A.a Pov
S-H-O-C-K
Yan parin ako hanggang ngayon. I mean what just happen back there?
His lips..
On mine...
*dug dug dug
Takte! Ano ba tong nararamdaman ko. Kada maiisip ko yun. Parang hindi ako makahinga. Hindi ko maintindihan ambilis ng takbo ng puso ko.
Luh? Ba-baka. Huwag naman sana mahal ko pa buhay ko para magkaroon ng heart failure. >_<
Pero medyo hindi ko inaasahan ang sinabing pangalan ni Travis kanina. Sino ba yung Ingrid na yun? Kapal ah? Kinuha na nga first kiss ko pinagkamalan pa akong babae niya.
Oo first kiss ko yun. Kaasar lang at napunta iyon sa demonyo na iyun. Plano ko pa naman ibibigay ko yun when I found that right person atska sa romantic place ko yun ibibigay pero wala na, sinira na nila.
Sa akala ko safety yung bibig ko nun nung nagstart na yung dare nila pero nung nasa may ilong ko na yung bibig ni Travis. Naramdaman kong tinanggal ang panyo na nasa bibig ko dahilan para magkahalikan kami at mahulog yung susi.
Matapos ay bumitiw siya sa halik, saka hinila na naman ako. Seryoso? Hindi na ba sila nagsasawa sa panghihila?
Naramdaman kong lumabas kami habang nakablindfold parin ako.
"Thank you for being obedient." mabilis niyang bulong sa akin matapos ay narinig ko ang isang malakas na pagsara ng pinto sa likuran ko.
Tulalang papunta ako ngayon sa cafeteria. Syempre, ayoko munang dumiretso sa kwarto hindi pa ako handang makaharap si Travis.
Nakita kong wala ng studyante. Gabi narin kasi at may pasok pa bukas. Well, for me matagal talaga ako natutulog kaya walang problema sa akin.
Umorder nalang ako ng Cappucino. hHumanap ako ng pinakamalapit na upuan dito. At nung makanap na ay umupo na ako at nilagay ang kape.
Alam kaya ni Travis na ako yung nahalikan niya? Sana naman hindi. Paniguradong mandidiri yun.
Dapat yun nga rin ang maramdaman ko. Ang mandiri. Pero hindi e, imbes na pandidiri. Pagkalito tuloy.
Alam mo kung ano yung nakakalito? Bakit naisipan ni Travis na babae ako na ang skwelahan na ito ay strict masyado sa pagpapasok sa mga babae. At isa pa, bakit nung sinabi niya yung pangalan na iyon feeling ko.
It has too much effect on him?
Pangalawa bakit hindi maalis sa isipan ko ang pangyayari na iyon. Siguro ngayon si Travis ay wala lang sa kanya yung nangyari.
Maybe I should act like one too? Para walang awkwardness. Ang tanong baka sasabihin nina Kit kay Travis ang nangyari kanina.
Na! If sasabihin nila humanda talaga sila sa akin. Gigising nalang ako bukas ng maaga take note for the first time =_= to get all of this as a secret from Travis.
Hinigop ko nalang ang kape.
"asdfghk! Ang init!" Aissh! nakalimutan kong hipan. Stupid little me.
"Hinay hinay lang kasi." sabi nung nasa may likod ko saka umupo sa harapan ko.
"H-hey" sagot ko.
Shemay!! >_<
Guess who it was. The person who is the reason kung bakit ayaw ko pang pumunta sa dorm. Ang taong hindi ko inaasahang madadatnan ako rito.
And yes, tama ka it's Travis.
Umiwas ako ng tingin at ibinaling nalang ang aking atensyon sa aking kape.
"Youre up too late, suppose you are now sleeping and having nightmares?"
Nosebleed naman nitong lalaki na ito. Mabuti at may tissue rito kundi baka kanina pa tumulo ang dugo ko sa ilong.
Pero teka lang?
Napakunot ang noo ko nung nagsink in sa akin yung mga sinabi niya. Napaka talaga nitong lalaki na ito. Kinuha na nga niya yung first kiss ko. =__=
Tiningnan ko siya ng masama.
"Tch. Ikaw? Bakit gising ka pa din? Diba andun kana dapat sa higaan mo habang tumutulo yung laway mo?"
Totoo naman din, ke gwapong lalaki tulo laway. Kadiri. Hahaha.
O_O - ganyan itsura niya.
Hahaha. Katawa mo tsong. Kala mo, hmm! Hindi mo ako matatalo ng ganyan ganyan lang. But wow lang, for the first time inasar ko na rin siya pabalik. Noon kasi hindi ko siya pinapatulan masyado kasi siyang makulit at bastos. Kung papatulan ko pa baka mas lumalala pa siya at aasarin pa ako even more.
"W-wait! H-hindi kaya ako tulo laway. Baka ikaw!" guilty as ever, nabuko na nga nagmamaang-maangan pa.
"Hindi daw."bulong ko.
"What did you just say?" napangiti ako.
Mas nakakatuwa pala siya kung siya yung napipikon. Hahaha. Parang bata, ang cute cute.
O_o
Uieee, sabi ko sa iyo e. May cute kang roommate hindi lang cute gwapo pa.
A-ano? Este ang cute niya parang aso. Diba yung aso tulo laway? Kaya nasabi ko yun.
Ses, palusot.com
Bwiset kang utak ka. Tss. Baka isipin pa nitong lalaki na ito nababaliw na ako, kinakausap ko yung sarili ko. Aissh =_=
"Pangiti ngiti ka pa diyan.Tch. Makaalis na nga" padabog siyang tumayo at tumungo dun sa hallway palabas nitong cafeteria.
"Salamat naman." sabi ko at bumuntong hininga.
Nakahinga na rin ako ng maayos sa wakas.