No. 9: Eurydice

58 12 6
                                    

Hate List
No. 9: Eurydice

Kinapa ko ang ilalim ng unan ko. No water bottle. That can't be. I'm sure ipinalagay ng taong iyon ang water bottle sa ilalim ng unan ko. I even drank two more times from it throughout the night. Does it mean produkto lang ng imagination ko ang naranasan ko kagabi?

Now, that would be absurd.

I rub my forehead. This doesn't make any sense. Itinaas ko ang strap ng sando ko. Lumalaylay na kasi sa sobrang stress.

The smell still fogs my wit: cucumber soap and the sea.

It still doesn't make any sense. Well, apparently, everything that happened to me since I got here didn't make any sense.

I take a glance at my phone. 8:15 am. I jump up in reflex.

Bottle or no bottle, sense or no sense, Sera Dacumos has a class to go to. Hindi ako makapapayag na mamarkahan akong absent.

****************************

Hindi ako alam na darating pala ang araw na aaminin ko sa sarili ko na na-mi-miss ko na si Seb. Especially now.

"Okay, class, you may now start," says our Art and Society instructor.

Release your deepest secrets. The medium you choose is the key to unlocking it. Use it.

Pencil. Graphite pencil is the medium I had chosen amongst sa lahat ng mediums na nakalatag sa table ko. A 2B pencil. Iyon kasi ang kadalasan kong nakikitang gamit ni Seb. I catch my instructor smiling at me in approval. May silbi rin pala si Sebastian.

Naka-arrange kaming anim in a big circle. Kaso in-out yung sequence. Kung nakaharap ang canvas--- uhm, yung parang tri-pod na may malaking papel--- whatever it is called--- sa inside ng circle, yung canvas nung katabi mo, nakaharap na man sa outside ng circle. So on, so on.

Kaya naman maliit ang chance na makita namin ang works ng isa't isa. Lalo na't mga one meter yung width nung papel. Balak ko pa namang manguha ng idea. Bawal daw namin makita kung kaninong artwork ang kay kanino man. I guess we're to interpret each one ng walang bias.

Paano kaya kung ano na lang... uh, asan si Ma'am?

"Hindi ka pa ba magsisimula?"

I dropped my 2B. Lumingon ako sa pinanggalingan ng boses. A sleepy Gab. Pinulot niya ang nagpatak niyang eraser. Which is suspicious. I raise an eyebrow. Considering mga one meter ang layo ng canvas niya sa canvas ko. Magkatalikuran pa. Ano yun, binato niya papunta sa likod ko? Okay lang. Wala rin naman kasi siyang mahihita sa akin.

"Hindi kasi marunong mag-drawing si Sera. I doubt makakaisip 'yan ng i-do-drawing maliban sa stick figure..." parinig ni Calliope. May mga narinig akong tumikhim at may bukod-tanging tumawa. Herald. Sino pa nga ba?

Pa-sweet na nakisali pa si Ayi. "I think you better get back to drawing your own stick figure, Calliope." Sumilip siya sa akin at kinindatan niya ako matapos n'on. Hindi ko man kita pero alam kong mag-i-incredible-hulk na si Calliope.

Aba, hindi ako kasali diyan.

I remain silent against their bickering. Until I spot the missing element to this unbalanced equation. Thiern. Kanina pa siyang tahimik at nag-coconcentrate sa task namin. Which is the thing I should definitely do. Concentrate. His dark hair clouds his equally dark but sharp eyes. All of a sudden, those eyes are on mine. Nahulog nanaman ang 2B ko. But this time, muntikan na akong mapasama sa pagka-hulog nito. My face starts to rival the shade of my crimson shirt.

Hate ListTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon