Aria's POV
Napagtagumpayan namin na madala si Chloe sa tapat ng bahay ni Mike na hindi nito nalalaman.
At gaya ng plano ay dumating na si Kuya Liam.
Dala nito si baby Albie.Nagpaalam ang dalawa na padededein ang anak.
Sumunod na dumating si Garett.Pinipigilan kong matawa.Hindi kasi ito at ease na umarte.
"I need you in the kitchen!" wika nito sabay turo sa akin. Agad akong sumunod sa kanya ng maglakad na ito.
"Para kang robot kanina." biro ko.
Humarap ito."Did i give her a hint?!" tanong niya.
Umiling ako.
Lumapit ito sa akin saka kinuha ang aking kamay.He intertwined our fingers.
Tapos naglakad na ito.Magkaholding hands kami habang naglalakad papasok sa likod na bahagi ng bahay ni Mike.
The proposal went well.
When Chloe said yes yun yung time na hinintay ko.Mike is finally happy.
"Its a relief!" wika ni Garett sa akin. I know what he mean.
"Yeah." sagot ko.
Nang matapos na ang kainan ay basta na lang ako hinila ni Garett.
Huminto kami sa isang malaking bahay.Ang katapat na bahay nila kuya Liam at Sophia.
Ito yung bahay na lagi kong natatanaw.Nakita ko kung paano ito nabuo.
Its my dream house.
May inilabas si Garett na susi mula sa kanyang bulsa.
Bahay ni Garett ito? He is really filthy rich! Lalo akong nakaramdam ng pagkaalangan.
"Come on.Lets get inside!" aya niya.Hindi naman ako makakatanggi dahil hawak niya pa rin ang kamay.
Mas lalo akong na-amaze ng makapasok kami.
Mula sa sahig, sa mga upuan, sa lamesa, at ang mga kagamitan , lahat primera klase.
"Did you like it?" tanong niya habang nakatingin sa akin.
"Its beautiful.Your house-"
He cut my sentence."Its not just my house.Its our house wifey."
Nabiglang napatingin ako sa kanya.He is smiling.God!I missed his smile.
"Anong sabi mo?" ulit ko.
"Our house.Nakausap ko na si Liam kanina.And he agree na dito ka na tumira." paliwanag nito.
"Pumayag si kuya?"
"Yes.Of course he will.Not because they are neighbors but because they are only infront."
"Anak, isinama na rin ako ni Apollo kasi baka malungkot ka raw." wika ni manang Lilia.Ang nag alaga sa akin ng mahigit isang dekada na. Nasa may tapat ito ng kusina.Katabi ang dalawang babae na namumukhaan ko.
Tama sila yung magkapatid na naglalako ng sampagita sa malapit sa coffee shop ko.
Lumapit ako sa kanila.
Naroon din si Mang Kanor, yung namumulot lagi ng mga bote at plastic sa kalsada.
"Kami din po dito na po magtatrabaho." wika ni Daisy, isa sa magkapatid.
Lumingon ako kay Apollo.
Ngumiti lamang ito.
"Eh mam dito na po ako mamumulot ng plastic at bote sabi ni sir para di na kayo nalulungkot pag nakikita ako sa kalsada." sabi ni mang Kanor.
Hindi ko alam na alam ni Garett ang mga simpleng bagay na tulad nito tungkol sa akin.Nakakatouch.Bawing bawi siya sa tagal naming di nagkasama.
Sumulpot na rin si Jiane at Taylor. Buhat ni Taylor ang aking maleta at iba pang personal na gamit.
"Si Sophia ang personal na nag ayos niyan para sayo!" masayang wika ni Jiane.
"Huh.Naisahan ako doon ni Bestie.Di ko man lang nahalata.Gusto na pala akong palayasin sa bahay nila!" birong sambit ko.
"Hoy bestie di kita pinapalayas ah.Yang asawa mo kinukuha ka na kasi may ipapakain na daw siya sayo!" sagot ni Sophia na kararating lang.Katabi nito ang asawa na buhat ang anak.
"Tama yun para mabawasan naman ang pera niyang asawa mo."wika naman ni kuya Liam.
Napatawa ako.
"Teka anong kakainin natin diyan?" wika ni Liam habang buhat si baby Albie ay nagtungo ito sa dining."Wow pag ganito lagi ang pagkain dito pihadong lagi kang may bisita Princess!"at umupo na ito.
Binatukan ito ni Sophia.Akala ko magagalit ito sa kakapalan ni kuya pero hindi."Talagang kakain ka na ng di ako inaaya ah!"
"Hindi ah,pagsasandok nga kita eh." palusot ni kuya.
Nagtawanan kaming lahat.
Inakay na rin ako ni Garett sa hapagkainan.
Hindi na ako nagulat ng ayain nito ang lahat ng naroon para sumabay sa pagkain.
He is really kind to others. He always help.
BINABASA MO ANG
APOLLO'S LOVE AFFAIR
Lãng mạnThe Billionaire's Group Series - Batch I - 4 "My heart skips a beat every time that we meet. Its been a while and now you're smile is almost like a memory, but now you're back and i am fine, because you're with me and im inlove with you.And i cant...