Eight

272 12 3
                                    


Paghinto ng sinakyan namin ay nagsibabaan na kami. Habang ang iba ay nag-unat pa ng mga buto nila ay dumiretso na ako sa likod para kunin ang bag ko. Kinatok ko 'yong door para buksan ng driver sa unahan. Bago ko pa man i-turn ang knob ay nauna na si Collins.

"Sarap ng tulog ah," he said.

Hindi ko siya pinansin at hinanap na lang ang bag ko. Nakita ko na nasa side niya iyon kaya humarang ako sa harap niya para abutin ang bag ko. Inabot niya naman iyon at binigay sa akin.

"Favorite color mo denim blue?" he asked out of nowhere. "Pansin ko kasi madalas mong suot na damit ay denim. Tapos ngayon, bag mo denim din."

Humarap ako sa kaniya. "Sure ka ba talagang hindi mo ako gusto? Masyado kang mapagmasid sa akin para sa 'kaibigan' lang," pang-aasar ko na naman.

He chuckled. "Si Rex ay mahilig sa black. Si Theo, brown. Si Venice, pink. Si Corrin—malamang alam ko 'to kasi kapatid ko siya—pero maroon. Si Oliana, sa tingin ko ay gray. 'Yong iba ay hindi ko pa alam dahil hindi ko pa naman sila nakakasama. And you, I think denim blue. How's that sound?"

Nawala ang pang-aasar sa mukha ko dahil sa sinabi niya.

"Allison, wala akong binabalak na masama sa'yo, okay?" he said sincerely. "If this is any help, may nililigawan ako."

Tumaas ang kilay ko sa sinabi niya. May nililigawan siya? Tama ba ang dinig ko?

"Col, paabot bag," pagsingit ng kaibigan niyang si Rex sa likod niya.

Lumapit naman si Oliana sa akin at pinaabot din ang bag niya. Agad ko naman iyong kinuha para ma-distract sa iniisip ko. Humarang sa gitna namin ni Collins si Kairo para kunin ang bag niya kaya padabog kong inabot sa kaniya ang bag ni Oli at naglakad palayo sa kanila.

Nakakainis! Sobrang init ng mukha ko sa pagkapahiya. I could feel my chest burning kaya huminga ako nang malalim.

Ang kapal naman ni Collins! Nang-iinis lang naman ako tapos kung makasagot siya, napakaseryoso! Ano ngayon kung may nililigawan siya?! Pakielam ko sa kanila?!

Maganda ang resort pero hindi ko na iyon napagtuunan ng pansin dahil sa pagka-badtrip ko kay Collins. Dumiretso na kami sa villa ng mga girls at nag-ayos. Nagku-kwentuhan 'yong tatlong kasama ko habang patuloy lang ako sa pagliligpit ng mga gamit ko. Minsan ay sumasagot ako lalo na kay Corrin nang malaman ko na gusto niya si Theo.

Tsk, may kokontra pa nga sa dalawa.

"Help me convince Kuya Collins. Sayang naman 'tong bikini ko," sabi ni Corrin sa kaibigan niya.

Napakunot ang noo ko sa sinabi niya. Hindi magaan ang loob ko kay Corrin kahit na ang lambing ng pakikitungo niya sa lahat—I didn't know why— pero hindi rin ako natuwa sa narinig ko. I knew what it feels to not have the freedom to wear whatever you want. Pareho lang din pala si Collins at grandparents ko.

I am so sick of those men who feel like they have the power to control what women wear. They are embarrassing, for real.

Kaya naman pagkatapos naming mag-lunch ay taas-kilay kong nilapitan si Collins. Nasa may sun lounger ng pool siya kasama sina Rex at Theo. Pare-pareho silang nakatingin sa iisang direksyon kaya sinundan ko iyon ng tingin.

Sina Oliana at Kairo sa boardwalk.

"Huwag ka mag-alala, bro. Mas gwapings ka naman diyan," sabi ni Collins, refering to Kairo.

Sinamaan siya ng tingin ni Theo. "I don't think she's that shallow. I know she has her reasons why she likes him."

Parang gusto kong hilain bigla si Oliana palayo kay Kairo.

All I Need (Capture Series 2) [ON-HOLD]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon