SN: Oble Is Forever

46 2 0
                                    

Hate List
Side Note: Oble Is Forever

Note: This is a special chapter. Hindi ito ang kasunod ng nakaraang chapter. Hindi din ito related sa plot. Iba ang setting at iba rin ang story pero andito pa rin sina Sera. May konti nga lang nagbago. Basahin niyo na lang.

P.S. Hindi ko alam kung may nagbabasa pa nito (maliban sa friends) at this point pero... whatever, trip ko 'to. Wahaha.

P.P.S. It's been like forever since I last updated this story. *awkward pause* Ayun lang. Haha.

*~¤~¤~¤~¤~¤~*~¤~¤~¤~¤~¤~*

Short Story 1:
Of Sparks and Ulcer

"Ate, excuse me, saan po yung ASCLH?" tanong ko sa babaeng na-is-spot-an ko na galing sa Women's Dorm, yung dorm ng mga upperclassmen girls.

Kumunot ang noo ni Ate. "ASCLH? Ah... sakay ka ng jeep tapos baba ka sa CEAT. Nasa may tapat yun ng CEAT. Sa Agronomy. Sige, good luck."

"Thanks," I mutter. Pero hindi iyon napakinig ni Ate dahil agad na siyang pumara at sumakay ng jeep. Napatitig na lang ako sa mga dumadaang jeep.

My goodness, saan ba kasi yung CEAT? Eh, yung Agronomy? Kung bakit ba naman kasi hindi ako sumama sa campus tour? Edi sana, hindi ako Dora the Explorer ngayon.

Unang-una kong klase sa UPLB tapos ganito. I mentally curse my brother Seb and his roaring stupidity.  Nevermind, 'pag di ako nakaabot sa Philosophy class ko, babalik na lang ako dorm at i-re-research kung saan yung sunod na klase. Stupid, Sera, stupid. First class tapos a-absent ka?

Fudge. The horrors of absenting in my first class, or any other class, brings me the chills. Naghanap agad ako ng mapapagtanungan. Agad kong nais-spot-an ang isang kuyang papalapit sa akin. His face is twisted in a frown. May hawak siyang isang can ng Sprite. Seriously, kuya? Nine pa lang ng umaga, Sprite agad?

I squint my eyes at him but I did plaster my face with a smile.  Hinarang ko agad siya. Look like a damsel in distress Sera!

Tumigil naman siya at tinaasan ako ng isang kilay. Bakla ba 'to?

"E--- excuse me, kuya, saan po yung  ASCLH?"

"Sumama ka sa 'kin."

Ha?

He glares at me and I immediately wipe what I think was a stupid look out of my face.

"Papunta rin akong ASCLH. Bilisan mo. Late na late na tayo." Pagsabi niya ng words na "late na late" ay tumingin siya sa akin mula ulo hanggang paa. Tapos nag-poker-face siya. Wow. As if. Late na talaga siya nung tinanong ko siya for like, forty-five seconds. Oh, I think he's really gay. Sayang naman.

Ha? Sayang?

I transport back to reality when he walks briskly away from me. What a jerk. But I wouldn't let my only ticket to philo class get away. Kaya naman, taliwas sa sinasabi ng pride ko, sumunod ako sa kanya papuntang ASCLH.

***

Nanakit yung paa ko. Ang layo pala nung ASCLH. I make a mental note na manghiram sa roommate ko ng bisikleta. Pagbukas ng pinto ng lecture hall, nag-back-and-forth and tingin ng mga tao sa loob sa aming dalawa. Then they started whispering to each other. The fudge?

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 17, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Hate ListTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon