ChApTeR tWeNtY fOuR

4 0 0
                                    


Aila's Pov

I let out a loud laugh nung nakita kong kanina pa si Trian tulala sa akin matapos ay agad itong binatukan ni Ice.

Nag-aalala pa naman ako nun kay Trian dahil nung tumabi ako sa kanya ni hindi siya makakilos at tulala nalang parati. Tatanungin ko sana siya pero itong halimaw na kaharap ko ngayon bigla ba naman akong hilahin. Panira lang e. =_=

"People right now, they really get the hell out of me" napalingon ako sa nagsabi nun.

Ngumiti ako sa kanya as if that was the first time I gave it to him.

Tiningnan niya ako na nakakunot ang noo at ibinaling muli ang kanyang atensyon sa pagkain.

"Stupid" rinig ko pang bulong ni Travis at ipinagpatuloy ang pagkain.

Ang hindi niya alam ay kanina pa ako nagpipigil ritong tumawa. Ang laki ba namang tao kung kumain parang bata may dumi pa sa pisngi.

"Stop staring" at doon niya na ako tiningnan ng seryoso.

But juice colored! Hindi ko napigilang hindi tumawa.

"Hahahahahaha!"

"Why the hell are you laughing?! Stop it!"

"Hahaha!"

"STOP!"

Napahinto ako ng tawa ngunit nakangiti nalang nang nakakaloko.

"Oh, that smile..." sabi niya na may mukhang pabanta.

"Ano?" Still, sa may pisngi niya parin ako nakatitig kung nasaan ang dumi nakatambay.

"Whats with that stare?"

Napabuntong hininga ako ngunit nakangiti parin. Nginuso ko sa kanya ang dumi.

"What?"

This time nalipat ang tingin ko sa mga mata niyang punong puno ng emotion. Hindi ko alam kung bakit ganito siya kung makatingin sa akin.

Lumakas ang tibok ng puso habang tinititigan ko iyo.

Una siyang bumitiw sa titig. At ako rin, nailang.

"Ah, Travis may dumi sa kanang pisngi mo." saka ako tumayo.

Kanina pa kasi ako tapos kumain at siya nalang hinihintay ko para sabay na kami kasi natatakot akong mag-isang pabalik sa cottage namin.

Pero sa ngayon nawala ng lahat ng iyo ng naalala ko na kailangan kong lumayo sa kanya.

"Help me Trian, help me to get over him"

"You will Aila, I'll help you." saka niya hinawakan ang magkabilang kamay ko at tiningnan ako with his full sincerity na I shoul trust Trian.

Naalala ko lahat lahat ng sinabi sa akin ni Trian. Sa araw na ito mukhang hindi ko iyon nasunod.

Mag-isa akong nakabalik sa cottage namin. Matapos ang isang karumal-dumal na paglalakbay.

OA.

=_=

Pumasok na nga ako at pumunta sa kama saka humiga.

Medyo madilim rito sa cottage dahil tanging lampara lang ang ilaw namin dito. Consequence namin ito. Tanging tubig lang meron kami rito.

Kawawa naman ako masyado nito. Nagpapakabait naman ako ah? Pero bakit ganito? T.T

Nilibot ko ang paningin ko. Maganda naman ang cottage, comfortable naman ang atmosphere. Kung inayos lang ito ng kaunti at nilagyan ng kuryente at hindi masyado tago panigurado akong magkakatulad lang ito sa cottage ng ibang grupo.

Gawa sa bamboo ang cottage. Kaya malamig at nakakapasok ang preskong hangin.

Tumayo ako at pumunta sa gilid kung nasaan ang bintana. Ang ilaw ng buwan ay nagreflect sa sahig na kahoy.

Nakita ko ang buwan at ang mga bituin. Ang ganda. Dahil sa liwanag nito nakita kong may dalawang bundok at sa pagitan nito ay may ilog na kumikinang dahil siguro sa buwan. Ang ganda naman pala rito.

Napangiti ako. Namimiss ko na ang kapatid ko. Ang pamilya ko. 2 months nalang pala at aalis na ako sa Boys Academy.

Sina Ice, Trian, mga makukulit naming asaran, ang freedom na makalayo sa nakakabwiset na girly things. And there is Travis.

I will miss them. Him.

Pagkatapos nito, lahat ito ay magiging panaginip nalamang.

Walang nakakaalam (excluding Trian , Ice and my twin brother Ethan) at walang makakaalam lalo na si Travis.

Ang roomate kong suplado na nainlove ako ng palihim. Nakakatawang isipin ngunit nakakabaliw ring isipin. First love ko na yata siya e. Yun nga lang.

Si Ingrid na ang kanya. Mukha ngang na kay Ingrid na nga puso nun. Kaya ganun ang pag-uugali nun. Walang puso e. E yung sa akin? Nasa kanya.

Mababawi ko pa kaya yun?

Sa kailaliman ng pag-eemote ko.

Napasinghap akong may nakatitig sa akin sa labas ng cottage na ito.

His eyes, his perfect face, his messy hair.

Napaiwas ako ng tingin saka napahawak sa dibdib ko.

Huy! Puso tumigil ka nga. Baka marinig ka pa niya.

Pero alam ko kahit marinig niya ito na tumitibok ito para sa kanya. Alam kong wala siya pakialam. Alam kong mandidiri siya sa akin. Para sa kanya isa akong bading na nagkagusto sa kanya.

Ang hindi niya alam ay isa akong babaeng nagmamahal sa kanya na nagtatago sa identity na ito at kung paano itinatago ko rin ang aking feelings para sa kanya.

Hirap nga i explain e. But hindi ko siya masisi. Baka nga isa ako sa mga babaeng nagkakandarapa sa kanya ngunit hindi niya pinapansin.

Tumingin ulit ako sa labas ng bintana at hinanap siya ngunit wala na pala siya.

Hanggang sa bumukas ang pintuan rito sa kwarto at lumabas ang lalaking nagpapatibok ng ganito sa puso ko.

Really? Crap, I should really get over him before akong maging pathetic nito.

AND IT HIT ME!

Iisa nga lang pala kami ng kwarto at si Travis ang kasama ko rito sa walang ilaw, nakakatakot, malayong, madilim na cottage.

Get over him?!

Trian! Help!!!!!!!!!!

Im Inlove with My Roommate ( IM NOT KIDDING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon