BEFORE 43 - ICE

245 24 1
                                    

POV TRAENNA ERIKSSON

A Werewolf Wedding has six parts. The first part is the civil wedding or we often call this, the human wedding. We need to follow the laws of humans before proceeding with the Werewolf Wedding.

The next four weddings are called Werewolf Rites which are officiated by the First Heir of each family. In our case, the First Heir Meshach supervises the four Werewolf Rites that are related to the four elemental gods.

The sixth part is the church wedding.

Sa pagkakaalam ko, ikinasal na sa huwes ang kuya ko sa kanyang Mate na si Caelen San Rafael sa Pilipinas. Natapos na din nila ang first three Werewolf Rites dito mismo sa Eriksson estate. Ang hindi pa lang nila nagagawa ay ang church wedding at ang feast pagkatapos ng kasal. Mukhang ipagpapaliban muna nila ito dahil sa mga kaguluhan sa Werewolf Alpha.

"Traenna!" sigaw ni Glacier na biglang pumasok sa kwarto ko.

"Yes? Ano na naman problema mo sa buhay?"

"Come with me! You need to see this!"

Hindi na ako nakasagot kay Glacier dahil hinila na niya ang kamay ko palabas ng kwarto. Nasa pinakamataas na floor kami ng Eriksson Estate kaya kulang nalang ay tumakbo kaming dalawa. Nang marating namin ang second floor ay biglang tumigil si Glacier. Mula dito ay tanaw namin ang first floor lobby na nasa harapan ng main entrance ng Eriksson estate.

Napansin ko na nandoon ang parents ko na sina Tristan Eriksson at Eliana De Vera Eriksson. Nandoon din si First Heir Meshach, kasama ang kuya ko at ang bago nitong asawa.

Nakatingin silang lahat sa isang lalaki ang tila nakahiga sa loob ng glass coffin. Napahawak ako sa braso ni Glacier nang makilala ko kung sino ito. Humihingi ako ng paliwanag sa kanya, pero umiling lang ito sa akin. Nagmadali akong tumakbo pababa ng lobby para puntahan ang glass coffin.

Ang mommy ko ay nakayakap sa daddy ko na umiiyak, samantalang ang Kuya Traevon naman ay tahimik at nangingilid na ang luha.

"Meshach, bakit nasa loob ng coffin si Sir Joe? He is not dead yet, is he?" kinakabahan ko na tanong.

"Child, we have a reason to believe that Joah deliberately trapped himself inside this thick sheet of ice as he is possibly affected with the same Alpha disease. He did this to avoid being totally consumed by the Black Plague."

"But Meshach, Werewolf Alpha cannot die! We are talking about the Thirteenth Werewolf Alpha!"

"He is not dead, but as long as we have this disease, he will be in this forced hibernation form."

Hinawakan ko ang makapal na yelo na nakapalibot kay Sir Joe. Bakas sa braso niya ang tila mga buhangin. Mukhang nagmamadali niyang binalot ang sarili niya sa yelo bago tuluyan na maging man-wolf form.

"Saan nakita ang lolo? Bakit may red sand siya sa katawan?"

"He is on a three-man mission with Direct Heir Shintaro Kimura and former Direct Heir Zeke Grayson in the Australian desert when Joah suddenly covers himself with ice."

Shintaro Kimura of Japan. Ang Direct Heir na walang kahit sinong tagapagmana. Siya lang at ang Direct Heir na si Ether Nilsen ang nanatiling mga original Direct Heirs simula noong panahon ng daddy ko. Karamihan sa mga Direct Heirs ay nakapag-asawa na at mayroon ng mga anak na lalaki.

"We contacted your uncle, Lancelot Harrington. He tried to absorb the Thirteen Alpha's past and it seems like the other twelve Alpha are now in Australia. Joah was able to find them, but the disease seems to be highly contagious. He was infected in no time."

Napansin ko na nandito din pala ang Uncle Lancelot kasama ang asawa niya na si Gwenevere Eriksson Harrington. Ang Kuya Lanford lang ang wala dito dahil nasa Verde Sanctuary ito as the head of the Operation Find My Alpha.

"We will send Joah to a secured location. The Everett Direct Heirs are already in the Australian desert to find more information about the twelve Alpha. They will manipulate all living things in the area to survey the territory."

Nakapagtataka na sa Australia pumunta ang mga Alpha. Anong meron dito bukod sa Koala?

Niyaya ako ni Glacier na bumalik sa aking silid. Gusto ko man malaman kung saan nila dadalhin si Sir Joe, sigurado ako na hindi nila ito sasabihin sa akin. Tanging ang First Heirs at ang kasalukuyang Royal Heir lang ang nakakaalam ng mga ganitong top secret information.

Pagpasok namin sa kwarto ay hindi ko inaasahan na kasunod namin ang parents ko. Simula nang mag-aral ako sa Pilipinas ay buwan bago ko sila makita. Napakunot ang noo ko nang mapansin ko na medyo matambok ang pisngi ng mommy ko. Kahit matanda na ito ay mukha lang itong nasa late twenties.

"Mommy, buntis ka ba?"

Ngumiti lang ito at umupo sa tabi ko. Hinawakan ang kamay ko na parang may dinaramdam na problema.

"I am pregnant and I think it is a baby girl. May kasunod ka na, Traenna," sabi nito sabay pisil sa kamay ko.

"Baby girl? Yes! Ayoko ng baby boy, mas maarte ang mga boys na parang sila ang nagkakaroon ng mens!" sabi ko sabay bahagyang tingin kay Glacier.

Tumawa lang ang daddy ko sa sinabi ko. Isa pa itong may split personality. Mukhang signature na ng mga Direct Heirs ang pagkakaroon ng split personality.

Minsan malambing, minsan masungit.

"Traenna, I want you to help your brother, support him in any way possible. Dahil buntis ako, hindi ako masyadong makakatulong sa inyo."

Napag-usapan na namin ito ng parents ko at ni Kuya Traevon. Dahil ang mommy ang Direct Heir ng Thirteenth Alpha, posible na ma-inherit ko ang abilities niya, pero lumipas ang ilang taon ay wala akong kapangyarihan ng Thirteenth Alpha.

May theory ang daddy na marahil ay magkakaroon pa kami ng nakababatang kapatid.

"My powers are already depleting. Once I give birth, I am sure I will just be a normal Werewolf. My abilities will be transferred to your little sister. Sabi ni Professor Joaquim, mawawala sa akin ang kapangyarihan ng Thirteenth Alpha at maililipat sa susunod kong anak. Nararamdaman ko na ito ngayon. The Direct Heir of the Thirteenth Alpha already have my powers," sabi ng mommy ko sabay haplos sa kanyang tiyan.

"Matagal ko na talaga gusto magkaroon ng kapatid na babae. Please take care of yourself, mommy," sabi ko sabay yakap sa kanya.

"Dahil nasa hibernation period si Professor Joaquim, nasa kuya mo lahat ng bigat ng responsibilidad. He is the most powerful Werewolf next to the twelve Alpha. I want you to protect him and support him. I am sure the Direct Heirs will not hesitate to give their lives for the Royal Heir."

Tumango lang kami ni Glacier sa kanya. We are facing the Twelve Alpha and we do not have the ability of the Thirteenth Alpha. Mukhang mahihirapan kami dahil nawalan ng kapangyarihan ang dalawang tao na inaasahan namin.

Ang mommy ko at ang lolo ko.



---

Drop a comment below and let me know your take on the story. Share your suggestions, feedback, and wild theories—I'm all ears!

Oh, and don't forget to vote and hit the star icon!

Lots of love,

ChinChin

Teach Me How To AlphaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon