Past (Part 1)

60.2K 973 7
                                        

Aria's POV

19 Years ago...

Isang malakas na lagabog ang aking narinig.Sa murang edad ay nakaramdam ako ng labis na takot.

Nasaan na sila mama?Bakit nila ako itinali sa malaking gulong?

At isa pang malakas na pagbagsak ang aking naramdaman saka ako nawalan ng ulirat.

Sa muling pagbalik ng aking kamalayan ay kakaibang boses na ang aking naririnig.

Pinakinggan ko ang mga boses.Hindi ko pa naimumulat ang aking mga mata.

Nakakaramdam na rin ako ng pananakit ng buong katawan.

"Magigising na ba siya doc?" tanong ng isang babae.

"Mamaya ay magkakamalay na siya madam!" wika ng isang lalake.

"Napakalaking himala ang pagkakaligtas niya.Matagal rin siyang nagpalutang lutang sa dagat bago siya napadpad dito." wika ng isa pang lalake.

"Oo nga." wika muli nung isang babae.

Unti unti ay naimumulat ko na ang aking mga mata.

"She is awake.Look honey!" wika muli ng isang lalake.

Malabo pa ang aking paningin pero naaaninag ko na ang mga tao sa paligid.

Isang lalake na sinusuri ang aking pulso katabi ang isang babaeng nakaputi na inaayos ang nakakabit na swero sa akin.

At isang babae at lalake na nasa aking harap.

At sa dulong bahagi ng silid ay isang batang lalake.

Nasaan ako?

"Hija anong nararamdaman mo?" tanong ng lalake sa aking harap.

Hindi ko siya maintindihan.

Saan si mama ko?

"min mamma(my mother)...Inte lamma mig min mamma!(dont leave me my mother!)" wika ko.Pero alam ko na wala sa paligid ang aking ina.

Nakakunot ang noo ng taong nasa harap ko.

"What did she say?" tanong ng babae sa kasama.

Nagkibit balikat lamang ang kausap nito.

Nagsign language ang doctor habang kausap ako para kami ay magkaintindihan.

Lumipas ang mga araw at tuluyan na akong gumaling.At sa mga araw na iyon ay hindi ko na muling nakita ang aking ina.Mag isa lang daw akong napadpad doon.

Ilang buwan na nanatili ako sa pangangalaga ng mga kinauukulan bago ako muling napunta sa mga Thomas.

Lumipas ang mga taon na nakakalimutan ko na ang trahedyang iyon.Lumaki ako sa pangangalaga ng mga Thomas.

APOLLO'S LOVE AFFAIR Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon