LIXIANNA
Another day and I'm excited. Excited ako sa meeting ng mga band members. Makikilala ko din ang aking mga ka-vibes when it comes to band.
Kasalukuyang nag-tuturo ang professor namin about sa history ng architecture. Tinalakay namin ang iba't-ibang landscapes na ginawa ng mga arkitekto ng sinaunang panahon.
Natapos lang ang klase namin at lunch break agad.
A/N: ang bilis 'no? Katulad nang ma-fall ka sakaniya, mabilis lang. HAHAHA charot! Balik na sa pag-babasa.
Chinat ko si Feigh pero hindi siya nagr-reply kaya alam kong nasa klase pa siya. Pinuntahan ko siya para maka-siguro at hindi nga ako nag-kakamali. Nag-k-klase pa sila at extended daw ng 30 minutes ang klase nila. Wala akong nagawa kundi pumunta ng canteen at bumili ng pagkain.
Nakita ko na naman yung Saggi at sumagi na naman sa isip ko ang sinabi niya.
Call me saging, everytime you want but.. Endearment mo na sa akin 'yon.. Meaning.. Girlfriend na kita.
Nakaka-inis dahil kayang-kaya ko naman na sagutin siya sa sinabi niya. Pero meron sa loob ko na ayos lang iyon at kinilig pa.
Umayos ka, Lixianna.
Bumalik na lang ako sa pag-kain at maya-maya ay may tumabi sa akin. Palibhasa ay wala si Feigh kaya wala akong katabi. Nang lingunin ko ito ay nakita ko si Saggi.
"Hi." bati niya at hindi ko naman sinagot dahil baka may kausap siyang hindi ko nakikita.
"Hi, my girl." bati niya ulit at lumingon na ako sa kaniya.
"Ako ba kausap mo?" tanong ko habang naka-turo sa sarili ko.
"Yes, so dahil lumingon ka sa tawag ko.. You are my girl na." sabi niya habang hina-halo ang salad na in-order niya.
"Kapal ah." bulong ko at napa-hinto naman siya.
"Okay, just kidding hahaha.. Bakit parang sobrang seryoso mo?" tanong niya at nagkibit-balikat lang ako. Meron sa loob ko ang nanlumo dahil nag-bibiro lang siya. Nag-bibiro sa sinabi niyang girlfriend thingy.
Hindi ko na maintindihan ang nararamdaman ko lately. Simula ng sabihin niya yung girlfriend sa akin ay hindi na iyon matanggal sa isipan ko. Maging siya ay naiisip ko na din at muntikan ko nang maseryoso ang sinabi niya.
Teka, Bakit ko ba siya kinakausap?
"Ano bang ginagawa mo dito?" tanong ko at ngumiti naman siya. Yung ngiting mahuhulog ka.
"Of course, kakain." sabi niya at ngumiti pa lalo. Napa-buntong hininga na lang ako dahil sa pagiging sarkastiko niya. Napansin niya naman iyon at bahagyang natawa.
"Hindi pala ikaw yung klase ng babae na nagungulit 'no?" tanong niya at tumango naman ako. Hindi na ako nag-aabalang sumagot dahil hahaba lang ang usapan namin at hindi na makakain.
Bumaling na ako sa pagkain ko at hindi na siya pinansin. Buti na lang at bumalik na din siya sa kinakain niya kaya naging tahimik lang kami. May pa ilan-ilang kilala siya dito at kinakawayan niya. Ang iba naman'g mga babae na kapag dadaan ay titili muna. Hindi ko na sila pinansin at nag-patuloy lang sa pag-kain.
Natapos kaming kumain at dahil nga nakalimutan kong kumuha ng tubig sa water dispenser ay kusa siyang nag-presinta na siya na lang ang kukuha.
"Ako na," sabi ni Saggi at ngumiti pa. Kinuha niya ang tumbler ko at ang tumbler niya.
YOU ARE READING
Beat Of Hearts (Alloud Band #1)
Teen FictionAlloud Band #1 - Beat Of Hearts Lixianna Xyrelle is a 2nd year Architecture student in Benedict Monzano Southern University (BMSU). She's a transferee in that school and her bestfriend Feighla told her that there's an audition for the school band. L...