No. 9.5: Twinkle

47 11 3
                                    

Hate List
No. 9.5: Twinkle

Seb Dacumos's Point of View

9:15 am

Nasa kalagitaan ako ng isang major class nang nag-vibrate ang cellphone ko. Nang hindi na umaaligid ang prof, pa-simple kong tiningnan yung text. Nagulat ako ng lumabas ang icon ni Toby. Kinabahan ako. Ano kayang nangyari dun?

Toby:
Seb, no nga ung grade ng pencil na gngmit mu pg ng drawing k? Tnx.

Nag-reply kaagad ako.

Ako:
2B. Ok ka lang ga dyan?

Pinag-isipan ko muna kung idadagdag ko yung pangalawang sentence. Nag-aalala din naman ako at hindi ako komportableng kasama niya yung mga taong iyon. Isa pa, binilin siya sa akin ni Mama. After what she'd been through last year, I'm glad nakayanan niya iyon. Ayoko rin naman kasing magkaroon ng baliw na kakambal. Pero she's fragile. Kapag kinamusta ko yun, lalo lang niyang iisipin at se-seryosohin ang problema niya. I'm afraid she might break.

Ginagawan ko na nga ng paraan ang petition niya. May nakilala na nga akong tutulong sa akin.

Binura ko ang huling sentence at s-in-end na yun kay Sera. Bigla akong inatake ng inis.

Buti na lang talaga hindi na niya makikita yung Calliope at Bryle na yun. May they suffer wherever hell they transferred. Nai-kuyom ko ang mga kamao ko sa galit. Hell, kahit babae yung si Calliope, babasagin ko talaga ang mukha nun kapag ginulo nanaman niya ang kapatid ko.

Natigil ang pag-mumuni-muni ko nang may kumulbit sa likod ko. P-in-laster-an ko kaagad ng ngiti ang mukha ko.

"Yes?" tanong ko sa babaeng nasa likuran ko. Namula siya. Ang gwapo ko kasi. Lalo ko pang pinalawig ang ngiti ko. "Bakit?"

"Uh, ano kasi... may nag-papa-bigay uhm, may nag-abot sa akin nito. Ibigay ko daw sayo." utal niyang sagot habang abot sa akin ng naka-origami na papel. Hindi ko maintindihan kung palaka ba o lotus yung origami. Ewan.

Kinuha ko iyon at kinindatan siya. Mukha naman siyang mag-co-collapse. Pati na rin yung katabi niya. "Thanks, sweetie." bulong ko bago ako humarap ulit. Fangirls. They don't change wherever place you go.

Tss. Pa-ori-origami pa. Dahil mabait ako, ilalagay ko ito sa bag ko at sa dorm ko na lang itatapon kaysa dito. Ihuhulog ko sana nang nakita kong may mga letrang nakalagay sa origami. Tiningnan ko muna si prof. Dumadaldal parin. Inalis ko ang pag-kakatupi nito. Love letter ata.

Likod ng library, 10 pm
Don't be late, twinkle.
-C

Agad sumimangot ang mukha ko. Para akong binagsakan ng yelo. C? Twinkle?

Tsanggala.

Si Calliope.

*******************************
Dun dun dun dun! Anong meron sa likod ng library sa 10 pm? Abangan sa update the day after tomorrow... LOL.

Thank you po sa lahat ng nag-read, nag-vote, at nag-comment. Pati na rin sa nag-lagay sa reading lists nila. Hindi ko po inaasahang aabot tayo dito. Kaway-kaway din sa mga silent readers. Thankie!

Hate ListTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon