BEFORE 36 - TRAENNA

236 17 1
                                    

POV TRAENNA ERIKSSON

My name is Traenna Eriksson and I am a Werewolf.

Every Red Moon, the Werewolf Clan will transform into a gigantic fluffy wolf. We do this to enhance our skills and senses. A few decades ago, I graduated from the Verde Sanctuary, a secret training facility of the newbie Werewolves. I am proud to say that I aced my training

Martial Arts? Chicken sa akin 'yan. Kahit nga ang mga deadliest martial arts at non-sport form of martial arts ay nagawa ko na. Feeling ko nga ay pwede na akong maging ninja sa Konoha.

Self defense? Kering keri ko 'yan. Lahat ng klaseng defense technique ay na-master ko na, except for Thesis Defense.

Dexterity and Agility? Dahil isa akong Werewolf, normal na sa amin ang bilis at liksi, pero ibang level ang talent ko. Para akong isang Werewolf na designed para sa pakikipaglaban.

And my only weakness? My brain!

I am a 30 year old Werewolf, but I look like a college student. Dahil medyo mahina ako sa academics, sa super lolo ko ako lumaki na isang professor. The Thirteenth Werewolf Alpha, Professor Joaquim Hidalgo.

"Traenna Dimaculangan, nakikinig ka ba sa akin?" tanong ni Professor Joe habang nasa loob ako ng office niya.

"Po?"

"Ang sabi ko, mababa ang grades mo sa mga preliminary examinations. Puro boyfriend ata inaatupag mo ah? Nagpupuyat ka na naman ba sa kaka-chat sa boyfriend mo na nasa Switzerland?"

Umupo ako sa bakanteng upuan at biglang umiyak sa harapan ni Sir Joe.

Professor Joe Vera, my college professor. He is my super great grandfather and my best friend. Kahit matanda na siya, as in thousand years old na, parang magkaibigan kami mag-usap kapag nasa opisina niya. Sir Joe ang tawag ko sa kanya dahil hindi ko siya pwedeng tawagin na lolo dito sa school.

"Sir Joe, alam mo naman na nakipagbreak sa akin ang boyfriend ko, 'di ba? Hindi ako makapag concentrate sa exams dahil naaalala ko ang aming mga precious moments! Sobrang sakit! Mas masakit pa sa puson ko kapag may dysmenorrhea ako!" humihikbi na sabi ko sa harapan ni Sir Joe.

"Traenna, priority mo dapat ang grades mo at hindi ang former boylet mo. Try to mag move on. Huwag gawing dessert ang Ampalaya."

"Pero Sir Joe, parang binibiyak ang heart ko into two! I don't think makaka get over sa kanya. First love ko kaya siya. You feel me?"

"You feel me ka dyan! Enough of your boyfriend. Hindi rin naman kayo magkakatuluyan sa huli. How do you plan to fix your grades?"

Umayos ako ng upo at inilabas sa bag ko ang mga Pastel-colored Macarons na ginawa ko kaninang umaga bago pumasok.

"Sir Joe, baguhin mo na lang kaya ang grades ko? Tutal ikaw ang professor ko sa lahat ng Chemistry-related subjects, dagdagan mo na lang ang scores ko para sakto na passing? Apo mo naman ako, 'di ba?" nakangisi ko na tanong sa kanya sabay abot ng Macarons sa kanya.

"You finished your training course in Verde Sanctuary with flying colors, pero sa Chemistry bokya ka?"

"Sir Joe, huwag mo na ko pagalitan! Wala naman akong lahing Campbell. Eriksson-De Vera ang lahi ko. You know? Mga lahing cute? Mana lang sa lolo?"

"May point ka diyan!" sagot ni Sir Joe sabay halakhak ng malakas.

Pangatlo ko na itong kurso sa college at laging pasang-awa ang grades ko. Kahit ganun pa man, suportado ng parents ko at ng super lolo ko ang dedication ko sa pag-aaral.

"Sir Joe, ipagba-bake na lang kita ng soft Cinnamon Rolls bukas."

"Hindi ako tumatanggap ng suhol, Traenna. Pero dagdagan mo ng cream sa ibabaw, baka sakaling may pag-asa na pumasa ka."

Kinuha niya ang mga Macarons na ginawa ko, pero inabot niya sa akin ang tatlong makapal na workbooks. Hindi na ako umalma dahil alam ko na isusumbong ako ni Sir Joe sa daddy ko kapag bumagsak ako uli sa examinations.

Lalabas na sana ako ng opisina ni Sir Joe nang biglang lumitaw sa opisina niya si Azariah Grayson, ang First Heir ng Grayson Family. Ang Direct Heir na si Polaris Grayson ay miyembro ng Cavalier ng kapatid ko na si Traevon Eriksson.

"Your Highness, you are being summoned in the Verde Sanctuary right now. It is about the twelve Werewolf Alpha. They disappeared from the Alpha Crypt," sabi ni Azariah sabay bow kay Sir Joe.

Kung kanina ay nakangiti ang lolo ko, nagbago ang facial expression nito at naging seryoso.

Sir Joe is an ancient creature as he is one of the patriarchs of the Werewolf Clan. Pero kahit super lolo na siya, palagi siyang nakangiti o kaya ay palaging tumatawa na parang may saltik. Ngayon ko lang siya nakita na ganito ka-seryoso.

"Traenna, wait for your Cavaliers. See you in the Eriksson estate. And don't forget your workbooks," sabi ni Sir Joe bago tuluyan na nawala kasama ng First Heir na si Azariah Grayson.

There is a rumor in the Werewolf Clan that our Alpha may cause the destruction of earth and we call it the Alpha Apocalypse. Kung nawawala ang mga Alpha sa Morpheus Castle, mukhang ito na ang simula ng sinasabing Alpha Apocalypse.

This will endanger humanity and may expose the secrets of the Werewolf Clan.

Teach Me How To AlphaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon