Meeting his family (The Father's side)

35.7K 796 5
                                    

Apollo's POV

Hindi ko mapigilan ang mapangiti habang tinitignan siyang hindi mapakali sa pag-aayos ng sarili para sa family dinner mamaya.

"Garett is it really okay?" tanong niya sa akin.Kababakasan ng takot ang kanyang mata.

"How about this?Alin ang mas bagay sa akin?" tanong niya ulit saka itinaas ang pulang bestida.

Panglimang palit na niya iyon ng dress.

"Everything is beautiful." simpleng sagot ko.Lahat naman kasi bagay sa kanya.

Maya pa namang ala-sais yung dinner at 4:30 pa lang. Hindi ko maintindihan kung bakit siya kinakabahan eh simpleng dinner lang naman ang gaganapin na kada buwan naman naming ginagawa.

"You are not helping.Garett naman eh!" reklamo niya sa akin habang hawak hawak naman ngayon ang navy blue sleeveless dress.

Dinampot ko ang red skirt at blue na sleeveless. Ganoon rin ang kulay ng polo shirt na suot ko ngayon.

Sinundan lamang niya ako ng tingin.

Then i gather my cardigan.

"I think its better.Same as mine." wika ko sa kanya sabay abot ng napili kong isusuot niya."Everything suits you.You are always beautiful in whatever you wear." dagdag na wika ko bago lumabas ng room para siya makapagpalit.

Makalipas ang kalahating oras ay sa wakas lumabas na siya ng kuwarto.

Hindi nga ako nagkamali, lalong lumitaw ang ganda ng kutis nito sa suot.

Matipid na ngiti ang ibinigay niya sa akin ng makalapit siya.

"You're really beautiful!" papuri ko sa kanya saka hinalikan ang kanyang noo.

"Thank you." sagot niya.Kapansin pansin pa rin na tensiyonado siya.

Marahan kong pinisil ang palad niya."Relax its just a simple dinner." konswelo ko sa kanya.

Humarap siya sa akin at nagwika."I cant relax. How can i.Im meeting your family, lalo na ang dad at lolo mo.What if they dont like me!"

Nag-aalala nga talaga ito.

"Dont worry, Lolo and dad will surely like you.They're nice." i assure her.Pero gusto kong sabihin sa kanya na wag kang matakot kay lolo at dad, sa lolo ko na hari ka kabahan.Pero hindi ko isinatinig.Ayaw ko siyang takutin.Kahit naman kasi anong mangyari ay handa na ako.

"Hindi lang naman yun ang ikinakaba ko. Garett ngayon lang ako makakaattend ng isang family dinner.Matagal na panahon na ng huli kong makasama sila mama sa isang dinner.Madalas ay mag isa lamang ako.Palagi kasing wala si kuya." malungkot na sagot niya at naiintindihan ko ito.

Niyakap ko siya."Im just here.If you are not at ease later just tell me and we will go home."

Aria's POV

"Oh you're finally here.Come on they are already at the dining!" salubong sa amin ng mommy ni Garett.

Agad na humalik sa pisngi nito si Garett.

"Good evening Tita!" bati ko dito.Hanggang ngayon na iintimidate pa rin ako sa presensiya niya.Maybe because technically she's my mother in law.

Ngumiti ito."Welcome hija.Its nice to see you again!" wika niya saka nakipagbeso sa akin. Hinila na niya ako patungo sa dining.

Napatingin ako sa gawi ni Garett para humingi ng saklolo ngunit nginitian lamang ako ng aking asawa.

Naroon nga lahat.Ang tito at tita nila, ang mga magpipinsan kasama ang mga partner nila.Napatingin ako sa gawing gitna.Naroon ang isang matandang lalake katabi ang nasa fifties na lalake na nilapitan ng mommy ni Garett.Ang lolo at daddy niya.

APOLLO'S LOVE AFFAIR Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon