Hate List
No. 3: Tweety Bird"Baby kitten?"
"What?" angil ko kay Herald. Ikaw ba naman pag-tripan ng mga half an hour. Ewan ko na lang kung di pa uminit ang ulo mo.
"Switch ka ba?"
"Ano bang klaseng tanong yan? Herald---"
"Because you turn me on. Hahahaha!" banat nya sabay wriggle ng eyebrows nya. Napa-face-palm ako. If this continues, I swear, I'll succumb to violence.
"Inidoro ka ba?"
What the? Mag-iisip pa lang ako ng comeback, umatake nanaman siya.
"Kasi gumiginhawa ang pakiramdam ko pag kasama kita."
I bite back a bubble of laugh. Do not even smile, Sera. Don't give in to the dark path. "Bastos. Kadiri ka," mahina kong sabi sabay saksak ng earphones sa mga tenga ko. Nilaksan ko ang volume ng iPod ko para hindi na ako maistorbo ng sinto-sinto na ito. I check the time. 8:45 am. Our orientation starts at 10:00 am sharp. But still, ni anino nung ibang Outcasts, hindi ko pa nakikita.
Oh, yes. I do accept this fate. For now.
Sinubukan ko magreklamo kanina nang palabasin kami ni Herald sa lecture hall. Pinilit ko pa ngang pumunta sa dean namin pero tulad ng sinabi ni Herald, walang nakinig sa akin. Mag-file na lang daw ako ng official complaint sa office nila. Pero hindi daw nila agad yun maasikaso dahil busy daw sila. Maniwala... So habang hindi pa ako nakakapag-file, tiis-tiis muna ako. Napatingin ako kay Herald. Nagsawa na siguro sa kakasalita kaya naglalaro na lang ng Temple Run. Napatingin din sya sa akin at tinaasan ako ng kilay. Tapos, bumalik na sya sa paglalaro sa phone nya. Ano ba, di kita maintindihan! Kanina, mabait tapos ngayon, masungit. Abnormal. Huminga na lang ako ng malalim.
I think I can handle him for about a month, tops. Mababaliw na 'ko kung lalagpas pa doon. Hindi naman sa ganoon kasama ang ugali ni Herald. Well, on second thoughts, ata. Ganoon ata kasama. The thing is ayoko lang talaga ng magulo. At magulo si Herald Natividad.Nag-stretch ako ng mga braso ko sabay tumayo. Namamanhid na yung mga binti ko. Kinuha ko ang shoulder bag ko at umakyat papunta sa pinto.
"Pa-saan ka?" demand ni Herald. Nakakunot ang noo niya at papunta na s'ya sa akin. With his messenger bag. I know Seb told him to take care of me pero hindi naman ibig sabihin noon ay kailangan nyang bumuntot sa akin.
"To hell. Want to come?" I shoot him a look.
"Ever heard that sarcasm is the lowest form of wit, baby kitten?" He looked smug. Oh, no you don't...
"Ever heard that you're an asshole?"
Nakanganga na sya ngayon. Hahaha! (insert sound effects here: thunder and lightning) One point for Sera Dacumos.
I storm out of the lecture hall and head to the other wing. Sabi kasi sa campus guide na nakuha ko sa internet, there has to be a vending machine somewhere on this floor. Yeah, that's right. I got it from the internet. Amazing, right? It seems hindi na ako sinundan ni Herald so I slowed my pace down. Matapos akong maka-encounter ng ilang dead ends at isaberang students, nakita ko na ang goal ko. Sheppers, na-fi-feel ko na yung Sprite sa lalamunan ko. Hinalughog ko ang wallet ko para sa mga barya. Binilang ko mga ito at sakto naman. Apat na five-peso coins. Ihuhulog ko na sana kaso mukhang may nauna na sa akin. Pinindot ni kuya yung isang button. Ang mga tao nga naman oh. Hindi nagbabasa ng directions. Naghuhulog ka muna ng pera bago mo i-press yung--- Sinipa ni kuya ng malakas yung vending machine. Dalawang beses. Then may pumatak na dalawang Sprite. Nganga si Sera... Kinuha ni kuya yung mga Sprite at umupo nang parang wala lang nangyari. Wow. Binuksan nya yung isa at straight na ininom yun. Uhaw lang?
Napansin nya atang nakatingin ako sa kanya kaya napatingin din siya sa akin. Iniwas ko naman ang tingin ko at hinulog ko na ang mga barya ko. Ramdam kong nakatingin parin sya sa akin kaya naman napa-chin-up ako. Watch. This is the right way of using a vending machine. Pinindot ko na yung button para sa Sprite. See, it's easy. Pero walang Sprite na lumabas. Pinindot ko ulit yung button pero wala paring lumalabas. My goodness.
Naparinig ko na lumapit si kuya sa vending machine at sinipa ito. Nagpatak yung Sprite ko. Kinuha nya ito at ini-abot sa akin. Yung feeling na napahiya ka sa mga inasal mo earlier. "Thanks." Ewan ko kung napakinig niya o hindi, pero either way, lumayo na sya sa akin nang parang wala lang. Natigilan ako. What the heck just happened?
Mga isang minuto na akong naka-tanga doon bago maka-get-over. Buti na lang at wala gaanong estudyante sa wing na yon. Kundi nakakahiya yung stupid kong mukha.
Bumalik na ako sa lecture hall. I braced myself sa namimintong ka-awkwardan. Inoffend ko kaya si Herald. Tapos ang lakas ng feeling ko na yung si Kuya Sprite eh, Outcast din. Haay, kung bakit naman kasi ako pinanganak na may lahing medyo tanga. Kill me now.
Pagkapasok ko, mukhang ako na lang ata ang hinihintay nila. Seriously. Hinintay lang ata akong lumabas. Then my gaze landed on the stage. Kinailangan ko pang kumurap-kurap para malaman kung totoo yung nakikita ko sa may platform.
Yung maleta ko. Yung mga gamit ko. And like a cherry on top yung sinampay ko kagabing pares ng underwear.
"Aaaaah!" sigaw ko habang tatakbo papunta sa undies ko. Putocuchinta, I've got to hide them. Nahagip ng mata ko si Herald. Utas sya ng tawa. The bastard. At.hindi lang sya ang tumatawa. Inalis ko kaagad sa sipit ang sinampay ko at pinagtulakan sa loob ng travel bag ko. Fudge. Definitely kill me now.
Tinungo ko ang mukha ko para tumabon yung buhok ko sa mukha ko. Lalo silang tumawa pero I don't care. I need to hide this effin' face. Uupo sana ako sa nearest seat nang nakita kong may pangalan na nakasulat sa bond paper. Ayesha.
Then biglang may naglapag ng backpack sa upuan. Napatunghay ako. I cringed. She has immaculate makeup and perfectly curled brown hair. And she looked like a mean girl."That's my seat."
"Sorry," I said turning away. I know I'm somewhat tough but this girl's really demeaning. Baka masampal pa ako. She just laughed and grabbed my arm. "Wait, I'm Ayesha. Ayi na lang. Oh, sorry." Binitawan nya na yung braso ko. " You're Seraphim, right?" Kumunot ang noo ko. Bakit parang kilala nila akong lahat? "Sera," I correct. We smile at each other.
"Yung sarili mo lang kasi yung tiningnan mo. And your picture looks awesome. Gab, by the way, and oh, you sit beside me," singit nung isang lalaking ngayon ko lang nakita. Namula ako lalo. That horrid picture. Nilapag ko ang bag ko at naupo na ako sa upuan sa tabi ni Gab.
"Please don't remind me of the picture."
"Oh yes, we will..." Nagtawanan sila. I squint my eyes at Herald. "Am I talking to you?"
"At the moment, yes."
"Bastard."
"Gotta love that new term of endearment, baby kitten..."
Hinampas ko ang palad ko sa aking noo. This is effin' frustrating. Ito namang si Ayi at Gab, mukhang nag-eenjoy sa eksena namin.
"I underestimated you, Herald. You're a bigger asshole than I thought." Irapan ko nga. Ka-bwisit.
"And I never pegged you as a Tweety Bird fan, baby kitten..."
I lose my vicious flare. Of course, he's talking about the tweety bird design on my underwear. Embarassment never seemed this cruel.
Utas naman ng tawa yung tatlo.
Damn that bastard.

BINABASA MO ANG
Hate List
Novela JuvenilFabella College for the Arts has a tradition: the hate list. Every year, nagkakaroon ng secret voting kung sino ang magiging Outcasts, ang top six most hated students sa buong campus. Kapag maging Outcast ka, aside from ibubukod ka ng classes sa ma...