****
KIT
Wow! Matsalam author may POV narin ako. Kala ko pa naman nakalimutan mo na ako. ^_^
Ako nga pala si Tristan Ian Kurt. Well, alam niyo na siguro kung saan galing ang Kit. Pero kung hindi parin. Sorry nalang pero pwede mo ng isara itong storya. Ikaw na ang pinakabobo.
Peace! Joke lang. Hehehe. Baka mapektusan pa ako ni author. Bawal daw mang away e.
Okay back to the story....
Hindi ko alam pero hindi ko akalain na makikita ko yung kamukha ni Ingrid at sa isang lalaki pa.
Matagal ko ng kaibigan si Ice at Travis for short Tj. Sa totoo lang Travis talaga ang tawag namin sa kanya pero dahil kay Ingrid nasanay na kami. Nakilala namin si Ingrid nung grade 5 kami dahil bagong lipat sila sa aming village.
Mabait naman si Ingrid, yun lang sobrang pikon at mainitin ang ulo. Pero kung manamit naku,kala mo model. Napakaayos kung manamit. Hindi nga lang siya nagmamake-up pero kahit wala lumalabas parin yung kagandahan niya.
Hmm, sa totoo lang nagkagusto rin ako kay Ingrid dahil nga sa kabaitan niya at madali siyang pakisamahan. Pero yun nga mahal niya si Travis at mahal din siya ni Travis. Hindi naman ako ganun kakontrabido no. Mahal ko silang dalawa na hindi ko kayang masira ang pagkakaibigan namin.
Nagtagal naman sila ni Ingrid ng dalawang taon pero nung nagsummer na at nagkawatak-watak na ang magbarkada para magbakasyon. Bigla ko nalang nabalitaan na lilipat na si Ingrid. At ang mas nakakagulat ay hindi man lang siya nagpasabi kung saan at kung kailan siya babalik.
Kaya ayun, simula nung umalis si Ingrid nagbago na rim si Travis. Ayaw na ayaw na niyang mabanggit o ipaalala si Ingrid. Hindi man pinapakita ni Travis kung gaano siya nasaktan pero ramdam namin na sobrang sakit ang naidulot nun sa kanya.
Napailing nalang ako nung maalala ko ang nangyari nung mga bata pa kami.
Talk about flashback. Kagabi kung kailan nagkayayaan ang magbarkada na maglaro ng xbox at kung sino ang matalo may consesequence.
Nanghinala nga kami bakit madalas ng tumatamabay sa amin si Travis e hindi naman siya hilig tumambay noon dahil alam niyang puro kabaliwan ang pinaggagawa namin ni Ice.
Natalo si Travis, for the first time natalo siya at dahil sa hindi niya matanggap ilang ulit kaming naglaro ay talo parin siya pero talo parin siya.
Himala nga e, pansin ko nga habang naglalaro siya parang may bumabagabag sa isip niya. Pero binalewala ko nalang iyon. Baka dahil yun sa roommate niya na kamukha ni Ingrid.
Wala akong maisip na consequence kaya si Ice ang pinaisip ko. Nung sinabi sa akin ni Ice yung plano niya mukhang naimpress ako kay Ice. May talino din pala yung mokong na iyun. Tss.
Kinidnap namin si Ethan saka pinasok sa dorm namin. Masyado siyang masunurin, hindi ko alam bakit. Tska nanghinala rin ako nung nahawakan ko yung braso niya. Anlambot at nakapayat. Pero dahil sa pagmamadali ni Ice nawala na yun sa isipan ko.
After that, nagsimula na ang laro. Masyadong nakakatuwa grabe, kahit nakablindfold si Travis naiimagine ko parin ang itsura niya. Epic!
Pero nung pababa na bibig ni Travis sa may ilong ni Ethan,tumakbo si Ice sa banyo at nagsusuka. Ewan ko ba dun, exciting nga masyado magkakahalikan ang dalawang lalaki.
At sa harapan ko. Pwahahaha! Pero huwag kayo, ganti ko lang yan sa lahat ng pambabatok sa akin Travis this past weeks.
Nung nangyari na yung magkahalikan sila, nagulat ako sa nakita ko na likido na tumulo sa likod ng blindfold ni Travis. Kaya agad kong hinila ni Ethan bago pa tanggalin ni Travis ang blindfol niya.