AFTER 6 - SIR JOE

412 38 2
                                    

POV CAELEN SAN RAFAEL

Inabot kami ng gabi ni Traevon sa kusina dahil sa pagbabahagi niya ng kwento tungkol sa Werewolf Clan. Napag-alamanan ko na ancestor pala niya ang tinatawag na Thirteenth Alpha na may kakayahan na pumaslang ng mga Alpha at nagsisilbi nilang Verdugo.

"Have you seen him before?" tanong ni Traevon.

Nakabukas ang palad niya at ipinapakita ang images ng isang lalaki na nagtuturo sa isang eskwelahan.

"Nope, ngayon ko lang narinig ang pangalan na Joaquim Hidalgo."

"He's using the name Sir Joe right now, Sir Joe De Vera. He is a professor of Physics, Chemistry and Biology in a private university. His real name is Joah."

"Sir Joe? Traevon, ang mga letters na nareceive ko ay may signature na Sir Joe. Tingin mo ang super lolo mo ang nagpadala sa akin ng mga mystery letters?"

"I think my great grandfather sent you to me knowing that I am staying in the national park. Imposible din na malakad mo ng dalawang oras ang park mula dito. I think he manipulated your mind, he used an illusion and he teleported you just a few meters from me."

"Pero hindi ko siya nakita or naramdaman."

"He has the power of Phantasma or invisibility and Obscura or obscured presence."

"Ang cool ng lolo mo! Akala ko nga prank lang ang mga letters pero ramdam ko sa sarili ko na hindi na talaga ko tao kaya naniwala agad ako sa kanya. It is either pupunta ko sa mental or susundin ko ang advice niya na pumunta dito sa Isabela."

"Pero bakit ka niya dadalhin sa akin?"

"Siguro ikaw ang pinakamalapit na Werewolf dito sa Pinas? Hindi ba karamihan ng mga Werewolf ay nasa malamig na bansa?"

Tumango lang si Traevon. Bukod sa lolo niya, ang nakababatang kapatid niya lang ang Werewolf na nasa Pilipinas kasama ng isa pang Direct Heir na nagsisilbing protective detail ng kapatid niya.

"Traevon, saan ka nga pala nagtatrabaho? Kahit naka shorts ka lang nang makita kita kahapon ay mukha kang mayaman. Siguro boss ka noh? Part time model? Artista?"

"Are you complimenting me?"

"No, I'm just telling you the truth. Aware ka naman siguro na pogi ka, 'di ba? Sigurado ko na maraming aso ang humahabol sa'yo."

"Aso and tao. Medyo sikat ako sa Werewolf world kaya hinahabol nila ako," nakangiti na sagot nito sa akin.

"Traevon, kwentuhan lang tayo. Walang yabangan!"

Humalakhak lang si Traevon sa sinasabi ko. Kahit papaano ay thankful ako na may isang mabait na Werewolf ang tumulong sa akin. Bago ako pumunta ng Isabela ay takot na takot ako pero nang maging ganap ako na Werewolf ay parang nabunutan ako ng tinik. Salamat din sa kanya dahil willing siyang turuan ako ng mga bagay na hindi ko alam sa Werewolf world.

"Sa Japan ako nagwowork. Nagbakasyon lang ako dito sa Pilipinas. Hindi ba at naka-bakasyon ka?"

"Oo, nagpaalam ako sa boss ko ng vacation leave kasi nababaliw na nga ako. Kahit 'yong buto ko sa kamay, parang nakikita ko na hugis paws."

"Parang X-Ray vision?"

"Oo ganyan nga! Kahit umaga, nakikita ko ang kamay ko na ganyan. Grabe, kung alam mo lang ang takot ko! Kaya nang matanggap ko ang sulat ni Sir Joe, grab ko na agad ang chance na pumunta dito sa Isabela."

"Since you're on vacation and I also have about a few weeks of vacation leave, why don't you join me in Japan?"

"Japan Japan sagot sa kabuhayan?"

"Pwede ka magbakasyon ng ilang araw doon. Suggestion ko lang naman. You can even stay in my house. May guest room ako."

"Parang hindi naman ata appropriate na tumira ko sa bahay mo lalo na at may fiancee ka. Baka sabunutan niya ako kapag nakita niya ako at tawagin na Kabetchi By Golly Wow."

"Ako bahala sa'yo, sister! Ako mismo sasabunot sa buhok niya kapag sinaktan ka niya! Matitikman niya ang bangis ng aking sharp and glossy nails," biro nito gamit ang kanyang beki voice.

"Ay winner! Feeling ko Soul Sister talaga kita kaya magaan agad ang loob ko sa'yo noong unang kita ko sa'yo."

"Ang sabihin mo, baka na love at first sight sa aking mga sexy abs?"

"Well, hindi ko ide-deny 'yan!"

Nagtawanan lang kami ni Traevon dahil totoo naman na natulala ako nang magtransform siya sa kanyang human form noon. Kung nagkatawan na tao ang word na sexiness, mukhang si Traevon Eriksson 'yon.

Ilang araw nag-stay dito sa Isabela si Traevon at nakumbinsi niya din ako sumama sa kanya sa Japan. International daw ang company nila at doon siya sa branch nila sa Tokyo nagtatrabaho.

Sa isang luxury condominium kami tumuloy na pag-aari daw ng Direct Heir na si Shintaro Kimura. Ito daw ay hundred years old na at isa sa pinakamatandang Direct Heirs na walang anak o tagapagmana.

"We need to work our asses off as the First Heirs decided that all young Werewolves should not inherit any family money and should work hard to earn a living just like normal people. I don't want to rent any property, so I asked the help of Shintaro," sabi ni Traevon sabay turo sa isang guest room.

"Tapos pinahiram niya lang sa'yo itong condo?"

"The Kimura Family is considered the richest Werewolf Family. Maraming properties dito sa Japan si Shintaro. Hindi kawalan kung ipapahiram niya sa akin ang isang apartment niya."

"Sana All meron friend na rich kid."

"Friend mo naman ako ah? Rich kid din ako."

"Huy, huwag ka pakasiguro na friend kita. Malay mo More Than Friend ka sa akin."

"Caelen, hanggang friendship lang ang kaya ko ibigay sa'yo, but with additional benefits."

"Kaya ang daming umaasa dahil sa mga paasa na tulad mo eh! Mabuti pa, ipasyal mo ko dito sa Tokyo ng may pakinabang ka."

Ngumiti lang ito sa akin at niyaya ako na lumabas. Isang linggo ang plano ko na bakasyon dito sa Japan kasama si Traevon. Pagkatapos ng isang linggo, babalik na ako sa Maynila at babalik na ako sa boring kong mundo. Baka ito na ang huli namin pagsasama ng aking new found Werewolf friend.

Teach Me How To AlphaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon