Eleven

352 11 2
                                    


"Ako na," sabi ni Kairo sabay kuha ng mga gamit ni Oliana.

Inabot ko rin sa kaniya ang gamit ko. Kaya ko naman dalhin iyon pero dahil mainit ulo ko sa kaniya ay gusto ko siyang pahirapan. After two days ay dinischarge na si Oliana ni Doctor Lavarez. Ayos na naman daw siya. Huwag lang magpapakapagod.

"Remember what I told you, Oliana. Do not do any heavy physical activities, alright?" paalala ni Doctor Lavarez.

"Wala naman pong problema roon, doc. I am not really that active sa school," sagot ni Oliana sabay kamot sa ulo niya.

Doc nodded and then looked at Millane. "Don't forget to monitor her once in a while. She's fine, but just to make sure."

"Yes po, doc. Noted po," sagot naman ni Millane.

Sa akin naman siya lumingon kaya napatayo ako nang maayos. She looked very professional but at the same time approachable. Her eyes were smiling. I think she was in her 50s but she barely looks old. She and Collins have the same eyes and black straight hair.

"Ikaw 'yung kasama ni Collins na pumunta rito last time, right?" tanong niya sa akin kaya nagtinginan sa akin ang mga kasama namin.

Nag-aalangan akong tumango. "Yes."

"How did you two meet?" she asked excitedly. "Pasensya na ha. I am not Doctor Lavarez at this moment, Mama Lavarez muna," she laughed.

Nagngitian naman ang mga kasama namin samantalang si Oliana naman ay pinanlakihan ako ng mata, halatang nang-aasar.

"Ahm..." Pinag-isipan ko kung anong sasabihin ko— kung 'yung sa basketball court ng hotel ba years ago o dahil sa kapatid siya ng kaibigan ni Oliana.

"I got excited when he told me he was with someone. Ang tagal na kasi niyang hindi nagpapakilala ng babae sa akin. He used to tell me everything but as he grew older, nagiging masikreto na. Ang akala ko nga noong una ay si Oliana ang tinutukoy niya," pagdaldal ni Doc Lavarez.

Nakita ko ang pagkunot ng noo ni Kairo sa narinig. Agad namang umiling si Oliana. "Ay nako! Hindi po! Kaibigan ko po kasi si Corrin dahil kay Kairo kaya nakilala ko po si Kuya Collins, and kaya rin po nagkakilala si Alli at si Kuya Collins. Best friend ko po ito, si Allison."

"Oh! I see. Mas bata ka pala kay Collins, I'm sorry! I thought you're his new girl!" paghingi niya ng tawad sa akin sabay takip sa bibig niya.

Tinignan ko nang masama si Oliana.

Kuya kasi nang kuya 'to e! Ano ngayon kung mas bata ako kay Collins? Tatlong taon lang naman!

E, ano naman ngayon, Allison, kung tatlong taon lang age gap niyo ni Collins? Para namang may mangyayari? Kaibigan lang tingin sa'yo nung tao at hindi mo priority ang love life. May goal ka sa buhay at 'yung kaibigan mo ay kakagaling lang sa aksidente. Ang daming kailangang intindihin maliban sa love life, okay?!

I forced a smile just to get out of the awkwardness. Mabuti na lang ay wala si Collins dito. Kung nandito ay baka nagpa-confine na ako sa sobrang hiya.

Maya-maya lang nagpaalamanan na ulit sila. Si Millane dapat ang huling lalabas pero pasimpleng humarang sa daanan ko si Doctor Lavarez kaya nauna na lumabas si Millane. Nagtatakha akong tumingala sa kaniya. She's so tall.

"But are you close with him?" she asked, scrunching her nose.

"Huh?" gulat na tanong ko.

"My children won't tell me anything. Kahit si Nigel at Rex, ayaw din magkwento tungkol sa kung anong nangyayari kay Collins. Corrin tells me everything about her life but not Collins," sunod-sunod niyang sabi. "So, I'm just hoping there's something you can share with me about him. Anything? Or are you just really acquaintances?"

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Dec 04, 2023 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

All I Need (Capture Series 2) [ON-HOLD]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon