“Neck tie?”’
“Check”
“Wig?”
“Check”
“Sanitar---”
“John?! Alam ko na yan. Tsss! Basta okay na ako.”
“Hahaha. Sungit talaga, basta yung itinuro ko sayo. Yung mga hindi at pwede. Ok? ” sabi ni John sa kabilang linya.
“Oo na... Yung isa diyan walang sasabihin?” tinutukoy ko ay si Darrel na kanina pa hindi nagsasalita.
“O! kausapin mo daw” rinig ko sa kabilang linya.
Matapos ang ilang oras aii dejoke segundo lang pala. Nagsalita narin ang mokong.
“Ano?”
Grrr, bigyan niyo ako ng jacket. Nilalamig ako sa nilalang na ito. Cold as always. Tss
“Hindi ka ba magsasalita?” sabi niya ulit sa kabilang linya.
“Ahmmm…Ano?”
Walanjo! Hindi ako makapagsalita ng maayos.
“Ahh, Aishh!” wala talaga e,
“Tss! Kung may gumalaw o may planong saktan ka. Isumbong mo lang.” anyare? Pero wow, kala ko wala tong puso. Meron rin pala.
“Sus, pacold pa to yun naman pala concern. Hahaha dalagito kana tsong” paniguradong si John. Hahaha. Narinig kong umaray si John. Kawawa naman, parating bugbog. Mamimiss ko rin tong dalawa na ito.
Napangiti ako“Sus, yun lang pala wala ka bang tiwala sa akin? Black belter yata ako.” para naman mawala ang awkwardness sa atmosphere.
“Andyan ka na naman sa tiwala na yan. Basta A.A umayos ka kundi ikaw ang lagot sa akin.” pagbabanta naman niya.
“Tsss, I know what Im doing. Baby Boy. Bye!” pagkatapos nun ay binabaan ko na siya. Sasabog yun dahil sa huli kong tinawag sa kanya. Same kami niyan ayaw sinasabihan ng baboy ayyy este baby.
Pwe! Kaderder kung papakinggan.
Well on the other hand………..
Andito ako ngayon. Kakababa sa taxi bitbit ang dalawa kong yellow na maleta. At nakatingala ngayon sa isang pinakamataas na gate.
Napabalik lang ako sa katinuan ko nung nagvibrate ang phone ko.
From: Brother Didi <3
Ate, goodluck ha. Sensya hindi kita nahatid inaasikaso ko pa kasi yung sa school mo, pero dont worry ok na at wala ka ng aabalahin.
Basta, ingat ingat lang diyan. Alam ko naman kaya mo yan. Hinding hindi ako magaakala if may mabalitaan ako na may nabugbog ka basta wag mo lang ako idadamay.
Ge, Keep safe and Thank you in a millionth.
Nireplyan ko ang kapatid kong monggoloid. Sinabihan ko na basta pagkatapos nito tutuparin niya ang pangako niya. Ulit ulit man pero baka makalimutan niya mahirap na.
Ibinalik ko ang aking phone sa bulsa. Matapos ay ibinaling ulit ang akong atensyon sa malaking gate.
WELCOME TO SOMEDAY ACADEMY
School for Boy's Only
Napalunok ako , ito na ba talaga? Bawal na ba talagang umataras. Sa baba palang ng pangalan ng school parang warning na e.
Pero wala akong magagawa. Kaya ko daw kasi ito. Wala naman siguro daw magsusupetsiya, sa transfromation ko ba naman.
Nagulat nga ako sa transformation ko dahil kamukhang kamukha ko ang kapatid ko. Ang pinagkaiba ay medyo pangkorean ang hairstyle ko, sa kapatid ko kasi ay clean cut. Pero as in magkamukha talaga kami.