Six

483 19 27
                                    


"Anong plano natin sa araw ng Paskuhan?" tanong sa akin ni Oliana.

Napatigil ako sa pagkain ng snack ko at tumingin sa kaniya. Tinaasan ko siya ng kilay.

Simula noong nangyari last month ay palagi na kaming magkasama. She was a natural. Walang awkwardness sa kilos niya. Ako ang hindi mapakali kung paano siya pakikisamahan. Antagal ko nang walang ibang taong kinaibigan. Hindi ko na alam kung paano. But with her guide, we managed to have decent conversations. Hindi pa ako ganoong kakumportable sa presensiya niya pero somehow, nababawasan ang bigat ng pakiramdam ko sa tuwing magkasama kami.

Likas na madaldal talaga si Oliana. Ang daming kwento palagi tungkol sa buhay niya. Hindi naman siya nagtatanong ng tungkol sa akin hanggat hindi ako ang nagsisimula kaya wala kaming naging problema. I told her about the basics of my life like name of my parents, our business, and where we used to leave before. That's all. Hindi siya mahilig mag-joke but she loves to laugh kaya ang gaan palagi ng paligid kapag nandiyan siya. Bawat sarcasm at jokes ko ay tumatawa siya.

"Anong plano ka diyan?" tanong ko sa kaniya.

"Eh, kasi hindi tayo aattend ng Paskuhan 'di ba? Isip na lang tayo ng gagawin natin sa araw na 'yon," she replied while eating her cupcake.

"Palitan ng gift. Tapos."

Now that I mentioned it, naalala ko na wala pa pala akong nabibili para sa kaniya. Ang sabi niya ay gusto niya ng clothes pero hindi ko naman alam kung anong klaseng clothes ang ibibigay ko. She's rich. I'm sure she has every pieces that she likes.

"Nye!" gulat siyang lumingon sa akin.

"I didn't say anything about you not going to Paskuhan. Ang sabi ko, ako ang hindi pupunta."

"Eh, naranasan ko na mag-Paskuhan dito last year. Gusto ko naman maranasan mag-Christmas with my friend." She giggled.

It still feels weird to be called her friend, at the same time... scary. I shook my head lightly to remove what I was feeling.

"Matulog. That's my plan for that day," I said. "Ikaw? Anong plano mo?"

"Matutulog na lang din." She shrugged.

I rolled my eyes at her decision. Sa isang buwan na pagkakaibigan namin, lagi siyang ganiyan. She would want to do something with me pero hindi niya ako pipilitin. Gagayahin niya lang desisyon ko hanggang sa ako na lang ang magbabago ng isip.

"Ano bang naiisip mong gawin?" tanong ko.

Her eyes immediately lit up. "Pool party! Magpapahanda ako sa maids namin ng foods, tapos swimming tayo! Or kung gusto mo sa inyo na la—"

"No," I immediately said. "Hindi pwede sa bahay."

I didn't want her to see how dark the aura of our house. Ayokong makita niya kung gaano kalungkot ang pamilya ko.

"Oh, okay. Ayon... 'yon ang naiisip ko. Pero it's okay naman if you don't want. Pupunta na lang ako sa labas niyo para iabot 'yong gift ko. Need rin natin mag-rest after ng lahat ng school works e."

Hindi na ako nagsalita pa at pinagpatuloy na lang ang pagkain ko. Nagdadalawang-isip ako kung papayag ba ako sa gusto ni Oliana o hindi. I knew it will be good for me to spend more time with her so I can get to know her better, but that's what I was scared of. At isa pa, hindi maganda ang nangyari noong huling beses ako pumunta sa ibang bahay.

"Make sure she eats on time. Never take your eyes off her. Update me every day on how she's doing."

Nakatayo lang ako sa ilalim ng stairs habang pinapanood si Daddy magbilin sa mga maid at guard namin. He was going out of the country for two weeks kaya wala siya sa Christmas at New Year. Lumingon naman ako kay Mommy na dino-double check ang mga luggage ni Daddy. I was glad because hindi siya aalis ng Pilipinas ngayon pero panigurado namang nasa office siya madalas kaya wala rin.

All I Need (Capture Series 2) [ON-HOLD]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon