Lumipas ang ilang oras at alam mo? NAPAKABORING! Naiinis na nga sa akin tong isa dito dahil ang likot-likot ko daw.
Aba! Ikaw daw tong hindi mapakali. Napakaramot kasi, yan tuloy hindi siya makatulog. Sinisigawan naman niya ako. Pero ang ginagawa ko lang ay iniirapan ko siya.
Napaka niya rin kasi kung pinaupo niya lang sana ako sa may bintana. Edi matiwasay kaming dalawa.
Haha. Big word! Matiwasay. =P
Habang nag mumuni-mini ako biglang may nagsalita at sa tingin ko ay nasa likod namin.
“Dude, napakaboring.”
O diba? Hindi lang ako ang nag-iisa na naboboringan.
Ang pwesto namin ay nasa ikalawang panghuli na upuan. Kaya ang nagsalita ay nakaupo sa backseat.
Biglang may tumayo sa likuran namin. Si Hans lang pala papunta siya ngayon sa may driver seat. Matapos ay may ibinulong ito sa driver saka ko nakitang nagthumbs up siya sa likuran namin.
Narinig ko nalang na nagsosoundtrip na sila sa likuran namin. Now I know kung ano ang binulong niya sa driver. Pina-on pala nila ang radio.
Habang bumabyahe kami. Sila naman sa likod sinasabayan ang kanta na napatutog sa fm. Yung iba naman naming kaklase ay sumasabay rin.
Puro rock and reggae ang pinapatugtog kaya yung iba nagheheadbang pa. Sa likod naman namin ay pinupokpok ang mga upuan sa harapan nila. Maliban ang upuan ng isa rito. Alam din siguro nila.
Natapos na ang kantang Rude by Magic ng biglang tumahimik ang lahat sa sumunod na kanta.
NOW PLAYING : Sayo - Silent Sanctuary
Napatingin ako sa katabi ko na ngayon ay natutulog ng mahimbing.
Imbes na makienjoy ako sa mga kaklase ko balik. Hindi na. Nadistract tuloy ako. Sumasabay pa ang kanta. Edi mas naglala.
Argh! A.a sabi ko na nga ba't maling mali tong idea na pagsama mo. Nagmomove ka na!
Wala akong magawa. Pilit kong iiwas ang tingin ko pero mapapatingin ulit.
Ngayon ko lang napansin na mahahaba pala ang pilik mata tong mokong na ito. Moreno pero bakit ang kinis kinis ng kutis. Ang tangos ng ilong at ang pula ng mga labi. In short napakagwapo ng crush ko.
Nye! Anudew? >_<
Matapos ay tinitigan ko nalang siya. Naramdaman kong gumalaw siya kaya iiwas na sana ako pero....
P-pero not again.
Dumilat siya at aayos na sana ng pagkakaupo. Sa lapit rin ng mukha ko. Nagkalapitan ang mga labi namin.
Lumaki ang mga mata namin. Syempre dahil nagulat kami sa nangyari.
*dug dug dug
““TUMINGIN SA AKING MATA
MAGTAPAT NG NADARAMA
DI GUSTO IKAY MAWALA
DAHIL HANDA AKONG IBIGIN KA
KUNG MAGING TAYO
KUNG MAGING TAYO
KUNG MAGING TAYO...
SA IYO NA ANG PUSO KO”” tapos ng mga kaklase ko. Mabuti at walang nakakita. Siguro mamatay ako sa kahihiyan.
Agad kaming naghiwalay saka sabay iwas ng tingin pero kinuhit niya rin ako.
Saka ako napatingin sa kanya na nakakunot ang noo. Hindi ba siya naiilang? Feeling ko nga ang init init ng mukha ko.
“That was my first kiss.” he stated.
My mouth opened wide. What the freakin errr!
“Sa lalaki.” He continued.
BWISIIT! -_-///