Four

513 24 9
                                    


"Here, eat this."

I opened my mouth noong nilapit sa akin ni Gab 'yong candy na Max na nakabukas na. He wiggled the plastic to release the candy into my mouth. Patuloy naman ako sa pagtakip ng ilong ko para hindi ko maamoy 'yong aircon ng bus.

I hate this feeling. This was the first time I rode a bus and never have I imagined that it would be this dizzying!

Kakagaling lang namin sa festival. Ngayon ay papunta kami sa isang restaurant kung saan ililibre kami ng University Chairman namin ng lunch. Kanina naman kasi ay nagsimula sa school ang parada kaya hindi na namin kailangan gumamit ng bus para makapunta sa parade. Ngayon ay kailangan dahil marami kami at medyo malayo ang restaurant na napili ni Chairman.

I got the window seat kaya kita ko ang bawat establishment na nadadaanan namin. Sa kaliwa ko si Gab then si Millane sa tabi niya. Medyo nakanguso pa nga si Millane dahil gusto niyang katabi ako pero ayaw pumayag ni Gab. Gusto ko rin namang katabi si Millane pero syempre kinilig ako dahil katabi ko si Gab. Panira lang talaga ng mood 'tong hilo na 'to.

"Thank you," I mumbled as I sipped the candy inside my mouth.

"Candy helps me whenever I'm dizzy inside a bus. Gusto mo pumikit muna? Para hindi ka mahilo," he said then tapped his shoulder.

Ginawa ko naman ang sinabi niya at pasimpleng ngumiti. I was kind of glad that all my past crushes annoyed me. If not, maybe I was with them and not really feeling all these butterflies in my stomach right now. I like being under Gab's care. It was so comforting.

"Congratulations!"

All of us shouted in unison as our university chairman congratulated us for having a successful parade. Maraming nagustuhan ang performance namin sa festival kaya kahit ang Mayor ng lugar namin ay inimbitahan na agad kami sa mga future events nila.

"Of course, I want to also congratulate our head majorette for doing a great job leading this march," the Chairman said.

Nagpalakpakan naman kaming lahat. Tinapik ko naman si Millane at binigyan siya ng dalawang thumbs up.

"Salamat po, Chairman," Millane said.

"Allison Santos, as well," dugtong ni Chairman kaya napatingin ako sa kaniya. "Ang galing-galing mo sumayaw, Ihja. Maliban kay Millane, ikaw ang napansin ng mga audience."

Abot-abot ang ngiti ko sa langit dahil sa sinabi ni Chairman. Sobrang sarap sa pakiramdam mapuri. Lalo na kung 'yong papuri na natanggap mo ay tungkol sa bagay na pinaghirapan mo. I practiced so hard for this band. It felt so nice to be recognized.

"Thank you po," I replied. "Pero congrats din po sa lahat. Hindi naman mabubuo ang D&L kung wala ang mga magagaling nating majorettes, lyrists, and drummers. We all did a great job!" I said with all of the sincerity in my heart.

Kita ko ang gulat, at the same time tuwa, sa mukha nang mga kasamahan ko. Alam ko na naninibago pa rin sila sa akin. Kahit ako ay naninibago rin sa sarili ko pero wala akong balak bumalik sa dati dahil ang sarap sa pakiramdam nang masaya lang. Ang gaan sa pakiramdam makita ang ibang side ng bawat bagay. I used to look at the heavier part of life and I thought it was great. I had the power to make them obey me, I could control them. Now that I felt how nice it was to be one of them, not lead them, it felt so silly to be wanting control.

"Shh, guys, huwag kayong maingay. Baka ilista na naman tayo ni Allison sa noisy," saway ni Kelly sa mga kaklase kong maingay dito sa classroom.

Umalis ang teacher namin kaya parang nasa palengke kami. Everyone, specially those na naging kaklase ko since elementary, expected na magsasaway ako but I didn't. Why would I? We just went through a tough quiz. Sa tingin ko ay deserve naman ng lahat magsaya. If talking to their friends were their way of releasing stress, then so be it.

All I Need (Capture Series 2) [ON-HOLD]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon