Two

571 30 8
                                    


"You'll be fine, Alli. Namula lang," Mommy said while checking my legs.

Nakabusangot pa rin ako habang nakahalukipkip. Parang bubutasin ko na 'yong wall sa tingin ko.

Nakakainis kasi! Minsan na nga lang ako magmagandang loob sa isang tao, napahiya pa ako! Basketball player siya, so dapat mabilis siyang tumakbo! Hindi niya man lang nasalo yung ball?!

"The guard told me that you met someone? Is he nice?" Mommy asked.

Bumuntong-hininga ako. "Nice?! He didn't even catch the ball!"

Tumayo si Mommy at humarap sa akin. "Really? Hindi ka tinulungan?"

"Well... H-He did try. Tumakbo siya palapit sa akin. Ang bagal nga lang niya. Basketball player pero mabagal? Yuck." I rolled my eyes.

Mommy combed my hair with her fingers and then rested her hand under my chin. "Look at me, sweetie." I obeyed her. "I think what counts is that he tried. Someone tried to save you even though he doesn't know you personally. I'm sure if it's your effort that got invalidated just because you failed, you won't feel good. Am I right? So you should still be grateful, okay?" she asked softly.

I sighed then nodded at her. Sa bagay. He even lent me his jacket para upuan ko kahit na nabunggo ko siya. He's actually nice, I know that. Naiinis lang talaga ako. Ayoko sa lahat ay 'yong napapahiya ako. Anyway, it's not like makikita ko pa ulit 'yong guy na 'yon.

Sunday afternoon ay bumalik na kami ni Mommy sa Tacloban. Kailangan kong pumasok nang Monday dahil Friday lang ang naipaalam sa teacher ko. Mahirap na magkaproblema ngayong graduating ako. Habang naglalakad sa hallway ng school ay nakasalubong ko ang tuwang-tuwang si Kelly.

Tinaasan ko siya ng kilay. "What?" I asked noong huminto siya sa harap ko.

She grinned at me. "I got in! Majorette na ako!"

Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya. "Where is the list? Saan mo nakita?"

"Nasa bulletin board! Hindi ko nakita kung kasali ka. Tara, tignan natin!" Hinila niya ako papuntang bulletin board kahit na ayokong magmadali. Nagulat lang ako na may result na pala pero expected ko na naman na kasali ako.

Pagdating namin sa board ay may mga nagkukumpulan na students doon at tinitignan 'yong list. Nagkakatulakan pa 'yong iba kaya napakunot ang noo ko. Ang aga-aga, sinusubok na naman ako.

"Excuse!" I yelled.

Nagulat ang iba sa sigaw ko kaya napatabi sila. I rolled my eyes and then strode into the middle of the crowd to check my name on the list. I smirked when I saw the person listed on the first number.

1. Allison Marie Santos

See? There's nothing to worry about.

Tumingin ako kay Kelly. "You didn't see my name over yours?" mayabang na tanong ko.

"Wow, Allison! Congrats to us!" Kelly said happily.

Ngumiti ako sa kaniya. She then clung to my arm as we walked away from the crowd. May mga nakatingin sa akin na para bang manghang-mangha sa akin dahil sa result ng auditions.

Aba dapat lang. I am beautiful, smart, tall, athletic, dancer, and rich. Others work so hard to have even just one of those qualities while I... have them all. So don't worry people, I understand your adorations.

Buong oras ng klase ay inisip ko lang ang mga dance routine na sinayaw ko dati. Alam ko na may matututunan pa ako kapag nagsimula na ang practice ng D&L, kaya lalo akong naexcite. My high school will be so much fun!

Pagdating ng recess ay nauna na si Iris sa canteen dahil nagpasama pa ako kay Kelly sa bathroom para mag-ayos. Siya ang madalas kong kasama sa ganito. Si Iris kasi ay walang pakielam sa itsura. Naglagay ako ng baby powder sa mukha ko at inayos na rin ang buhok ko. Napatingin ako sa reflection ng mga pumasok nang mapansin na 'yong mga ex-groupmates ko 'yon. Hindi naman nila ako pinansin kaya pinagpatuloy ko ang ginagawa ko. Napa-iling na lang si Kelly sa mga dumaan sa likod namin.

All I Need (Capture Series 2) [ON-HOLD]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon