Hate List
No. 5: Nice Undies"What the heck happened between you and Thiern Rodriguez?" panggigisa sa akin ni Ayi habang mas lumapit pa sila nina Herald at Gab sa akin. Like a few inches near my face. Mga tsismoso.
"Thiern Rodriguez?" tanga-tangahan ko kay Ayi. Sinamaan nya ako ng tingin. I cringe.
"Si Thiern Rodriguez. Yung lalaking dinaganan mo at pinakitaan ng panty just a few minutes ago..." Naghagikhikan silang tatlo. Namula nanaman ang mukha ko. Wait. "Hindi ko sya pinakitaan ng panty!" I assert. "Herald effin' harassed me. That's why---"
"Whoa, baby kitten... sinabi ko bang daganan mo si Rodriguez?" reklamo ni Herald. I clenched my fists. Now may be the time to succumb to violence. Sana prepared ang MTRCB. "And another thing, baby kitten, hindi mo yun matatawag na harassment kung ginusto mo naman." Sabay kindat niya sa akin.
Whaat? Medyo pinwersa kong ibalik ang panga ko galing sa concrete floor. Parang lumulutang yung utak ko sa shock. My God. I have to say something. "You're delusional. You know that... Delusional."
He looked at me with mock sympathy. "Just stating the truth, baby kitten."
Umubo si Ayi. We turned to her. She looked... predatory. "So, as I was asking..."
She shot Herald a look. Nanahimik si Herald. Nakuha mo. Medyo nainis ako kay Herald. To the ass-kicking level. Tingin lang kay Ayi, okay na. Tapos pag sa akin, hindi pwedeng walang smartass remark.Ayi snapped her fingers at my face. "So, ano ba talaga ang relationship mo kay Thiern?"
"I barely know the guy, Ayi..." depensa ko. "Bakit ba ini-insist mo na may connection kami of some sort?" She rolled her eyes at me. Sheppers. Hindi sya naniniwala. Para tuloy akong may nalunok na buto ng atis. Ang sama sa pakiramdam pero panandalian lamang.
"The way he looked at you."
Nagtinginan kami kay Gab na for the first time ay nagsalita kaysa tumawa lang ng tumawa. Ugh. Another asshole. He stared blankly at me, devoid of any signs of whatever he must be thinking. Parang may umikot sa kaibuturan ng tiyan ko.
He continued with an equally blank voice, "The way he looked at you... It was like he knew you for a very long time. And that you have something that belongs to him. Trust me, coming from Thiern Rodriguez, that's definitely not good. Piece of advice, I say you better watch your back. Always."
*************************************************Tahimik kaming umupo sa lecture hall habang pumasok na ang coordinator namin. I was expecting someone old and boring but it turned out the opposite. Well, not exactly. Old parin pala. Pumasok ang isang matandang babae around mga 50 years old. Mga professor emeritus yung aura. Pero naka-sleeveless at naka-long flowy skirt. Yung statement pieces: fluffy pink cat headband at yung necklace na may key. As I squinted, I recognized it as one of Lucy Heartfilia's gold keys from the animè Fairy Tail. Seryoso? Nag-eexist ba 'tong prof na 'to?
"Heya, repapips!" sigaw nya sa amin.
Naka-poker face lang kami sa kanya kaya naman nabawasan ang tuwa sa face nya at nagseryoso sya. "Okay, guys, check ko lang kung kayo talaga yung nasa list, okay? Pakilabas lang ng mga ID nyo sa armdesk."Hinalughog ko ang bag ko pero wala yung ID ko. Chineck ko na rin yung bulsa ko. Pati na rin wallet ko. Panic rushed into me. Saan ba ako pumunta? For goodness sake. First day tapos walang ID? Maniwala kaya si Ma'am FT?
"ID, honey... Oh, ba't parang nasilihan yung pwet mo?" tanong ni Ma'am FT. Lagot. Ako na pala. I open my mouth to explain but guess who beat me to it?
"Ma'am, ito po yung ID nya."
"Seraphim Dacumos," pag-basa ni Ma'am sa nasa ID. Chineck-an nya yung nasa notepad nya. "Bakit nasa iyo ang ID ni Ms. Dacumos, Mr. Rodriguez?" She gazed at him quizically.
Actually, yun din ang tanong ko. Violent reaction version nga lang: Why the heck was my ID with this jerk?
Napatingin ako kay Calliope. Is this his game? He'll lead me to death by Calliope. Calliope is frowning. And snapping a poor pencil in two. My goodness. I avert my eyes. Lumapag ito kay Ayi, which isn't better. She was busy giving me an accusing glare. Herald and Gab looked plainly curious. Na wala man lang binawas sa unease na nararamdaman ko ngayon.
"I was the one who was asked to bring her belongings here." Theirn cooly replied to our united question. " And she left her ID on her room."
Sa pagkakasabi nya sa huling sentence ay parang sinabi nya na rin na burara ako. The fudge. But mas marami pa akong tanong.
Lalaki sya. Eh, ladies' dorm yung akin. Bakit sya pa ang pinakuha? Di ba nakita ko pa syang tinotorture yung vending machine kanina? Ang bilis naman nya ata. At most importantly, ano ba talaga ang problema nitong lalaking 'to sa akin? There is so much potential na mas malala pa sya kay Herald the asshole. Mina-migraine ako. Grabe.
Tapos na pala si Ma'am FT. Bumalik na siya sa podium at nag-set-up ng laptop. May powerpoint siguro.
Bumalik nanaman ako sa pag-iisip tungkol kay Thiern. Matapos bumalik at umupo kanina nina Theirn at Calliope ng kalmado, eh, akala ko wala nang pahirit pa sa araw na 'to. Meron pa pala.
Huminga ako ng malalim. Bahala na.
Hanggang may bumulong sa akin.
"Nice undies."
Kapal mo, Thiern.
***********************************************
Waah! After around three days na hindi pag-update nito, buhay nanaman si Ara at si Sera. Hindi ko na sana itutuloy 'to. LOL.This is dedicated to AstraeaWarlock (mobile kasi ang gamit ko kaya hindi ko pa ma-dedicate officially). Kasi natutuwa ako sa mga comment nya at sa kanya mismo.
Hope you like this update. :3 x

BINABASA MO ANG
Hate List
Novela JuvenilFabella College for the Arts has a tradition: the hate list. Every year, nagkakaroon ng secret voting kung sino ang magiging Outcasts, ang top six most hated students sa buong campus. Kapag maging Outcast ka, aside from ibubukod ka ng classes sa ma...