LIXIANNA
Tuesday. Ewan ko kung anong gagawin namin ngayong araw pero kasalukuyan akong nandito sa labas ng classroom namin.
Wala pa kasi ang professor namin kaya naka-tambay ako dito.
Sabi sa akin ni Feigh naurong daw bukas ang meeting ng mga band members ng BMSU (Benedict Mondano Southern University)- pangalan ng paaralan namin. Kaya wala na naman akong gagawin mamaya. Hindi naman maari na lagi kaming lumabas ni Feigh sa bawat matataas na score na nakukuha niya. Lugi, matalino 'yon eh.
Habang nag-mumuni-muni ako ay dumating ang professor at pinagsabihan pa ako dahil naka-tambay daw ako sa labas. Yumuko lang ako at pumasok na sa classroom.
Nag-discuss lang ang pinaka-malumanay na professor dito sa campus. Kaya naman nabuburyo ako. Gusto ko ay yung energetic, alive at masayang mag-turo. Ayoko ng boring at kalmado. Natapos ang tahimik na klase at sumunod naman ang iba pa.
Nang matapos ang tatlong morning subjects ay lunch break na. Tinext ko kaagad si Feigh kung sasabay ba siya.
Me:
Sabay ba tayong kakain?Text ko at agad naman siyang nag-reply.
Feighla:
Oo, pababa na ako ng building.. Kita-kits mwuah😘May pa emoji pa sa dulo kaya napailing nalang ako. Bumaba na rin ako dahil ayoko namang pag-hintayin ang kaibigan ko.
Nag-kita lang kami sa bench na malapit sa building namin at nag-lakad. Nag-kwento lang siya about sa naging professor nila.
"Alam mo, Lix? Ang sama ng ugali ng professor namin!" asik niya at mukhang nag-susumbong ng wala akong magagawa.
"Bakit naman naging masama ang ugali?" tanong ko at sumimangot siya.
"Goshh! Yung quiz kasi na binigay niya is 50 items.. Nasa other paper yung question but sasagutan mo siya in 30 MINUTES! as in 30 minutes!" malakas niyang sabi at nagpatuloy lang sa pag-kwento. Nakikinig naman ako sakaniya at minsan sumasabat sa mga parata sa professor niya.
Nang marating ang canteen ay nag-order lang ako ng pasta at softdrinks. Si Feigh naman ay sandwich with orange juice. Kumain lang kami ng matiwasay at minsan ay may kakilala si Feigh kaya kinakawayan nalang nito.
Matapos ang lunch break ay napag-desisyunan na naming bumalik sa building namin. Habang nag-lalakad ay may nadaanan kaming gulo o sabihin na nating away.
Bago kasi kami makabalik sa building namin. Madadaanan namin ang building ng mga kumukuha ng kursong Business Administration.
Gaya nang inaasahan ko ay naki-isyuso si Feigh.
"Anyare?" tanong niya sa mukhang kakilala niya.
"Nangopya daw, ayon sinabunutan.. Eh katabi ko lang si Casey, di naman siya nangongopya.. Sadyang magaling lang siya.. Di kasi tanggap ng iba diyan," bulong pero dinig na dinig kong sabi ng pinag-tanungan ni Feigh.
"Si Casey? You mean si Camilla Sammsey Ramos?" paniniguro ni Feigh at tumango naman yung babaeng pinagtanungan.
"Bakit ayaw niyong tulungan?" takang tanong ni Feigh. "Wala kaming magawa kasi anak yan ng isa sa mga stockholder dito.. Baka ma-report kami kapag pinakailamanan namin." sagot niya at walang pasabing sumugod si Feigh para awatin yung babaeng nanabunot.
![](https://img.wattpad.com/cover/314439538-288-k770415.jpg)
YOU ARE READING
Beat Of Hearts (Alloud Band #1)
Novela JuvenilAlloud Band #1 - Beat Of Hearts Lixianna Xyrelle is a 2nd year Architecture student in Benedict Monzano Southern University (BMSU). She's a transferee in that school and her bestfriend Feighla told her that there's an audition for the school band. L...