****
Nagprepare na ako ng mga gamit ko para sa camp bukas. Yes you hear it right. _(._.)_ Sasama ako.
Sa pilitan.
Imbes pairalin ang trauma ko. Napilitan tuloy ako sumama. Tsk.
“Bilisan mo nga diyan. Maaga pa bukas. Tch”
Bweshiit! Arghhh! Inhale exhale. Bawal kang mabv A.a. Deadly yan, masamang magalit pagpinatulan mo pa. Kaya sa ngayon magpababa ka muna.
“Oo na po. Kala mo naman kung sinong prinsipe.” bulong ko matapos kong maayos ang mga gamit ko at dumiretso na sa kama.
“Someday will be King. Tss”
I smirked.“Yeah, sure you will.”
Ang yabang niya lang porket siya yung anak ng may ari ng school na ito? Kaya napilitan lang talaga ako. Kung hindi kasi ako sasama walang ipapares sa kanya.
And siya na one of the Dean's list. Hindi siya pwedeng hindi sumama.
Pasara na ang mga talukap ng mga mata ko ng bigla kong narinig ang huling sinabi ni Travis.
“Goodnight Ingrid” sabi niya saka siya naghihilik.
?____?
Ay, hallucination ko lang siguro yun. Inlababo talaga tong lalaki na ito kay Ingrid. Hays.
Binalewala ko nalang yun. Humiga na ako sa kama para matulog. Maaga pa bukas.
Nung pumikit na ako...
Hindi ko alam pero nakaramdam ako ng kirot sa dibdib.
****
Madaling araw ay nagmamadali kaming nagsipuntahan sa bus na nakaasign sa amin. Apat na bus ang nakaparada ngayon sa field.
Nasa likod ko si Travis habang hawak-hawak namin ang aming mga gamit. Paakyat na ako sa bus ng may biglang humarang sa harapan ko.
Dahilan para ma out of balance ako at mapahiga patalikod kay Travis.
“Argh! Shit!” Travis groaned.
“Uy, Sorry dude. Wrong bus ako.” sabi ni Ice habang kinakamot ang batok niya.
“Tss. Just help her. Ambigat.”
“Nahiya naman ako sa botot balat kong katawan” sabi ko matapos kong makatayo at makaayos sa mga gamit kong nabitawan.
Ice snorted. “What?”
Tiningnan kasi siya si Travis ng masama nung nakatayo narin ito. Patay malisya lang si Ice. Dahil masyadong maiinitin ang ulo ni Travis aambagan na sana niya si Ice ng kamao. Pero bago yun bigla nalang nagmamadaling tumakbo si Ice.
“Tss. Duwag!” sigaw ni Travis sa kanya.
Matapos ay humarap na siya sa akin. Napakunot ang noo niya.
“Ngiti ngiti mo diyan?” tanong niya.
“Bawal?” sabi ko saka ako pumasok ng tuluyan sa bus kasunod siya.
“Doon ako sa may bintana.” malamig niyang sabi. Matapos mailagay lahat ng gamit namin sa taas.
P-pero mas gusto ko dun e. Yan ang gusto kong sabihin pero baka sasabihin niyang napakabakla ko na naman.
Ang hirap pala talaga magpanggap lalaki. Kailangan astigin parati.
Ay! Light bulbs.
Pwede naman rin akong mag aallibi ah?
“Nahihilo ako kapag sumasakay ako ng bus.”
Cross fingers... Sana maniwala ka.
~>_<~
“Like I care?” upo niya sa may bintana.
Grrrr! Bwiset ka!! Ansarap mong kalbuhin.
“Susukahan nalang kita.” bulong ko saka ako umupo sa tabi niya.
“Ano?” taas kilay niyang sabi.
“Sabi ko nga dito nalang ako.” damot! bleh. XP
Matutulog na nga lang ako. Plano ko pa naman sanang titigan ang mga punong nadadaan namin. Sadya lang talagang malas ako at nakasama ko tong mokong na ito.
Mahal mo naman.
Haha. Hindi na no! Move-on na kaya ako.
Move-on daw. Asus!
Tss. Moving on pa.
Bwiset na utak na ito. Magpapatugtog na nga lang ako sa ipod ko atska matutulog. Mahaba-haba pa ang biyahe namin.
Panalangin ko lang na hindi aatakihin tong katabi ko ng kabaliwan.
Lalo na't magkakasama kami 1 week sa camp trip na ito.
This gonna be a long long long long camp.