***
Its Monday and still, madaming nagbago. Si Travis na bumalik sa pang-aasar sa akin
But ewan ko I really miss how he does that to me. Sa pang-aasar niya ulit, first time kong hindi nainis sa kanya kundi sinasabayan ko narin siya. And to think that mas nakakatawa siya kung siya ang naasar.
Kunsabagay ilang buwan rin niya akong iniwasan, at sa pag-iwas niyang yun ay meron akong narealize. That was I had fallen for him really bad. I must say. =_=
Nasa klase ako ngayon habang nasa harap na naman ang napakapangilabot na guro na kamukha ni Annabelle. Si Mam Jay at ngayon ay may dinadaldal.
“I had you all paired up base on your dormmates.” napabalikwas ako at napatingin kay Annabelle. What the freakin err? Ano namang kabaliwan ang pinaplano ng guro na ito?
“So are we all settled? See you tommorow class. Bye” matapos ay nagpaalam rin kami sa kanya at hinintay ang susunod na naman guro.
Siniko ko ang katabi which si nerd na first time ko lang binalingan ng pansin. I am not really that friendly Am I? Tch. =_=
“Hindi ka na naman nakikinig no?” sabi niya bago ko itanong kung ano ang tinutukoy ni Annabelle sa harap.
Tumango nalamang ako na may nagtatakang ekspresyon. “Mam Jay think that we should have a camp so that we dont feel like prisoners in this school and by pairing us to our dormmates.”
“Camp?!”
Oh, I just really hate campings. And worst Im paired up with Travis. Hindi naman sa ayaw ko ma makapair si Travis ang problema.
I want to move on nga dubuh?
Tss =_=
“Uh huh?” sabi sa akin ni nerd at binaling ulit ang atensyon sa binabasa niya. Naweweirduhan siguro sa akin.
I dont care! I dont want to go in that camp.
“Hindi ako sasama sa camping na yan. Mamatay man tong katabi ko.”
Napatingin naman sa akin si nerd. Saka napa-ubo.
“T-teka bakit mo naman ako idadamay?” nagkibit balikat lang ako sa tanong niya. Ang sama ko XD
“Mmm, sa tingin ko hindi rin yan mangyayari. Kung sino man ang hindi sasama at hindi sang-ayon. Automatically ibabagsak ka ni Mam Jay sa subject niya. Kaya sorry its not your option.” napanganga nalang ako.
“Say what?” sabi ko. What the hell am I supposed to do? Ayokong magcamping may trauma na ako, I had enough of that when I was 16 years old. So last year lang nangyari.
It all start nung nagcamp kami ng magaling kong ama. Me, my dad and Ethan.
*FLASHBACK
It was vacation and my Dad brought us to camp.
While naghahanap ng panggatong si Dad, naglalaro kami nun ni Ethan ng volleyball nung naipalo niya ito sa gubat.
“Ate!” sigaw ni Ethan.
“Diyan ka lang hahanapin ko ang bola.” matapos ko yun sabihin ay nginitian ko ang kapatid ko. Nginitian naman niya ako pabalik saka ako nagpatuloy sa paglalakad patungo sa gubat.
Matapos kong maglibot ng matagal ay hindi ko parin nahanap.Napagod rin ako kaya umupo na muna ako sa malaking puno.
“Asan na kaya yun?” sabi ko sa sarili ko.
*Plok plok
Napatingala ako sa langit. Ulan. I gotta get back there. Pero tiningnan ko ang paligid. Nakita kong pagabi na.
Tumayo ako at nagsimulang maglakad.
T-teka! Hindi ko alam ang pabalik.
*END OF FLASHBACK
Sa naalala ko nalang ay gumising ako na nasa kama habang umiiyak si mama sa tabi ko. Nakahiga ako sa kama at may bandage sa ulo.
Tinanong ko si mama kung anong nangyari. Pero hindi niya sinasabi sa akin.
Hindi narin umuuwi ang papa ko. Ang sinabi lang sa akin ng mama ko ay iniwanan niya na kami.
Kaya masyado akong nalungkot sa nangyari. Ni hindi ko man lang matandaan kung anong nangyari matapos. Kada tanong ko sa kanila kung nagkaroon ba ako ng kaibigan o wala. Ang ginagawa lang nila ay iniiba agad ang topic kaya hindi nalang ako nagpumilit.
Mabuti at nandoon sina Reika at ang dalawang magkambal.
Nung gumising kasi ako noon ay wala ako sa sarili ko parati nalang akong umiiyak. Ewan ko ba noon, feeling ko kasi maraming nawala sa akin.
Sa tingin ko naman ay naawa sa akin ang mama ko kaya pintawag niya yung tatlo. Sa una kong kita sa kanila ay hindi sila matandaan.
Nagpupumilit silang maging kaibigan ko. Pero ako na stubborn at nalilito parin parati ko silang tinataboy. Hanggang sa dumating ang kapatid ko at ikinuwento sa akin ang nangyari before ako nagkaganito.
Sinisisi niya ang sarili niya sa lahat na nangyari sa akin. Una kong nakita na may tumulong luha sa mga mata ng kapatid ko. Kaya doon ako natauhan. Niyakap ko ang kapatid ko. Nung nalaman ko ang nangyari ni hindi man lang sumagip sa akin na sisihin ang kapatid ko.
Sinubukan kong makinig sa kanila upang ibalik ako sa dating ako. Laking pasasalamat ko sa kanila at inintindi nila ako at hindi sinukuan.
“Hey your spacing out.” doon ko lang napansin na may kamay na iniwagayway sa harapan ko. Si nerd lang pala.
Nilibot ko ang tingin ko at dun napansin na nagsitayuan na ang mga kaklase ko at nagsilabasan.
Tumayo na rin ako saka inayos ang gamit ko at lumabas.
Kailangan ko ng fresh air. Itong nakaraang mga araw andaming nakakagulat na pangyayari ang nangyayari. Hays =___=
I hope kinabukasan o baka mamaya wala ng mangyayaring ikakagulat ko na naman.
Huhuhu, nakuha na nga first and second kiss ko. Ala? Baka sa sunod ang v-car--- >_<
Huwag naman po sana. =_=