One

1K 44 16
                                    


"Pwede ba? Magsitahimik nga kayo!"

Nagtinginan ang mga kaklase ko sa akin dahil sa pagsigaw ko. Nanahimik sila sandali. Sandaling-sandali lang dahil pagkatapos ng isang minuto ay nagdaldalan na naman sila. Halos tusukin na sila ng mga tingin ko sa sobrang inis.

Nasaan na ba kasi si Ma'am? Bakit naman kami iniiwan dito sa room, e, alam niya namang parang nasa palengke 'tong mga 'to kapag walang teacher!

Narinig kong nagsalita ang katabi ko kaya tinignan ko siya nang masama. Agad niyang tinikom ang bibig niya at umub-ob na lang sa lamesa. Kumuha ako ng papel sa bag ko at may sinulat doon.

Noisy.

No, hindi ako president ng class namin pero magpapakaleader na ako dahil kahit presidente namin ay ang ingay ng bunganga. Tahimik lang akong nagmamasid at sinusulat sa papel ang makita kong nakabuka ang bibig, kahit na hindi naman nagsasalita. Pati ang mga nakatayo ay nilista ko na rin.

Nakakapikon silang lahat! Napaka-ingay! Parang mga hayop sa hawla!

Maya-maya rin ay dumating na ulit ang teacher namin kaya nagsitahimikan na sila ulit. Akala mo mga anghel!

"Tapos niyo na 'yong pinapagawa ko?" tanong ni Ma'am Ramos.

"Hindi pa po," sagot ng mga kaklase ko.

Bawat word ay mahaba ang pagbigkas. Parang mga bata. Well, oo, mga bata kami but still! Malapit na kami mag grade 7! High school na 'yon pero parang mga kinder pa rin 'tong mga 'to!

"Ang ingay kasi, Ma'am, kaya hindi pa tapos," sabi ko sa teacher namin.

Nagtinginan ang mga kaklase ko sa akin. 'Yong iba naman ay nagmadali na lang magsulat sa notebook nila. Tumayo ako at inabot kay Ma'am Ramos 'yong papel na puno ng noisy. Tinignan niya 'yon.

"Tsk, tsk. Thank you, Allison," sabi ni Ma'am habang bumabalik ako sa upuan ko. "Noisy. Kelly Rivera? President, unang-una?"

Kelly, the class president who also happens to be my friend, looked at me shockingly. I raised my brows at her.

"All students listed here will be deducted 5 points in today's quiz," Ma'am Ramos said as she folded the paper and put it in her pocket.

Everyone gasped dramatically.

"Hala. Allison, nakalista ako?"

"Nandoon ako, Allison?"

"Inutusan ka ba ni Ma'am?"

"Lah. Bida-bida e."

I kept a poker face to their remarks. Ayan! Kanina ko pa kayo sinasaway pero hindi kayo nakikinig. Gusto ko lang naman magsagot nang mapayapa pero yung bunganga niyo, ang sakit sa tenga!

When recess came, I walked toward my friend Kelly.

"Tara, bili tayo sa canteen," sabi ko na parang walang nangyari.

Inismiran niya ako. Lumapit naman sa amin ang isa pa naming kaibigan na si Iris. Kumapit siya sa braso ni Kelly at sabay silang naglakad palabas ng room. Masama ang loob nilang dalawa sa akin dahil pareho silang nasa listahan. Humabol ako sa kanila at kumapit din sa kabilang braso ni Kelly.

"Oh, come on. Naka-ilang saway na ako pero ang ingay niyo pa rin. What do you want me to do?" pangangatwiran ko.

"Hindi mo naman kailangan isumbong kay Ma'am. I am aiming to be the valedictorian. Now, nabawasan pa yung points ko," pagmamaktol ni Kelly.

"Hindi niyo rin naman kasi kailangan mag-ingay. Ang sakit niyo kaya sa tenga," sagot ko.

"Whatever, Allison." Kelly rolled her eyes and then shook my hand off her.

All I Need (Capture Series 2) [ON-HOLD]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon