Chapter tWeNTy

34 0 0
                                    

Ethan's POV

“But Ma!”

“Just do what I tell you to say. Your sister needs you.”

“I know. Pero hindi naman yan ang dahilan kung bakit ako magsisinungaling sa kanya. She has the right to know. And for you to change her name.”

“Ayoko ko lang siya mapasama.”

“No you are not. You're doing this just for yourself. You are taking her life!” pasigaw ko kay mama.

“Your are smart Ethan but you still have no rights to shout on me. I am still your mother. ” she cried.

“No.You are not acting like one.” sabi ko saka ako pumunta sa kwarto ni Ate Ingrid.

Pagpasok ko ay nakita kong natutulog siya sa kama niya. Matapos kakaiyak niya sa kama buong araw. Naaawa ako sa nangyari sa aking kapatid. Even sina Reika ay hindi siya napabalik sa dati.

Matapos  nagkaroon ng coma si Ate lahat ng taong naging dahilan nun ay binura ng aming ina. Naiintindihan ko pa si mama bakit siya nagkakaganun. Pero sa ginagawa niya ngayon na pati ako ay gagawin niyang sinungaling.

Umupo ako sa kama ng ate ko saka ko kinuha ang kanyang kamay saka hinalikan.

“Patawarin mo sana ako sa gagawin ko. Siguro kailangan mong magsimula. Sa lahat din na nagawa ni Kuya Travis sa iyo.” matapos nun ay tumayo na ako at hinalikan siya sa noo niya.

Natauhan nalamang ako nung tinawag ako ni papa para kakain na.

“Susunod na po ako.”

Tumayo na ako. Sa totoo lang hindi ako pumunta sa Paris upang mag-aral. Lahat plinano namin ng papa ko matapos kong malaman na hindi kasalanan ni Kuya Travis kung bakit nasaktan si Ate Ingrid. Kami lang rin ang nakakaalam ng papa ko. Gusto niyang kunin si Ate pero dahil sa binrainwash siya ni mama wala kaming magawa.

Sana lang na may maalala man lang si Ate sa pagpunta niya roon. I think tama rin na hindi alam nina kuya Travis na siya si Ate Ingrid. Para naman makapagsimula sila.

Nasaktan na si Ate. Gusto kong sumaya man lamang siya. Sa lahat ng ginawa sa kanya ng aming ina. Ngayon hindi ko na yun hahayaan. Alam kong si Kuya Travis lang makakapagpapasaya sa kanya.

****

A.a PoV

Nasa kalagitnaan ako sa pagtulog ko ng may biglang yumuyugyog sa akin.

“Huy.Tulog mantika. ”

Aish! Ano ba yan disturbo. Inalis ko kamay niya sa akin.

“Bahala ka diyan. Tss.” ramdam kong gumalaw ang katabi kong upuan matapos nung nagsalita.

“Lahat na ba nakababa?”

Matapos ko yun marinig ay napabangon ako.

“Huh? Ano? Baba? T-teka.” taranta kong sabi.

Nagmamadali akong tumayo para kunin ang mga gamit ko at nung nasa harap na ako ng pintuan ng bus. Nilingon ko sila. Tulala silang dalawa na nakatingin sa akin.

“Dali na!” sabi ko kay Travis na sa ngayon ay parang tuod na nakatayo lang.

Napakamot nalang siya sa kanyang batok saka tumawa yung bus driver sa tabi niya saka siya tinapik sa balikat.

“Nakakatakot pala kapag nabibiglang magising ang isa diyan. Creepy.” parinig ni Travis habang kinukuha narin ang kanyang mga gamit.

Napairap nalang ako. Kasalanan ko bang hindi niya ako ginising at hindi sinabing baba na. Yun tuloy hindi ako nagpatumpik tumpik pa.

Boom karaka raka. XD

I giggled sa naisip ko. Pero nawala ang ngiti ko ng

nasa tabi ko na siya na bitbit rin ang kanyang mga gamit at kunot noo na namang nakatingin sa akin.

“Ano?” iba kasi kung makatingin.

“Baba na.”

Awp. Gani. Bababa na. Tss.

Pagbaba namin dun nalamang ako napalingon na papaalis na ang bus. Nung nakaalis na ang bus binungad nito sa amin lahat ng mga studyante na nakapalibot kasama at sa tingin ko kasama ang kani-kanilang doormates.

Hindi naman ganun karami. Kada section ay may 45 students. May apat na section that means 180 students are here to camp. We have only 2 teachers with us. So hindi kami masyado crowded.

Hinila ako ni Travis saka kami nagline up sa aming assigned teacher. Mam Jay.

Ang itsura ng camp location namin ay mapuno lang pero napakalinis. Andito kami ngayon sa clear ground habang dinidisscuss kung ano-anu ang dapat gagawin.

“So, as we all discuss. All of you should have a teamwork. Dito kayo machachallenge sa doormates niyo. Meron tayong rules and daily routines. No food if no teamwork. That is the first rule. Kelangan niyong magtulungan para sa sarili niyong pagkain.”

May nagtaas ng kamay.

“Okay Hans. What would it be this time?” taas kilay na tanong ni Maam Jay.

“Can you stop bubblering and just go straight to the point.” everyone agreed including me.

“Silent! Okay. I'll go straight to the point. Una niyong gagawin ngayon mag-uunahan kayo sa paghanap  ng susi with your pairs para sa kanya kanya niyong cottage at kung sino man ang walang makukuha. Sila ang makakatuloy sa cottage na walang ilaw at walang tubig kundi ang bomba lang at kandila”

Nung narinig nila yun. Agad na namang nagingay. What the hell?! Tiningnan ko ang katabi ko at napasmirked lang ito.

I wished that smirked has a good reason. Kelangan namin makahanap agad ng susi. I cant leave without lights you know. Lalo na't kasama ko tong isa na ito.

“These will be the map and clues that you'll gonna follow.” sabi ni Maam Jay habang dinidistribute ang mga papel.

Nung nabigyan na kami lahat.

“Its 4:29 pm. So bibigyan ko kayo ng 30 minutes to find your key. Goodluck to all of you. Time starts... NOW!”

Im Inlove with My Roommate ( IM NOT KIDDING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon