"What do you mean?!" galit na tanong ko sa driver namin."Hindi ka raw ho kasi nagpaalam sa Daddy mo. Galit na galit po. Huwag daw po kayo sundin kapag nanghingi ka ng tulong," sagot niya.
Sa sobrang galit ko ay pinatayan ko siya ng tawag. I called our family driver to fetch Oliana and I here in Batangas. Ayoko nang sumabay sa van ni Kairo. Gusto kong lumayo na kami ni Oliana sa kanila. Cue lang ng doctor na pwede nang lumabas si Oliana ang inaantay ko para makaalis na. Kaso lang ay ayaw naman kaming sunduin ng driver namin. Si Tita Madeline ay nasa ibang bansa, si Kuya Noah ay hindi ko alam kung nasaan, kaya wala na akong ibang matawagan.
"Nasa van na lahat ng gamit namin." Nasa pintuan ng villa si Kairo.
I glared at him. My heart started beating so fast out of anger. I stood up from sitting on my bed and then walked towards him.
"Tangina, ang kapal ng mukha mong humarap sa akin." I gritted my teeth.
Kumunot ang noo niya. "Bakit sa akin ka nagagalit? Sila Kuya Collins ang dahilan kung bakit naaksidente si Oli!"
"Nililigtas na siya ni Theo pero nagawa mo pa ring unahin 'yang pagseselos mo!" sigaw ko.
I did not have the chance to talk to him earlier because I was in shock. Ngayon na alam kong maayos na si Oliana ay bumalik na ang katinuan ko.
"He is not a medical personnel. She could die if he didn't know what he was doing!" pagdadahilan niya.
"Well, news flash! He did know what he was doing!" I spat. "Now, she's still breathing, she's still alive, because of Theo! Not because of you! Ikaw ang inaasahan ng tao na mag-aalaga sa kaniya pero alam mo kung ano nakikita ko? Ikamamatay nang maaga ni Oliana ang pagsama sa'yo!"
His jaw clenched, trying to say something but did not know what. I was heaving while glaring at him. He looked away.
"The doctor already discharge Oli. We're leaving in a few minutes," he calmly said before walking away.
"Kairo," I called him. He stopped but did not look back. "Sana naman ngayon na-realize mo na kung bakit ayaw ko sa'yo para kay Oliana. Hindi ako nakikipaglaro sa'yo. Kaibigan ko ang usapan dito."
He stood up straight. "No offense, but your opinion doesn't matter to me. Oliana loves me. Live with it," he said before continuing to walk away.
Binagsak ko ang pagsara ng pintuan. Pinagpatuloy ko ang pagliligpit ng gamit namin ni Oliana.
Ka-Karmahin ka ring gago ka.
"Nandito na ba lahat? Baka may naiwan kayo? Double check your things," sabi ni Collins pag-upo niya sa front seat.
"Okay na, Kuya," Corrin responded.
"Ikaw, Oliana? Okay ka lang? Sabi ka lang kapag may masakit ha," paalala ni Collins sa katabi ko.
"Okay na po. Salamat," sagot ni Oliana.
Ibabaling niya dapat ang ulo niya sa balikat ni Kairo pero hinawakan ko iyon at nilagay sa balikat ko. Napansin iyon ni Kairo kaya napailing siya.
Nagsimula nang umandar iyong sasakyan kaya nagsitulugan na ang iba. Napatingin ako sa rearview mirror at nakita na nakatingin sa akin doon si Collins. Agad kong inilayo ang tingin ko para wala nang maramdaman.
This weekend had been a glitch. I was glad it was ending.
"Good night, Alli. Thank you," paalam sa akin ni Oliana nang ihatid nila ako sa bahay ko.
Unang madadaanan ang bahay nila Oliana pero ako ang una nilang binaba. Plano ni Kairo panigurado para makasama niya si Oliana kahit saglit ngayong gabi. Bumeso ako kay Oliana at hindi na binigyan ng kahit isang tingin si Kairo.
BINABASA MO ANG
All I Need (Capture Series 2) [ON-HOLD]
Teen Fiction"Change is the only constant in life," they said. Everything in this world will change but change. If people truly believe that, then why won't they buy the thought of Allison being better? School chaos. House problem. Best friend's trauma. Anywhere...