Chapter FiVE

11 0 0
                                    

Dedicated to Mr. Bully ≧﹏≦

Para pampataas lang sa chapter. Pwahahaha!

Back to the story…..

“So?…” hintay na tanong sa akin ni Reika.

“Ano na? Nakakainip na ha.” dagdag pa ni John.

“Ano…Ahhhhh, sandali lang.” sabi ko. Nakakatense naman kasi, baka pagtatawanan lang nila ako.

“Bilisan mo na kasi.” reklamo pa ni Darrel.

Aishhh! Pasalamat kayo mabait ako ngayon. Kaya lumabas na ako sa dressing room ko.

“Wow.. Sino ka? Ang gwapo mo tsong. Hahahaha!” komento ni John habang iniikot ikutan ako.

“Mukha kang bading.” malamig na sabi ni Darrel at tumalikod na sa amin. Kahit kelan talaga bipolar itong si Darrel, hindi ba talaga pwedeng support nalang? Kokomento pa e, sarap pektusan pasalamat ka mahal kita.

Bilang kaibigan……Wag kayo! Hindi kami talo. -_-

“Hep! hep! John umalis ka diyan hindi ko makita ang transformation ni Aa.” sabi ni Reika sa videocall.

Naguguluhan na ba kayo sa nangyayari? Ganito kasi yun.

*FLASHBACK

Nandito kami magbabarkada ngayon sa kwarto ko, wala kasi si mom magbabakasyon D-A-W siya sa Greece kaya ayun may mga bwisita ako.

Kinuha ko yung Doritos ko at binuksan, matapos kasi nung pag-uusap namin ng magkapatid kahapon ay naisipan kong humingi rin ng tulong sa mga kaibigan ko. Mahirap kung ako lang ang dedeskarte para hindi mabuko.

Kaya ayun sasabihin ko sa kanila ang plano namin magkakapatid.

“May favor sa akin ang kapatid ko…..”

“Tapos?” at sabay nilang tanong. Seryoso kelangan  ba talagang sabay?

“Pero bago ko yun sasabihin dapat may muna kondisyon” syempre kailangan kulong ko sila. Kilala ko  sila e, masyadong unsupportive.

“What the?!! Bakit may kondisyon pa?!” reklamo ni Darrel.

“Boss ako e” sabay kindat pagkatapos nun ay napansin ko parang natameme siya sa ginawa ko. Problema niya?

Napabuntong hininga nalang si Reika. “Fine, wala na kaming choice. Basta sisiguraduhin mong hindi ka mapapahamak sa gagawin mo.” Tss! akala niya masyado akong careless sa mga desisyon ko? Nagbago na kaya ako.

-_-

“First walang sasapaw habang ineexplain ko, Second wala ng makakapabago sa desisyon ko, at panghuli susuportahan niyo ako at tutulongan.” oh diba? Andali nga lang ng kondisyon ko.

“Yun lang? Sus, kung gagawin namin yan mas mabuti pang lumayo na kami hanggat hindi pa kami kasabwat sa plano mo.” komento ulit ni Darrel.

“Kahit kelan talaga no? Lagi ka nalang kumokontra. Can you please zipper your mouth just for now or else….” sabay irap sa kanya.

After that wala na ngang kumontra at hinihintay nalang kung ano na ang dapat kong sasabihin.

“Ganito kasi yun, Blah blah blah” sinabi ko na nga sa kanila na magpapanggap ako bilang studyante sa Boys School kung saan dapat ang magkambal na eenroll at kailangan ko ang tulong nila.

→_→  ←_←  →_→  ←_←  →_→  ←_←  →_→

Itsura nilang tatlo palit palitan ng tingin.

“Hep! ang kondisyon” inunahan ko na sila Reika at Darrel ng pabuka palang ang kanilang bibig.

*end of flashback

Im Inlove with My Roommate ( IM NOT KIDDING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon