AFTER 10 - COUSIN

389 41 1
                                    



POV TRAEVON ERIKSSON

There are a lot of mysteries surrounding Caelen, but what worries me most is her connection with Kuya Lanford. I did not know that he is working in the Dima Corp. here in the Philippines as he kept this a secret from me.

Pagdating namin sa Maynila at isinama ako ni Caelen sa bahay nila. Kasama niya ang kanyang half brother na si Cascade San Rafael. Na-aksidente daw ito ilang buwan na ang nakakaraan pero nakakalakad na din ngayon.

"Akala ko ba isang buwan ka sa Isabela branch? Bakit ang bilis mo? Nag-uwi ka pa ng poging boyfriend?" tanong ni Cascade sabay ngiti sa akin habang nasa dining room nila kami.

"Friend ko lang 'yan si Traevon. Mag-aasawa na 'yan at iiwan na ako. Ayaw nga akong gawin na Other Woman."

"Ate, maganda ka naman, pero iba ang level ni Kuya Traevon. Artistahin siya so malamang mas maganda ang girlfriend niya, mala-model din na may sexy body."

"Hoy Cas, nakita ko na ang jowa niya! And I am sorry to disappoint you pero mas maganda at mas sexy ako noh? Hindi ba, Traevon? Mas maganda ko kay Zackie?"

"Do you want me to tell you the truth or do you want me to lie?"

"Wala kang kwentang friend! Wala kang extra rice ah?" sabi nito sabay layo sa akin ng bowl na may laman na kanin.

Nasa kalagitnaan kami ng pag-uusap nang biglang may magdoorbell. Si Cascade mismo ang tumayo at nag volunteer na magbubukas ng pinto.

"May bisita ka?" tanong ni Caelen kay Cascade.

"Baka si Sir Ford 'yan. Tumawag siya kanina at nasabi ko na ngayon ang uwi mo. Bakit hindi mo pa kasi sagutin si Sir Ford? Tutal wala ka naman pag-asa kay Kuya Traevon."

"Tumahimik ka! Sinabi mo kay Sir Ford na umuwi na ko? Naku, baka pabalikin na ko sa work. Sabi ko pa naman one month ako mawawala."

"Malakas ka naman sa kanya, 'di ba? Nagdadala sa'yo ng flowers at chocolates. Alam mo ba na ilang linggo ako may free pizza delivery dahil sa boss mo? Ikaw lang ata ang manhid eh. Nanliligaw na sa'yo, hindi mo pa rin gets. Slow ka?"

"Ang sabi ko, tumahimik ka!"

Lumabas si Cascade at sinundan naman siya ni Caelen. Wala pang isang minuto ay pumasok na si Ford Harrison. Tulad ng inaasahan ko, Ford Harrison is none other than my cousin Lanford Harrington. May dala itong chocolates at ice cream para kay Caelen.

"Traevon?" gulat na tanong niya nang makita ako.

Kuya Lanford has this unbreakable poker face that seldom smile, but I can see from his reaction that he was stunned to see me. Para pa nga siyang namutla nang makita ako na para akong isang multo.

Pinatuloy siya ni Caelen at inanyayahan na sumabay sa amin ng lunch, samantalang si Cascade naman ay nagpaalam na manonood ng basketball. Kung kanina ay maingay kami na nag-uusap, bigla naman binalot ng katahimikan ang hapag kainan pagdating ni Kuya Lanford.

"Hindi ko alam na nasa Pilipinas ka. Akala ko nasa Japan ka," sabi ni Kuya Lanford nang mapansin niya na tahimik ako.

"I was in Isabela for vacation. I met Caelen there during the Red Moon."

"You met her where?"

"In Northern Sierra Madre Natural Park during her first transformation."

Saglit na tumahimik si Kuya Lanford at tumingin sa akin. Sigurado ako na ginagamitan niya ako ngayon ng Alpha skill na Historia. An ability to absorb one's history just by looking at someone.

Pagkatapos ng ilang sandali ay bakas na naman sa mukha niya ang pagkagulat at pagkalito. Mukhang hindi niya alam na isang Werewolf si Caelen o hindi niya inaasahan ang transformation nito.

"Welcome to the Werewolf Clan, Ms. San Rafael. I did not know that you would turn into one of us. Should I know that you will be a Werewolf during the last Red Moon, I would have trained you myself," nakangiti na bati nito kay Caelen.

"Sir Ford, okay lang po ako. Pasalamat nga po ako at nakita ko si Traevon sa gubat."

"Hindi ba ang sabi ko sa'yo ay huwag mo akong tawagin na Sir Ford kapag wala tayo sa office?"

"Ay oo nga po pala. Nahihiya po kasi ako tawagin ka na Ford dahil boss pa rin po kita. Salamat po pala sa chocolate at sa ice cream. Salamat din po sa pizza na pinadala niyo kay Cascade."

Isang matamis na ngiti ang sinagot nito kay Caelen. Ngayon ko lang nakita na sweet si Kuya Lanford at hindi ko alam kung bakit tila naiinis ako sa closeness nila ni Caelen kahit nauna naman silang magkakilala.

"Kuya Lanford, baka bumalik na ako sa isang araw sa Japan. Let us have dinner later. Just the two of us," sabi ko kay Kuya Lanford.

This is not a request. He knows that this is an order from me.

"I would love to have dinner with my favorite cousin. Same steakhouse?"

"Kuya Lanford, my sister is your favorite cousin, not me."

"Of course, pareho ko kayong paborito. Kayo lang naman dalawa ang pinsan ko."

Ngumiti lang ito sa akin, pero ramdam ko na may kakaiba itong galit sa mga oras na ito. He is angry at me and I will soon find out why.

Teach Me How To AlphaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon