LIXIANNA
Pababa na kami ngayon ng condo at kanina ko pa napapansin na hindi niya binibitawan ang kamay ko. Hindi naman sa nagrereklamo ako dahil alam kong wala namang malisya 'to pero naiilang ako. Ewan ko ba!
May kung ano akong nararamdaman na hindi naman dapat.
Nakarating na kami sa lobby area at hindi nakatakas sa aking mga mata ang tingin sa amin ni kuya guard. Yung guard dito sa condominium.
"Good morning, Ma'am, Sir." bati sa amin ni kuya guard at mukhang nakasanayan na ito ng mga residente dito na bumati.
"Good morning din, aalis lang kami ng girlfriend ko." Sambit ni Saggi at nanlaki naman ang mata ko. Mabilis siyang lumabas sa condo at dinala ako sa gilid ng building nila.
Mabilis pa din ang bawat lakad namin at hawak niya pa din ang kamay ko. Tahimik lang siya ngunit habang tumatagal ay bumabagal na ang lakad niya. Hanggang sa maka-alis na kami sa harap ng condominium. May nadaanan kaming benches doon at tumigil siya sa pag-lalakad.
Iniupo niya ako doon at parang may gusto siyang sabihin. Ibinubuka niya ang bibig niya ngunit agad ding isasara. Palakad-lakad siya sa harap ko at mukhang nag-iisip ng tamang salita sa sasabihin niya.
Ako na dapat ang mangungunang mag-salita ngunit bago ko pa man ito masabi ay nagsalita na agad siya.
"Alam kong naguguluhan ka kung bakit girlfriend. It's just because na kapag visitor ka sa amin ay mag-iiwan ka pa ng ID, hindi ka na naman bago sa akin kaya sinabi kong girlfriend kita. I'm sorry if may boyfriend ka na lilina-" inilagay ko ang aking hintuturo sa bibig niya dahil masyadong marami na siyang sinasabi. Nakita ko naman na nagulat siya pero hindi ko na lang iyon pinansin.
"First of all, it's okay if nasabi mo yon. Wala naman sa akin if sabihin mo na girlfriend mo ako kahit hindi naman. Second of all, wala akong boyfriend. Kaya wala din namang mag-gagalit if ever." paliwanag ko at ngumiti sa kaniya. Tinanggal ko na ang hintuturo ko sa bibig niya at nag-simula ng mag-lakad.
Pero napahinto din ako dahil napansin kong walang sumusunod sa akin. Nilingon ko ang nasa likuran ko at nakita ko pa din si Saggi doon sa mismong spot kung saan kami nag-usap kanina. Nilapitan ko siya sa mismong pwesto at tumayo sa harapan niya.
He was so stunned that I waved my hands but he still didn't move. I just cling my arms on his shoulder even though he is taller than me.
Gumalaw na siya at nagsimula na kaming maglakad papunta sa malapit na grocery store. Mabuti na lang at bukas na nang ganitong oras ang isang grocery store dito. Kalimitan kasing mga bandang alas-otso pa nagbubukas ang mga establishment na ganito.
Kumuha lang kami ng cart at nagsimula ng mamili si Saggi ng mga ingredients. Samantalang ako nasa sweets section ng grocery store.
"Heps! Only healthy foods." pag-pigil ni Saggi sa kamay kong kukuha na sana ng dalawang bar ng chocolate. Napairap naman ako dahil do'n.
"Ako naman magbabayad!" reklamo ko at kinuha yung dalawang bar ng chocolate. Napailing na lang siya dahil wala din naman siyang magagawa.
"But you said na you will just eat salad," pagtutukoy niya sa sinabi ko kanina. "Yes, i said it but I'll eat this at home." pag-ngiti ko at binayaran na sa cashier ang chocolates ko. Tapos na rin naman siyang mamili so sinabay niya na ang pinamili niya.
Pagkatapos naming bayaran ang pinamili namin ay bumalik na din kami sa condo.
Ayan na naman ang mga mata ni kuya guard na hindi mo malaman kung nanghuhusga o nanunukso. Mga tao nga naman!
YOU ARE READING
Beat Of Hearts (Alloud Band #1)
Genç KurguAlloud Band #1 - Beat Of Hearts Lixianna Xyrelle is a 2nd year Architecture student in Benedict Monzano Southern University (BMSU). She's a transferee in that school and her bestfriend Feighla told her that there's an audition for the school band. L...