BEFORE 35 - ANGEL

228 28 1
                                    

POV CAELEN SAN RAFAEL

Lumabas ako ng library, pero hindi ko inaasahan na maririnig ko ang usapan ng First Heir na si Meshach at ni Traevon. It seems that Traevon Eriksson took me as his Mate to escape his fate, to marry Zackie, his former secretary. Kaya pala galit na galit sa akin noon si Ms. Zackie. Nagseselos siguro siya sa akin.

Tama nga ang hinala ko, may babaeng balakid sa love team ni Sir Von at ni Aris!

"Sino si Zaphorah?" tanong ko kay Traevon nang makabalik kami sa kwarto.

"Just another Werewolf in the Everett Family---. Wait, how did you know her?"

"Narinig ko ang usapan niyo ni Meshach. Siya ba ng babae na nakatakda na ikasal sa'yo? Si Zaphorah ba ay si Zackie?"

"You heard our conversation? That is fascinating. The library is warded."

"Ano exactly ang sinasabi sa vision?"

"The First Heir Jedidiah Steiner saw a vision of Zackie as my wife. Visions of the Steiner Family are near a hundred percent accurate."

"Tama ba si Meshach? Ginawa mo lang akong Mate as a means of escape?"

"Yes, does it bother you?"

Sabi ni Sir Von, ginawa daw niya akong Mate dahil gusto niya ako, pero mukhang nagdadahilan lang siya kay Meshach. Ginawa lang niya akong Mate para hindi maikasal kay Zackie. Hindi ko maintindihan kung bakit ako tila nasasaktan.

Dahil ba umasa ako kahit bahagya na gusto pala niya ako?

"Hindi naman. Tulad nga ng sabi mo, ang pagpapakasal ay isang business proposal. This is also a means of support to the VonAris love team! Fighting lang, Sir Von!" sabi ko sabay tapik sa braso niya.

Nagawa ko nga na ibigay ang sarili ko sa ibang lalaki kapalit ng pera, magpakasal pa kaya sa boss ko na mayaman?

"Do you want to see me in my Werewolf form?" tanong ni Traevon sa akin.

"Pwede po ba 'yon? Pero baka kainin mo ko ah?"

"I can't promise not to eat you in my wolf form," sagot niya sa akin at biglang tumawa ng malakas.

Inutusan ako ni Traevon na umupo sa kama at ipikit ang mga mata ko. Ayaw daw niya makita ko ang transformation niya. Mas ok na daw na nasa wolf form siya pagdilat ko. Pagkalipas lamang ng ilang sandali ay naramdaman ko na may humawak sa kamay ko, pero hindi ito kamay ng isang tao.

This is a humongous wolf paw.

Nang binuksan ko ang mga mata ko ay may malaking puting aso sa harapan ko. Mas malaki pa ito sa tao, parang kasing laki ng mga Siberian Tigers.

Inilapit ko ang kamay ko sa ulo nito at sobrang lambot ng balahibo. Hinawakan ko ang mukha nito at hindi ko na napigilan na yakapin ang malaking aso.

"Sir Traevon, ang lambot ng fur mo!" sabi ko habang nakayakap sa wolf na parang stuffed toy.

Mga ilang sandali din akong nakayakap dito nang maramdaman ko na unti unting nagbabago ang anyo nito. Kung kanina ay nakahawak ako sa balahibo nito, ngayon naman ay ramdam ko ang makinis na balat nito sa palad ko.

"I am glad you like my wolf form," sabi ni Traevon at bigla akong kumawala dito.

"Hindi po ako maka-paniwalang ang dambuhalang aso sa harapan ko kanina ay walang iba kundi ang beshie boss ko. Totoo pala ang Werewolf! Exciting!"

"Caelen, I am not your beshie boss, I will soon be your husband."

"Kung makakatulong ako para makatakas ka sa kasal mo kay Ms. Zackie, I am happy to help, happy to serve---"

Napatakip ako ng bibig nang mapansin ko na walang kahit anong damit si Traevon. Ang mga damit nito kanina ay nasa sahig. Unti unti itong lumalapit sa akin at ako naman ay unti unting lumayo sa kanya kaya mabilis akong napahiga sa kama.

"Caelen."

"Sir Traevon?"

Shit! Bakit feeling ko ay bigla akong na-attract kay Sir Von? Lesbian na ba ako? Am I into a girl to girl thing?

Dahan dahan ko ibinaba ang aking tingin mula sa kanyang mukha pababa sa kanyang dibdib. Napatakip ako ng bibig nang makita ko ang nasa pagitan ng kanyang binti.

Another shit! Feeling ko nagtataksil ako kay Aris! Bakit kasi ang hot ni Sir Traevon kapag nakahubad?

Mga ilang sandali din ako nakatitig sa kanya nang tumalikod ito sa akin. Napakagat labi ako nang makita ko ang kabuuan ng kanyang likod.

Sir Traevon has a sexy back. His muscles are apparent like a Greek-god portrayed in some stories. I can't help but sigh while staring at the beauty in front of me.

Kung mag-asawa na kami ni Sir Traevon, gugustuhin niya kaya na magkaanak sa akin? Magagalit kaya si Aris kapag nag-kemehan kami ng boyfie niya? Sana hindi!



---

Drop a comment below and let me know your take on the story. Share your suggestions, feedback, and wild theories—I'm all ears!

Oh, and don't forget to vote and hit the star icon!

Lots of love,

ChinChin

Teach Me How To AlphaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon