Business

33.6K 835 5
                                        

Aria's POV

Kinabukasan ay sabay kaming bumiyahe patungong Pilipinas. Sa bahay namin kami dumiretso kinagabihan.

Dahil sa sobrang pagod ay nakatulog ako at hindi ko na namalayan na nadala na niya ako sa aming kuwarto.

Kinabukasan nagising ako ng maramdamang may humahalik sa pisngi ko. Kahit di ko imulat ang mata ko ay alam kong si Garett iyon.

"Did i wake you?" tanong niya."Good morning wifey!"

"Good morning too!" sagot ko.

Umupo na ako paharap sa kanya.Akmang hahalikan niya ako sa labi pero umiwas ako.

"Garett naman eh, di pa ako nagsisipilyo!" reklamo ko.

Bigla na lang akong umangat sa puwesto ko.Binuhat pala niya ako at dinala sa banyo.

"Then do it now!I want to claim my morning kiss." nakangiti nitong wika.

"Ikaw talaga!" wika ko.

Napansin kong nakabihis na ito. He is wearing a blue ralph lauren polo with a black slacks.

"I want to take you to my office. You would know me more if i will take you there." paliwanag agad nito.

"But i need to go to the cafe."

"We will go there by afternoon.I will prepare your clothes." wika nito saka umalis.

After magtoothbrush ay naligo na ako.

Natulala ito ng makita akong papalapit sa kanya.

"God, you are so sexy my princess!" puno ng paghanga niyang wika. Paano ba naman napilitan akong lumabas ng banyo na nakatapis lang ng tuwalya.

Kinuha ko sa kanya ang damit na isusuot ko. Bahagya kong isinara ang nakabukas niyang labi. "Mister! lumabas ka muna at magbibihis ako!"

Bigla itong natauhan at sumisipol na lumabas ng kwarto.

Nakadama ako ng kasiyahan ng mapansing attracted pala ito sa akin.

Paglabas ko ng kuwarto ay nagulat ako ng makita ito sa tapat ng pinto. Hinihintay ako.

Pagkakita sa akin ay mabilis akong hinalikan sa labi bago pa ako makapagreact.

"Thats my morning kiss.Come on lets have a breakfast!" wika niya saka hinawakan ang kamay ko.

Apollo's POV

Pagdating pa lang namin sa may lobby ng AGT building ay pinagtitinginan na kami.

Paano ba naman ngayon lang ako nagkaroon ng kasabay na babae at hawak ko pa ang kamay.

I feel proud. Siyempre kasama ko ang asawa ko.

Kaya lang napansin ko ang paghanga ng mga kalalakihan na nadadaanan namin sa aking asawa.Sino ba namang hindi eh napakaganda ni Avery. Hindi man nito napapansin iyon.

Nakasunod lamang sa amin si Taylor.

Hindi na namin kailangang makipagsiksikan sa elevator dahil may sarili ako.

Hanggang sa makarating kami sa 20th floor , sa aking opisina.

Pagkalabas pa lang namin sa elevator ay nagsibatian na ang mga secretariat ko at maging si Jiane na aking secretary.

"Good morning sir, Ms. Aria!" masiglang bati ni Jiane.

Tumango lamang ako gaya ng dati.

"Good morning din Jiane.Masaya akong makita ka ulit!" masayang wika ni Avery sabay yakap kay Jiane na ikinagulat nito.

APOLLO'S LOVE AFFAIR Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon