Hate List
No. 1: TransfereeFabella College for the Arts
1kmNababasa ko pa lang yung road sign pero feeling ko, hinuhukay na yung tiyan ko.
Fabella College for the Arts. Napa-buntong-hininga na lamang ako. Dapat nga matuwa pa 'ko. FCA is known for producing world-class artists. I'm lucky enough to qualify for the entrance exam, let alone pass it. It is unusual for them to accept transferees in the middle of the semester. Well, kahit sa aling school naman ata. Nevertheless, here we are.
Speaking of we, napatingin tuloy ako sa kapatid ko, si Seb. Short for Sebastian Dacumos III. I hide a giggle. Grabe, baduy talaga ng pangalan.
"Oy, Toby... tatawa-tawa ka dyan," natatawa rin na sabi ni Sebastian Dacumos III.
I fake a pout. "Oy ka rin, Sebastian. Tsaka how many times did I tell you, Sera ang pangalan ko. Not Toby. Eighteen na ako. Ayoko na yong maalala, please..."
"Na ano? Na---"
"Tumigil na nga kayong dalawa. Nakakarindi na kayo. Papunta na tayo sa dorm ni Sera. You two better behave," pamutol ni Mama.
Bigla kong tinikom ang bibig ko. Sa pamilya namin, batas ang salita ni Mama.
"Yes, my queen...," may pang-asar ni Sebastian sabay ngisi sa akin. Mama shoots daggers at him from the rear view mirror kaya naman nanahimik na siya. Temporarily.
Nakarating na kami sa dorm, nag-check-in, at naglipat ng gamit ko. Matapos naming gawin to ni Mama, sumama ako sa kanya pabalik sa kotse--- kung saan naka-lean si Seb na parang sya yung may-ari ng kotse. Aba, at naka-shades pa yung mokong. Nagpapapansin sa chickababes, no doubt.
Humarap sa akin si Mama. Oh no, naiiyak siya. Tinanggal ko ang eyeglasses niya at pinunasan ang nangingilid nyang luha. I hate seeing her cry. She's been through a lot.
"Mama naman..."
"I just want you to take care of yourself. You two are growing too fast... I can't seem to catch up."
"Mama. OA ka lang. We'll be fine. You'll be fine. Masasanay ka rin."
"Just take care, anak. Bantayan mo si Seb---"
"Mama, hello... Andito ako."
Hindi na lang namin pinansin si Seb. KSP yun eh.
"Sige, I love you, anak. I'll call you later."
"I love you, too, 'Ma."
She starts heading towards the car door and looks at me one more time. I wave to her. I blink back tears. The next time I see her would be the time I graduate.
She waves back and enters the car.
"Text kita mamaya, Toby," sigaw ni Seb mula sa bintana. Napangiti na lang ako. Then na-realize kong hindi nga pala nya ako kita.
Malayo na kasi yung kotse.
***********************************
Nagising ako sa tunog ng Sugar ng Maroon 5.
Dumungaw ako mula sa pagkakataklob ng kumot ko. Nakatulog ako sa kaiiyak pagbalik ko ng room ko. Pagmulat ko, nakita ko ang roommates ko. Isang petite at isang... baby blue ang buhok. In-off ni Baby Blue ang audio.
"Oh, hi, kain ka na? Sabay ka samin." Si petite ang nagsabi nun. Tumango ako.
"I'm Sammie nga pala and this is Kate."
Tumango ako. Kate pala si Baby Blue. Nagtinginan sila. What?
Kinuha ko ang pabaon ni Mama na Beef and Broccoli. Tumabi na rin ako sa kanila.
"I'm Sera."
"Oh. Transferee? Or late ka lang nag-check-in?" Tanong yan ni Kate/Baby Blue.
"Ah, transferee."
"From...," dugtong ni Sammie.
"Ah, UP."
"UP? Why did you transfer? UP na yun, girl," more of reklamo ni Sammie.
Gusto kong ihilamos ang mga kamay ko sa mukha ko. I can't blame them.
"Long story eh. So, what are your courses?"
Naging effective naman ang diversion ko. We spend the rest of the night talking about them. They're fun. But may something kakaiba. Di ko na lang pinansin.
Sa kalagitnaan ng panggagaya ni Sammie sa prof nya sa NASC 1, naparinig ko yun.
Diamonds ni Rihanna. Ringtone ko kay Mama. Idol daw nya si Rihanna eh. Pa-bagets kasi.
Inalis ko sa pagkaka-charge ang iPhone ko at lumabas sa common room para sagutin si Mama.
"'Ma?"
"'Nak, Sera?"
"Yes, 'Ma. Naririnig kita."
"Kamusta? Nakakain ka na ba?"
"Opo. Na-meet ko na rin yung roommates ko."
"Kamusta naman sila? Mababait naman ga?"
"Okay lang naman po sila." Medyo may weird feels lang ako. "Andyan ka na sa Batangas?"
"Yes, nag-eempake na ako..."
I can tell naiiyak si Mama. Ang plano kasi, matapos naming mag-transfer ni Seb sa FCA, lilipad na agad si Mama papuntang Germany. Nauubos na kasi ang iniwang pera ni Papa sa amin. Yung isa sa dalawang bahay namin, ipinagbili na namin. Wala namang makitang trabaho dito sa Pilipinas si Mama.
"'Nak, ang pag-aaral ha. Mag-ingat lagi. Tatawagan uli kita bago umalis ang flight ko. Tinatawagan na kasi ako nung employer ko. Sige, anak. Bye. Love you."
Binaba na nya yung linya. Napa-iksi ang conversation namin pero it's okay. Kailangan, eh.
As if on cue, nag-vibrate yung phone ko. Nang tingnan ko, si Seb pala.
Toby, sabay tayo pumasok bukas. Calculus rin 1st class mo diba? Sunduin kita dyan :D
Nag-reply naman ako.
K.
Tinatamad kasi akong mag-type.
Nang bumalik ako sa room, wala sina Sammie at Kate. Okay lang, medyo wala akong ganang makipag-halubilo ngayon.
Ang gusto ko lang, humiga at iiyak ang lungkot hanggang makatulog ako.
**********************************
Thank you sa mga nagbasa :)

BINABASA MO ANG
Hate List
Teen FictionFabella College for the Arts has a tradition: the hate list. Every year, nagkakaroon ng secret voting kung sino ang magiging Outcasts, ang top six most hated students sa buong campus. Kapag maging Outcast ka, aside from ibubukod ka ng classes sa ma...