender ng ice bag para sa mga pasa na natamo nila.
Dinampi-dampi ko ang ice bag sa mga sugat ni Saggi at paminsan-minsan ay dumadaing siya na masakit daw. Kahit onti lang naman ng sugat.
"Ayan kasi, dapat 'di ka na pumatol." sermon ko sa kaniya. "I'm sorry, i just had enough on him." sabi niya habang duma-daing pa din. "Let me." aniya at kinuha ang ice bag sa akin pero inilayo ko iyon sa kaniya.
"Ako na." sabi ko at sa hindi ko sinasadya ay nadampi ko ng madiin ang yelo sa pasa niya. "Aww," daing niya. "Sorry." sabi ko at nag-peace sign. Tinuloy ko na lang ang pagdampi hanggang sa okay na.
Kasalanan ko kasi kung bakit siya nagkaroon ng pasa. Hindi 'man 'sing lala nang kay Marco ang mga sugat niya, nabahidan pa din si Saggi. Natutunan kong Marco pala ang pangalan no'n at estudyante din pala siya sa Benedict Monzano Southern University.
"P're okay ka lang?" tanong ni Ferix matapos ko siyang dampian ng ice pack. "Do you think I'm okay?" inis na tanong naman ni Saggi. "Nagtatanong lang." bulong naman ni Ferix at bumalik na lang sa upuan.
YOU ARE READING
Beat Of Hearts (Alloud Band #1)
Ficção AdolescenteAlloud Band #1 - Beat Of Hearts Lixianna Xyrelle is a 2nd year Architecture student in Benedict Monzano Southern University (BMSU). She's a transferee in that school and her bestfriend Feighla told her that there's an audition for the school band. L...