Morning Proposal

29.5K 735 7
                                    

Apollo's POV

I came up with one idea on how im gonna tell my wife that we are getting married again this evening.

Humingi ako ng tulong kina Ava at Min para ma-execute ang plan.

Nakausap ko na rin Ara at tita Ana na parating pa lang mamaya.They will come to my wedding. I sent message to the king that i would be happy if he will come to one of the important night of my life. Hindi ko ipinaalam dito na kasal ko ito dahil hindi rin naman ito sumagot.

In my father side, they were all come even my grandfather.

Around 5 am ay umalis na ako sa cottage namin para maghanda sa proposal na gagawin ko.

Aria's POV

Nagising ako na wala na sa tabi ko si Garett. Madalas itong nagbibigay ng carnation tuwing umaga pagkagising ko ngunit wala akong nakita sa aming cottage.

Ipinasya ko na lamang na magtungo sa banyo upang maligo at mag-ayos.

Wearing a summer dress i went outside.

Naglakad ako para hanapin ang aking asawa.

Hindi pa ako nakakalayo sa cottage namin ng may napansin ako.

Wala akong makitang tao sa paligid. Wala sila mommy at daddy. Wala din ang mga kaibigan namin sa mga cottages nila.

Huminto ako saglit sa paglalakad at nakiramdam.

Wala akong ibang narinig na ingay.

Sinimulan ko ulit na maglakad.

Mayamaya ay nakarinig ako ng ingay. Isang chopper na paikot ikot. Tapos mula sa malayo ay natanaw ko ang mga bangka na unti unting lumalapit.

Nakuha nito ang atensiyon ko.

Minasdan ko ang mga ito habang palapit ng palapit.

Ang unang bangka na kulay dilaw ay may nakasabit na banner na nakalagay ang salitang 'WILL'.

Kasunod ay green na bangka na may banner na may 'YOU'. Sinundan ng red na bangka na may banner na 'MARRY' ,sinundan ng blue na bangka na may 'ME' at sinundan pa ng orange na bangka na may banner na 'TONIGHT?'.

Nakakakilig naman ng ginawa ng kung sinumang magpopropose. wika ko sa sarili.

Natigil ang panonood ko sa mga bangka ng may napansin akong nakajetski na nagpaikot ikot sa tapat ko at ang nakakagulat ay si Garett ang sakay nito.

"Garett !" sigaw ko sa kanya.

Bumaba ito sa jetski ng makalapit.

Sinalubong ko siya. Nagkatagpo kami sa may hanggang tuhod na tubig dagat.

"What does it mean?" tanong ko sa kanya.

Sa halip na sagutin ako ay itinuro niya ang kanyang suot na t-shirt.

Nanlaki ang mata ko sa nabasa.
'My Avery,will you be my wife tonight?'

"You want to marry me again?" paniniguradong tanong ko sa kanya.

"Yes. Will you allow me?" sagot naman niya.

Di ko mapigilang matulala sa kanya. Sa mga ginawa niya ngayon.

Ilang minuto akong natahimik na nakatitig sa kanya.

"Ahmm..my princess. Im waiting for your answer." nangingiting wika nito."Its rude to stare while someone is talking to you wifey!" biro nito.

Natauhan naman ako.

"Yes i will marry you tonight!" sagot ko sa kanya.

Unti unting may nalaglag sa tapat namin na iba't ibang kulay ng lobo galing sa chopper na nasa taas namin.

"Really?"

"Oo nga sabi.Alangan namang tumanggi ako eh nakakahiya naman sa effort na ginawa mo!" sagot ko sa kanya.

And then he hugged me tight.

Akmang hahalikan niya ako ng biglang magsalita si Liam.

"Maya na yang halik Apollo.Pakasalan mo muna ang kapatid ko!" wika ni Liam na nasa likod ko na pala.

Humarap ako. Naroon ang lahat.

Kaya pala wala akong makitang tao dahil kasabwat ang mga ito sa ginawang proposal sa akin ni Garett.

Inakbayan ako ni Garett habang naglalakad patungo kila kuya.

"Dahil napasagot mo na si Aria dapat siguro ay maghiwalay muna kayo.Para makapagprepare na sa kasal niyo mamaya." wika muli ni Liam kay Garett.

"Thats good. Sa amin muna si Aria.!" wika ni mommy.

Mabilis na dinampian ako ni Garett ng halik sa pisngi. "See you later at our wedding wifey!"
Pagkatapos niyon ay lumayo na ito sa akin.

"Talagang humirit pa ah!" angal ni Liam dahil sa ginawang halik ni Garett sa aking pisngi.

Tinawanan lamang ito ni Garett.

APOLLO'S LOVE AFFAIR Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon