POV CAELEN SAN RAFAEL
First time ko mag-attend ng black tie event at si Traevon mismo ang bumili ng dress na isusuot ko. Sa loob ng ilang linggo na kasama ko siya, kabisado ko na ang ugali niya na masyadong controlling. Hindi ko naman minamasama dahil natutuwa ako sa atensyon na binibigay niya sa akin.
"Ms. San Rafael, Mr. Harrison would like to speak with you," sabi ng assistant ni Sir Ford.
"Si Sir Ford? Nasaan po siya?"
"Sa labas ng event hall, turn left. At the end of the corridor, makikita mo ang balcony. He is waiting for you there."
Nagmadali akong lumabas ng event hall dahil baka may kailangan sabihin sa akin si Sir Ford na related sa trabaho. Pagdating ko sa balcony ay wala naman doon si Sir Ford.
"Caelen San Rafael. If you are looking for Lanford, he is not here. I was the one who asked his assistant to bring you here."
Paglingon ko sa likod ay nandoon na si Zaphorah Kiana Everett or kilala sa tawag na Zackie. Secretary daw ito ni Traevon noon at nagresign dahil sa kanilang misunderstanding, pero naging officemate na naman niya ulit sa Tokyo branch dahil sa request ng mga First Heirs na magkalapit silang dalawa.
"I am sure you are now aware that I am not just Traevon's colleague. I am her soon to be wife," masungit na sabi niya habang hawak ang kanyang champagne glass.
"Ah oo, nasabi niya nga. Ikaw 'yong babae sa vision ni First Heir Jedidiah na ayaw niyang pakasalan."
Kitang kita ko kung paano mamula sa galit si Zackie dahil sa sinabi ko. Sa totoo lang, hindi naman siya kagandahan. Matangkad at morena, mukhang mayaman pero mataray ang mukha. Halatang hindi pleasing ang personality.
"Once I became Traevon's wife, I will make you suffer."
"Suffer because?"
"Traevon is the Royal Heir. He is like the king of the Werewolf Clan and as his future wife, I will serve as the queen. You don't want to mess with your queen, do you?"
Kung ikaw ang queen ko, sa Aswang Clan na lang ako sasali. Hindi pa nga asawa, feelingera na. Abuse of power 'yan ah?
Tumalikod ako kay Zackie para iwan siya dahil ayokong makipagsagutan sa kanya. Ayoko siyang kausap at ayoko din makita ang hilatsa ng mukha niya. Sa unang paghaharap namin ay friendly ang approach ko sa kanya, pero halata naman ang pagiging matapobre niya.
"Traevon and I will soon get married," mariin na sabi nito sa akin.
"Bakit hindi mo sabihin 'yan sa kanya?"
Wala akong pakialam! Talk to my paw!
"If Traevon does not marry me, the vision will happen! The vision about the destruction of the world!"
Napalingon ako kay Zackie dahil sa taas ng boses niya. Parang pinagbabantaan niya ako na ako ang dahilan ng magiging pagkasira ng mundo.
"Zackie, si Traevon ang kausapin mo at huwag ako. Please excuse me."
Bahala kayo ng mga Werewolf friends mo sa problema niyo!
"I can only presume that Traevon hasn't told you yet about it. He did not mention that the world will end because the twelve Alpha will be brought back to life using an ancient dark magic. And the only thing to stop this from happening is if Traevon marries me."
Alam ko na may vision si First Heir Jedidiah na kailangan magpakasal ni Traevon kay Zackie, pero hindi ko inaasahan na kailangan niya magpakasal para pigilan ang pagkabuhay ng mga Alpha.
BINABASA MO ANG
Teach Me How To Alpha
Про оборотнейTeach Me How to Alpha follows the life of Caelen San Rafael, an office girl who mysteriously became a Werewolf. Her life turns upside down when she falls in love with the Werewolf Royal Heir named Traevon Eriksson, who is already betrothed to anothe...