Second Wedding

31.1K 802 7
                                        

Apollo's POV

Never in my life na nakaramdam ako ng ganitong kaba. I feel nervous knowing that in a matter of an hour ay ikakasal na kami ni Avery, ang nag-iisang babaing nagustuhan ko.

Hindi na ako magtataka na sa loob ng maraming taon ay hindi ako tumingin sa iba. Hindi rin ako nagtangkang makipagrelasyon sa iba. Iyon ay dahil noon pa lang ay mahal ko na siya.

And its the best thing that ever happen to me - to fall in love with a woman like her.

And in a matter of an hour, she will be Mrs. Apollo Garett Williamson for real.

Aria's POV

"Wow! ikaw na talaga bestie! Ikaw na ang may trahe de boda na gawa ng sikat na si M. Lhuilier!" may paghangang wika ni Sophia sa akin habang tinutulungan akong isuot ang gown.

"Ang ganda ganda niyo naman Ms. Aria. Kaya naman hindi na tumingin sa iba si sir Apollo eh!" puri naman ni Jiane.

Tapos na kasi akong ayusan. Tapos na rin akong make-upan.

Inilugay lamang ang aking buhok na binigyan ng mumunting kulot sa dulo ng mahaba kong buhok.

Ngayon ay inaayos na ng isang sikat na stylist ang pearl na headband sa aking buhok.

"Mas lalo kang magiging mukhang prinsesa sa maliit na korona na ito." wika ng stylist sa akin.

Puro pasasalamat lang ang sagot ko sa kanilang lahat sa mga papuring sinasabi nila.

Dumating na rin sa kuwarto si mommy.

"It will suits you.Its from my mother during my wedding two decades ago." binuksan ni mommy ang maliit na kahon na may earings na may black diamond na pinalibutan ng white diamonds. "Babagay ito diyan sa luna necklace mo!"

"Its beautiful.Thank you mommy!" pasasalamat ko sa kanya. Isinuot niya sa akin ang earings.

"And this shoes is from lolo. Gift daw niya ito para sa kasal niyo ni Apollo." wika naman ng bagong dating na si tita Amelia, katabi ni tita Aurelia.

Kung ganon ay dumating pala ang mga kapamilya ni Garett from Germany.

"Thank you po.!" sagot ko sa kanila.

Kinuha ni Daisy ang LV na puting sapatos at ipinasuot sa akin.

"Hindi kaya makidnap ako sa mga suot ko ngayon?" biro ko sa kanila. Expensive kasi lahat ng ipinasuot nila sa akin.

"I dont think so.Hindi hahayaan ni Apollo na mangyari yun sayo. Knowing him, kung gaano siya kaprotective sa iyo!" sagot naman ni Claire.

"I agree with that." sabi naman ni Chloe habang hinihimas ang tiyan na ngayon ay malaki laki na.

"Now you are ready. For sure my son wont take his eyes with you later." tudyo ni mommy sa akin.

Pumasok si manang Lilia sa kuwarto at ibinalita na naroon na ang chopper na maghahatid sa amin sa venue ng kasal.

Hanggang ngayon wala pa silang sinasabi kung saan ba gaganapin ang aming kasal.

Dalawang chopper ang nakaabang sa di kalayuan. Magkakasama sila Sophia, Claire, Chloe at ang iba sa isang chopper samantalang magkasama kami ni mommy sa isa pang chopper. Kasama namin si Jiane at Daisy na umaasiste sa akin.

Hindi ko mapigilang mapaluha ng makita kung saan gaganapin ang aming kasal. My dream wedding. Sa gitna ng burol ay naroon ang isang gazebo sa gitna na pinalilibutan ng mga table na may iba't ibang uri ng bulaklak. Ang burol ay nasa gitna ng karagatan - an island. Sa paligid ay may mga lantern na nasabit na siyang magiging liwanag mamaya. Papadilim na kasi.

APOLLO'S LOVE AFFAIR Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon