Nine

272 16 1
                                    


Inaya ko na si Oliana umuwi dahil hindi na maganda ang nagiging experience namin dito, pero ayaw niya naman kaya wala akong magawa kung hindi ang hilingin na bumilis ang takbo ng oras at matapos na itong celebration na ito. Gusto ko nang umuwi. Gusto ko nang lumayo kay Collins.

Ilang oras na ang nakalipas pagkatapos ng bonfire namin kagabi. Kagabi, kasi madaling araw na. Nagpapa-ikot-ikot lang ako sa kama ko pero hindi ako makatulog. Masyadong buhay ang utak ko para magpahinga ngayon.

Paulit-ulit nag-re-replay sa utak ko ang itsura ni Collins— I hate to admit it it but yes, his face. Simula noong nakita ko siya way back 2014 up to yesterday's event. Sinubukan kong alisin siya sa utak ko at isipin na lang ang mga lessons sa school pero lagi siyang sumisingit!

I can't see why not. You're actually nice.

Gandara.

But then...

If this is any help, may nililigawan ako.

Kapag nagka-something talaga sa inyo balitaan mo ako, ah?

Am I actually considering having a crush on someone na wala namang interes sa akin kung hindi ang maging kaibigan niya lang?

Sinilip ko si Oli at nakita na tahimik siyang natutulog sa kama niya. Kinuha ko ang cellphone ko at tinignan ang oras. Malapit na mag-alas tres pero gising na gising pa rin ako!

Sa sobrang inis ko ay tumayo ako at kinuha ang cardigan ko sa closet bago lumabas. I was wearing a silk dark blue terno pajama and black cardigan. Nagsuot ako ng slippers at naglakad-lakad sa resort. Masyado nang madilim sa beach area kaya hindi ko na tinangka na bumaba. Medyo madilim dito sa taas pero kahit papaano ay may ilaw dahil sa mga lamp post. Nakita ko na mas maliwanag sa pool area kaya dumiretso ako roon.

Ang lamig ng ihip ng hangin kaya niyakap ko ang sarili ko at hinigpitan ang hawak sa cardigan ko. Umupo ako sa isang sun lounger at tumitig lang sa swimming pool. Dahan-dahang nagpapalit ng kulay ang ilaw noon— from white to blue to green.

"Putang—!"

Napatalon ako sa kinauupuan ko nang biglang may sumigaw sa gilid ko. Nanlaki ang mga mata ko nang bigla siyang nadulas. Nabitawan niya ang can ng beer na hawak niya at itinuon ang dalawang siko para hindi siya mabagok.

"Oh my gosh!" sigaw ko sabay takbo palapit sa kaniya para tulungan siya.

"Oh! Huwag kang tumakbo!" sigaw ni Collins habang nakahiga sa sahig kaya nagdahan-dahan ako hanggang sa makalapit sa kaniya.

Tinulungan ko siyang tumayo at inupo siya sa isang lounger. May sugat 'yung dalawang siko niya dahil may part na bato at part na tiles 'yung sahig, kung sinuswerte nga naman ay sa bato pa 'yon humampas. Paika-ika siya maglakad kaya chineck ko rin ang paa niya at nakitang may gasgas sa kaliwang ankle niya.

"Ang tanga mo naman!" nag-pa-panic na sabi ko.

'Yung mukha ni Collins na umaaray ay biglang umayos dahil sa sinabi ko. "Sorry ah? Nakakagulat ka naman kasi. Para kang multo, bigla-bigla kang sumusulpot!"

"Aba malay ko bang nandito ka? Gusto ko lang naman magpahangin!" sagot ko.

Kung alam ko lang na nandito ka, edi sana hindi ako pumunta rito!

Mabilis ang paghinga ko habang chi-ne-check ang mga sugat niya. Sinusubukan kong mag-isip but panic washed over me. He tripped because of me!

All I Need (Capture Series 2) [ON-HOLD]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon