Chapter 10

3 1 0
                                    

LIXIANNA

Kasalanan na kung kasalanan na mag-lihim sa matalik na kaibigan pero ayoko lang na malaman niyang may interes ako sa pagd-drums! Lalo pa't may past siya doon!

"Sa'n pala punta niyo?" tanong ni Feighla sa kalagitnaan ng byahe. Bago pa maka-sagot si Saggi ay nanggaling na sa akin ang totoo. Sana wag lang magalit ang kaibigan ko!

"Ano, sa uhmm.. C-condo ni Saggi," sabi ko at nakakuha naman ako ng mapanuksong tingin galing sa kaniya. Si Saggi naman ay nasa kalsada lang ang tingin.

"Anong gagawin niyo doon?" tanong niya at mapanuri na. Ganoon pa din ang pwesto niya simula kanina. Ako tuloy ang nangangawit sa pagkaka-baluktot ng balakang niya.

Napatingin ako kay Saggi para sana humingi ng tulong ngunit naisip ko din na dapat kong harapin si Feighla. She need to know the truth, she deserves to know.

"Magp-practice kami ng drums." nauutal ngunit nasabi ko din naman ng buo kahit nag-aalangan ako kung anong magiging reaksyon niya. Ayokong masira ang friendship namin pero gusto kong matuto mag-drums!

"Ahh okay, sama ako!" masayang sabi niya at nagtataka naman akong lumingon sa kaniya. Hindi siya galit?

"Bakit naman ganiyan ka makatingin sa akin, Lixianna? Ayaw mo ba? Sige okay lang, baka solo time mo ata si Sag-" bago niya pa maituloy ay pinutol ko na. Masyado na siyang nagpapantasya.

"Hindi, Hindi! Ang ibig kong sabihin ay hindi ka galit?" maingat na tanong ko at umiling naman siya.

"Bakit naman ako magagalit?" nag-kibit balikat siya at tinignan lang ako. Naisip ko naman na wag na lang banggitin sa kaniya pero siya na mismo ang naka-alala. Tumawa muna siya bago nag-salita.

"HAHAHA! Iyong tinutukoy mo ba ay iyong ex kong drummer noong high school?!" natatawang tanong niya sa akin at ito na nga ba ang sinasabi ko na ang katapusan ng pagk-kaibigan namin.

Ayaw na ayaw niya kasing maaalala ang ex niyang drummer noong senior high school dahil aniya ay greatest love niya daw iyon kahit alam niyang puppy love lang. Magulo pero ayaw na lang daw na nababanggit kaya hindi ko talaga binabanggit sa kaniya dahil maingat nga ako pag ang nakaraan niya ang usapan.

"Oo, iyon nga. Hindi ba sabi mo ayaw mong pinapaalala iyon?" sabi ko kahit nag-aalinlangan pa rin.

Hindi ko talaga alam ang dahilan kung bakit sila nag-break pero tarantado din kasi iyon. Kaya after niyang makipag-break kay Feighla ay pinagsasapak ko siya sa labas ng school. May kasama siyang dalawang lalaki pero malas niya lang kasi tropa ko din ang mga kasama niya kaya imbis na tulungan siya ay hinayaan nila ako sa pambubugbog ko. Chineer pa nga ako!

Tumigil si Feigh sa kakatawa at bumalik ang seryosong mukha niya. Nakaka-kaba pero gusto kong malaman kung ano na ang update sa kaniya with that bastard boy.

"Wala na akong pakialam sa kaniya 'no! You can do whatever you want, baby Lixie! I'll support you basta si Saggi mag-tuturo sayo ng pagd-drums!" kumindat pa siya at hinarap niya na ang cellphone niya na kanina pa tumutunog. Sumenyas siya na 'wait lang' kaya binaling ko muna ang atensyon ko sa bintana.

Tumingin ako kay Saggi na nakatuon lang ang atensyon sa kalsada. Nang marating namin ang tapat ng condominium niya ay ipinark niya lang ito sa basement park ng condo nila. Amaze pa rin talaga ako sa building ng condominium niya!

Beat Of Hearts (Alloud Band #1) Where stories live. Discover now