New vocalist
"Hey, Lix!" Saggi greeted me with all his eyes. I also got shocked when he widened his arms in me.
I stared at it for a long time, hindi alam ang gagawin. Binaba niya kaagad ang kamay niya nang ma-realize kung anong ginagawa niya. Nakaramdam naman ako ng lungkot. I feel bad!
"Hi, asan pala yung keychain?" tinanong ko kaagad dahil iyon lang naman ang pakay ko. Iniba ko na rin ang usapan dahil naa-awkwardan ako.
Hindi niya inalintana ang pakay ko. "May kasama ka pa?" tanong niya at tinaasan ko naman siya ng kilay. "May nakikita ka pa bang hindi ko nakikita?" medyo natakot ako don.
"Nothing, I'm just worried kung paano ka uuwi. It's late at night." he said. Medyo nauutal pa ata.
Hindi ko alam kung bakit kanina pa siya hindi makatingin sa akin ng deretso. Pero tinanggal ko na lang ang iniisip ko. Baka hindi pa siya nakapag-linis ng condo.
Pagkabigay ng keychain ay umalis na ako. Wala na din naman akong dahilan para mag-stay pa roon at baka nakaka-abala ako sa kaniya.
I look at my keychain. Si Kuromi ito na may ribbon sa itaas. Napansin kong may note sa likod kaya tinignan ko ito.
You left this, i like your taste. It's cute, like you.
Nakalagay roon sa isang maliit na papel na nakadikit gamit iyong double sided tape. Namula ang pisngi ko nang mapagtantong si Saggi ang nagsulat nito.
Pipindutin ko na sana ang elevator button nang sundan ako ni Saggi. May susi sa kanang kamay at nakapamulsa ang kaliwang kamay.
Bakit kaya siya nandito?
"I want to take you home. It's late already." aniya na parang nabasa ang isipan ko.
"Nakakahiya, 'wag na. Kaya ko naman umuwi ng mag-isa." pamimilit ko, may kikitain din sana ako ngayong gabi kaya ayaw kong magpa-hatid.
"No, it's late na." pagkasabi niya no'n ay saktong bumukas na ang elevator. Wala na akong nagawa nang pumasok siya roon at hinihintay akong pumasok sa loob.
Tahimik lang ang naging pag-baba nang elevator. Walang umiimik at wala ring tunog sa paligid. Nang biglang mag ring ang cellphone ko.
"Xianna, nasa baba na ako ng sinend mong address. Asan ka na?" tanong ni Ranz na nasa kabilang linya.
"Ahh papunta na, pababa na ako." sabi ko at binaba ang tawag. Sakto naman na bumukas na ang pinto ng elevator. Maglalakad na sana siya nang hawakan ko ang palapulsuhan niya.
Nagulat siya at maging ako din. May naramdaman akong kakaiba habang hawak siya pero hindi ko na lang ito inalintana. Nakalabas na kami sa elevator at ngayon ay nasa lobby area na kami. Nakita kong nakatingin sa amin ang guard nila pero wala akong pake.
Binitawan ko ang kaniyang palapulsuhan at hinirap siya. "Saggi, hindi mo na ako kailangan ihatid. Kaya ko na ang sarili ko." sabi ko at hindi ko naman malaman kung bakit hindi ko masabi ang rason.
He tilted his head and his expression changed. Kanina ay mukhang masaya siya pero bigla itong bumalik sa pagka poker face. Nakakunot na din ng bahagya ang kaniyang noo. Nakaramdam naman ako ng guilt sa hindi malamang dahilan.
Nag-iwas naman ako ng tingin dahil ang lalim ng kaniyang titig sa akin. Napagawi ako sa labas at nakitang kumaway si Ranz. Nakita rin ito ni Saggi.
"Uhm I guess, may maghahatid na sa iyo?" tanong niya at hinarap ko siya. "Yes, I'm sorry.. Next time na lang." pagkasabi ko no'n ay agad akong lumabas sa lobby para sa namumuong tensyon na nararamdaman ko. Gusto kong bumalik pero hindi ko alam kung bakit.
YOU ARE READING
Beat Of Hearts (Alloud Band #1)
Roman pour AdolescentsAlloud Band #1 - Beat Of Hearts Lixianna Xyrelle is a 2nd year Architecture student in Benedict Monzano Southern University (BMSU). She's a transferee in that school and her bestfriend Feighla told her that there's an audition for the school band. L...