Three

448 25 10
                                    


"Happy Valentine's day!"

Puno ng red hearts decor ang buong campus para sa Valentine's day. May mga nakikita akong nagbibigayan ng mga chocolate, stuffed toys, at flower sa isa't-isa. They all looked so happy and kilig. Hindi ko pa nararanasan ang mabigyan ng mga ganoon. I wonder tuloy kung bibigyan ako ni Gab ngayon. I'm so excited!

Nagpatuloy ako sa pagtingin sa mga junior high school students na nasa building nila. Madadaanan kasi muna iyon bago ang elementary building. Napangiti ako nang makita na naka-upo si Millane sa isang bench.

"Millane!" pagtawag ko sa kaniya.

Lumingon siya sa paligid hanggang sa makita niya ako. Nakangiti siyang lumapit sa akin. I hate to admit it pero namiss ko siya. Tatlong araw din kaming hindi nagkita dahil sa sakit niya. Inantay ko siya noong Wednesday dahil sabi ni Gab ay baka makahabol siya pero hindi siya dumating.

"Okay ka na?" I asked her.

She nodded. "Oo. Sabi ng doktor ay dahil lang daw sa pagod. Pasensiya na, naiwan ko tuloy kayo sa practice."

"Don't worry. Nakapag-practice pa rin naman kami. Gab and I took the lead."

"Talaga? Yiee. Ikaw ha," pang-aasar niya na agad ko namang ikinakilig. "Ano na balita sa inyong dalawa?"

"Crush namin isa't-isa!" pabulong kong sabi sa kaniya. Kinilig kami pareho sa sinabi ko.

"Sabi ko sa'yo e!" tuwang-tuwa na sabi niya. "Ako fan niyong dalawa! Kapag may ginawa si Gab sa'yo na hindi maganda, sumbong mo lang sa akin. Ako bahala sa'yo."

I felt my heart warmed by what she said. I used to only feel this with Mommy whenever she gave me life lessons. Kahit kailan ay hindi ako sinabihan ng mga kaibigan ko na poprotektahan nila ako. I didn't know if Millane truly mean it but just felt so good to receive words like that. The sad thing was that those came from two people whom I just met rather than people who I was with for years, Gab and Millane.

Pagpasok ko sa room ay nakita kong magkadikit sina Kelly at Iris. They were watching something and they didn't even bother to look at me when I sat beside them. They shared earphones kaya hindi ko marinig ang pinapanood nila. It looked like an animated princess movie.

"What's that?" I asked.

"Hindi mo alam 'to," Iris replied that made my head hurt.

"That's why I'm asking," I asked through gritted teeth.

"Gosh, Allison. Stop trying to be involved in everything," Kelly muttered.

"Excuse me?!" I angrily asked.

Hindi na natuloy ang usapan namin dahil dumating na ang teacher namin. I was breathing heavily throughout the class, trying to kill my anger. I remember Millane telling me na hindi lahat nadadaaan sa galit so that's what I was practicing.

Pagdating ng recess ay ako na lang ang pumunta sa bathroom mag-isa dahil for some reason, tuluyan nang lumayo ang loob sa akin ni Kelly. I had no clue why! Mabait naman ako sa kaniya. Binibigay ko naman lahat ng gusto niya. Hindi ko naman siya inaaway. Nililista ko siya sa noisy kasi maingay siya pero that was it!

"Nakasimangot ka na naman."

Napalingon ako sa pintuan nang marinig si Millane doon.

"Hindi ko talaga alam ang gagawin sa mga kaibigan ko. Ayaw na ata talaga nila sa akin. Hindi ko alam kung bakit. Nawawalan na ako ng friends," frustrated na sabi ko.

Lumapit sa akin si Millane at sinuklay ang buhok ko. "Ako? I can be your friend."

Hope flickered within me. "You're older than me. Hindi tayo magkakasama lagi."

All I Need (Capture Series 2) [ON-HOLD]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon