Prologue

1.9K 92 51
                                    


This novel is dedicated to all the people fighting their own demons. I am sorry you have to go through all of these. Please, know that everything will be alright. You can always find sunshine in your life. Left, right, over, and under, just focus and look. It's there.


-


"I'm sorry for everything. Goodbye."

I wiped my hand across his tombstone before standing up. Tumitig ako nang maigi roon at pinasadahan ng tingin ang bawat letra ng kanyang pangalan. Ilang beses na akong dumadalaw dito pero kahit isang beses ay hindi nababawasan ang bigat ng nararamdaman ko.

Napatingin ako sa labas nang marinig ang pagpatak ng ulan. Sinundan naman 'yon ng isang kulog.

"Punyeta. Wala akong dalang payong," bulong ko sa sarili ko sabay hinga nang malalim.

Tinignan ko ulit ang puntod niya at sinabing, "Alis na ako," sa isip ko lang. Naglakad ako nang mabilis palabas ng mausoleum niya at tumakbo papuntang gate ng sementeryo.

"Ma'am, payong?" rinig kong sigaw ng guard.

Winagayway ko lang ang kamay ko para sabihing hindi ko iyon kailangan habang patuloy pa rin sa pagtakbo. Kailangan ko naman pero kung kukunin ko iyon ay baka siya naman ang mawalan. Lumakas pa lalo ang pagbuhos ng ulan kaya sumilong muna ako sa malapit na tindahan ng mga bulaklak at kandila.

"Ma'am, bulaklak?" tanong ng tindero. Umiling ako at tumingin na lang sa mga nagdadaanang sasakyan sa harap ko.

"Ma'am, kandila?" panibagong tanong niya. Umiling ako ulit.

"Madami kaming magagandang bulaklak dito, Ma'am, baka gusto mo."

Pinikit ko ang mga mata ko at huminga nang malalim. Araw-araw na lang talaga sinusubukan ang pasensiya ko.

"Kuya, nakita mo kung saan ako galing?" kalmado kong tanong sa kaniya. Ka-edad o mas matanda lang ata nang onti sa akin 'tong tindero.

Tumango siya at tinuro yung gate ng sementeryo sa gilid namin. "Sa loob po," sagot niya.

Diniinan ko ang kagat ko sa ngipin ko at pinilit na ngumiti sa kaniya. "Ang cute mo noh?"

"Lah, si Ma'am naman," nahihiya niyang sabi.

Tinanggal ko ang ngiti sa mukha ko at tinaasan niya ng kilay. "Nakita mo naman palang sa loob na ako galing, bakit tinatanong mo pa ako? Kanino ko ibibigay 'yan? Sa'kin?"

Napakamot siya sa ulo niya at tumahimik na lang. Umirap ako at humalukipkip. Ibinalik ko ang tingin sa harap ko at pinakalma ang sarili ko. Huminga ako ulit nang malalim.

Dinukot ko sa bulsa ko ang natitirang pera ko at inabot 'yon sa tindero. Agad na lumiwanag ang mukha niya at binalot ang isa sa magandang bulaklak na benta niya. Inabot niya iyon sa akin nang nakangiti. Tinignan ko nang masama yung plastic na nasa kamay ko na para bang may atraso iyon sa akin.

"Salamat, Ma'am!" sabi ng tindero sabay abot ng sukli.

Hindi ko na iyon kinuha at tumakbo na lang papunta sa nakita ko kaninang waiting shed. Noong una ay binibilisan ko pa yung takbo ko pero kalaunan ay naglakad na lang ako.

All I Need (Capture Series 2) [ON-HOLD]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon