No. 4: Makapal Pa Sa Foam

100 18 5
                                    

Hate List
No. 4: Makapal Pa Sa Foam

They seem okay to me...

Hindi ko maintindihan kung bakit napapunta sa Top 6 itong mga taong ito. Herald may be an asshole, a freak, and a bastard rolled into one pero hindi naman siguro yon sapat na dahilan para i-subject sya sa ganito. Sina Gab naman at Ayi, they're both nice. Wala pa naman akong nakikitang mali sa kanila. Pa being the key word. Maliban na lang siguro kung isasali ang pagiging usisera ni Ayi at pagka-pikunin ni Gab. Hindi naman siguro yon nakakamatay 'di ba? Ata. Ayoko namang isiping pina-plastic lang nila ako. They seem a little... off.

Inuusisa ni Ayi si Herald sa other side of the aisle. Dito naman sa part namin, naka-cross-arms si Gab habang natutulog ng nakaupo. He looks formidable. Sige, ako na ang naka-tanga dito.

Spell boredom.

Nagbukas ang pinto. Lahat kami ay nagtinginan sa pinto. Pati si Gab. Grabe, galing mag-tulug-tulogan. Ineexpect ko na si Kuya Sprite ang iluluwa ng pinto kaso mas epic pa sa kanya ang taong lumabas. Kung tao man ang tawag sa kanya.

Now, Sera, spell doom.

We locked eyes. No, hindi pala. She glared at me. And I die a little inside. She still looks stunning. While I look like a little pig. I try to stop it but its too late. Everything connected to her avalanched my brain. And what triggered was the high vibration of her name. It echoes in the hollows of my head. Calliope.

"Well, well... Look what the fumes brought in... Calliope Marcelo," parinig ni Ayi, spitting out Calliope's name like it's covered with bile. I stare at Ayi. Her aura of bitchiness just materialized. At kay Calliope pa. This is bloodbath.

Smirk lang ang ganti ni Calliope kay Ayi. Hinanap nya ang upuan nya. Please wag yung sa tabi ko. Una nyang tiningnan ang nakataob na bond paper sa upuan sa tabi nina Herald at Ayi. And yes, katabi sya ni Ayi. Nilapag na nya ang Hermés bag sa upuan then binawi ulit. "Oh, better keep my belongings out of the klepto's reach," patama nya kay Ayi. Si Ayi? Klepto? Whaat? Nag-recoil si Ayi. Tinikom niya ang bibig niya at umupo na lang ng tahimik. I look lostly at Herald. Kumibit-balikat lang siya at bumalik sa paglalaro ng games sa phone. I roll my eyes. Nilingon ko naman si Gab na nakatingin parin sa legs ni Calliope. Pervert. But to his defense, kahit sino naman sigurong mapa-harap sa isang Calliope Marcelo na naka- short shorts ay mapapatulala sa legs nya. Mukha kasi syang model. Haay, namatay nanaman si Sera. Legs. Iyon din ang dahilan kung bakit niligawan sya ni Seb in the past. Sira-ulo din talaga yung kapatid ko, 'no?

Back to Calliope, she is back to murdering me with her fake-lashed eyes. I cringe. Tanging si Mama lang ang nakakapagpa-tiklop sa akin ng ganito. Well, ngayon, biglang nadagdagan ng dalawa pa.

Nag-bukas ulit si pinto. Medyo, you know, ineexpect ko na ito. It's not like interested ako kay Kuya Sprite. No, not even the least. As in. Talaga. Ever. Napadako ang tingin niya sa akin. Mukhang nagulat siyang andito ako. Seryoso? Hindi man lang niya nahulaang Outcast din ako?

Gwapo ka na sana, kuya. Kaso medyo tanga lang. Wait, ano, gwapo?

Biglang nag-register sa akin na ang upuan sa kanan ko na lang ang may natitirang nakataob na bond paper. Talk about filling in the blanks. Dumeretso na siya sa upuan sa tabi ko. Nagulat na lang ako nang biglang yakapin ni Calliope si Kuya Sprite. Medyo nganga lang.

The eff?

Mukhang nagulat din yung tatlo kaya biglang tumahimik yung paligid. Buti nga ako, nakanganga lang. Si Ayi nga, luwa pa ang mata.

Biglang sumabog ang Milky Way when they started making out. And feeling ko, sasabog din yung tiyan ko kasi naduduwal ako sa kanila. For goodness sake. Sa tabi ko pa talaga? Alam kong makapal ang mukha ni Calliope pero hindi ko inaasahang aabot sya sa ganitong kakapal na level. Grabe, mas makapal pa sa foam ng bra ko. Ito namang si Kuya Sprite... Grabe, wala nang mabait sa tatlong lalaking 'to. Puro *insert your favorite cuss word here*.

A warm breath grazed my neck. Kinilabutan ako. Ano naman 'to? "Inggit ka 'no?" bulong ni Herald. What the? Tumalikod ako. "Ba't ka 'andito!" sigaw ko kay Herald sabay tulak nung mukha nya palayo sa akin. Sa pagtulak ko sa kanya ay nasagi ko yung lovers at nagsungaba yung dalawa sa sahig. A second of smugness flooded my veins. Haha. But it was squished when na-tanga nanaman ako at nahulog sa upuan ko. At napa-upo pa sa dibdib ni Kuya Sprite.

Namula yung pagmumukha ko. Mukha siguro akong strawberry. Hindi pa kasi humuhupa yung mga acne breakouts ko, eh. Sheppers, this is embarrasing. Lalo akong nag-freak-out nang napansin ko kung saan nakatingin ang namumulang si Kuya Sprite. "Swine!" sigaw ko sa kanya habang bigla akong tumayo at ibinaba ang skirt ng dress ko. Nag-eecho sa lecture hall yung tawanan ng tatlong walang-hiya. Nagbubulungan yung tatlo may napakinig akong kumuha daw ng popcorn at soda. Lagot 'tong tatlong 'to sa akin.

"Babe, are you alright?" Nawalan ako ng balance nang itinulak ako palayo ni Calliope. Itinayo nya si Kuya Sprite. He glared at me.

"I'm sorry." bulong ko sa kanya. Nevermind Calliope. She deserved it.

"Sa susunod, wag kang tatanga-tanga kung ayaw mong malintikan ka sa akin." banta ni Kuya Sprite habang pinapagpag ang dumi sa jeans nya. Sabay walk out. Inirapan muna ako ni Calliope bago humabol kay Kuya Sprite. "Wait, babe..." Her voice drifted out as she slammed the door shut. The remaining eyes drifted on me.

Good. Now I've made a new enemy. At magkakampi pa sila ni Calliope.

Minsan, wini-wish kong kasing-kapal din ng foam ko yung mukha ko.
****************************************

Sorry for the short and magulong update. I-e-edit ko na lang pag may time. Tinatamad pa 'ko eh. Thank you for reading :)

Hate ListTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon