AFTER 12 - CLUB

469 41 0
                                        

POV CAELEN SAN RAFAEL

Pagkaalis ni Sir Ford ay nagpaalam na sa akin si Traevon. Kahit Kuya Lanford ang tawag ni Traevon sa kanya, hindi maitatago na may nabubuo na alitan sa kanilang dalawa. Para silang magsasapakan ano mang oras.

Kinagabihan, nakatanggap ako ng tawag kay Traevon. Pinapapunta niya ako sa isang bar dahil hindi na daw niya kayang magdrive.

"Hey Caelen, hindi ba part timer ka dito sa Club Fantaisie?" nakangiti na tanong ni Traevon na mukhang lasing na.

"Oo, dito na ako nagtatrabaho noon bilang bartender. Lasing ka na ah?"

"Lashing? Sinong lashing? I am fine, Caelen! I can stand up straight---"

Tumayo ito pero wala pang ilang sandali ay napaupo uli ito sa kanyang upuan. Halata naman na napadami na ang nainom nito at nahihilo na.

"Caelen, there is something wrong with me. Everything is spinning. I think someone is creating an illusion. Someone capable of Halucinatio."

"Lasing ka lang kaya ka nahihilo. Mababa ba ang tolerance sa alcohol ng mga Werewolves?"

"I don't know as I am not fond of drinking alcohol. I was drunk once and Zackie took me home."

"May nangyari na sa inyo ni Zackie? Huwag mo sabihin na nag-karot kayo?"

"I just kissed her, but nothing happened."

"Weh? Walang nangyari sa inyo?"

"Totoo nga! Walang nangyari sa amin! If something happens between me and her, I think she will use it so we can get married fast. Do you think I want that to happen?"

"Aba, malay ko! Ikaw ang humalik sa kanya. Malay ko ba kung may hidden desires ka sa kanya---"

Mabilis na hinila ni Traevon ang kamay ko palapit sa kanya. Sa sobrang lakas ng hila niya ay sumubsob ako sa dibdib niya at napaupo ako hita niya.

"Wala akong hidden desire kay Zackie. Alam mo kung kanino ako may hidden desire?" tanong niya habang hinahaplos ang buhok ko.

"Sa akin?"

Tumango lang ito at bigla akong niyakap palapit sa kanya. Nagulat na lang ako nang bigla niyang siniksik ang ulo niya sa leeg ko.

I closed my eyes and I suddenly felt his lips on my neck. I can even feel his breath on my neck. The combination of the smell of his perfume and the alcohol is quite intoxicating.

Kahit medyo madilim dito sa lounge, dahan dahan akong lumayo kay Traevon dahil baka may makakita sa aming dalawa. Hindi ko alam kung may mga alagad ang mga First Heirs dito. Baka mapagalitan si Traevon kapag nakita na may kasamang ibang babae.

"Babalik na ko sa Japan sa weekend. Ihatid mo ako sa airport ah?" sabi nito na bigla na naman isiniksik ang mukha sa leeg ko.

"Bakit hindi mo tawagan si Polaris? Madali ka niyang mate-teleport sa Japan?"

"I am living my life as Von Dimaculangan. Ano na lang ang explanation ko kapag nasa Japan ako pero walang record na sumakay ako ng eroplano? We only use teleportation for emergency and for special request."

"Traevon, paano tayo makakauwi niyan? Hindi ka makapag drive?"

"Let us take a cab. I will just leave my car here. Teka, bakit ba gusto mo ng umuwi? Kaya nga kita pinapunta dito para mag-inuman tayo," tinawag ni Traevon ang isang waiter at umorder ng alcoholic drinks para sa aming dalawa.

Hinayaan ko na lang siya dahil huling bonding moment na naman namin ito dito sa Pilipinas. Sa isang araw ay babalik na siya sa Japan at magkakahiwalay na kami ng landas.

Teach Me How To AlphaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon