Magulo gulo pa buhok ko patakbo sa MAGLP.
Akalain mo bang natraffic ako dahil sa isang sasakyan na hindi umalis sa harap ng motor ko?!!! Umuulan kaya binubusinahan ko pero amputek! Ang g@go hindi man lang natinag. Bawal naman akong magover take kasi may katabi kaming isang malaking truck.
Ng bababa na sana ako para pagmurahin ang mokong na may ari ng Lamborgini na sasakyan , alam mo bang dun niya na pinatakbo ang sasakyan niya. I mean like?!! Is this guy messing up with me?!
Lahat tuloy ng mga sasakyan dun ay nag-iingay dahil sa motor kong nakaparada sa unahan.
Bwisit yung lalaking yun, kapag nakita ko siya paniguradong hindi ko na siya papatakasin.
Kaya pagdating ko mukha na akong basang sisiw. Tinawanan tuloy ako ni tito J ang may ari ng BeYou.
Dadada pa sana ako kaya lang ay agad agad akong hinila ni Reika at pinagbihis habang dinadadaan niya nabingi na nga ako.Matapos ay nagmamadali kaming umakyat sa stage.
Mga ilang kanta rin ang naikanta namin.
“Loving you was red like I've never known, missing you was dark gray all alone” sabay naming kanta ni Reika.
“Oh you and I we dont wanna be like them, we can make it till the end. And nothing can come between"sabay namang kanta ng dalawang magkambal.
“Dahan dahan lang, dahan dahan lang” at ako pang tapos sa kanta namin, matapos ay nagsigawaan at hiyawan ang mga tao. Pababa palang sa stage ay dinumog na kami.
“Darrel ang gwapo gwapo mo talaga!!”
“Reika sana ako nalang ikaw!!”
“John ang hot mo!”
“A.A forever!!”
"A.A!A.A! SOLO!!” paulit ulit na isinisigaw ng iba, hanggang sa lahat na sila ay isinisigaw na kakanta ako mag-isa. At ang tatlo nakikisali narin. Tss!
First time itong may nagrequest na ako lang mag isa. Dahil banda kami kelangan talaga apat. Tiningnan ko muna si tito J at ang kalbo nag thumbs up lang.
Tinulak nila ako sa stage, nilingon ko sila at sinamaan ng tingin. Mga bwisit!! Arghh. I mouthed them na humanda sila sa akin pagkatapos nito.
Nang humarap na ako sa kanila hindi ko maintindihan ngayon lang ako nanginig ng ganito sa harap ng maraming tao.
“Psst! Ano na?” bulong sa akin ni Reika sa gilid ng stage. Doon nalang ako natauhan na hinihintay na pala ako ng mga tao sa susunod kong gagawin.
"Aray!" sigaw ko at dinig na dinig ng mga tao ang pagsigaw ko. Akalain mo bang binatukan ako ng magaling kong kaibigan na si Reika.
“Kakanta ka o kakanta ka?!” bulyaw sa akin ni Reika na hawak hawak ang kanyang gitara.
“Pagpasensyahan niyo na po ito si Aa sadyang wala lang po siya sa sarili niya ngayon dahil hindi po siya naka..….”
“Ano?! Eh kung kakanta nalang kaya ako kaysa putak ka ng putak diyan?!”
“Pasensya na po kayo kakanta po ako dahil sa PAGPUPUMILIT AT PAGTUTULAK sa akin” sabay tingin kay Reika at ang gaga inirapan lang ako“But wala na, andito na ako kaya kung alam niyo yung kanta sabayan niyo nalang ako” sabay kindat at strum sa gitara ko at umupo narin.
(Now playing: Hindi ka nag-iisa by Yeng)
“Hindi ka nag-iisa.4x”
Napangiti ako dahil sa lahat ng pinagdaan ko, sa lahat ng pagbabago sa akin para bumalik ako sa dating AKO.
Meron akong mga kaibigan na hindi sumusuko at bumitaw.
Na kahit tinataboy ko sila, pilit parin silang lumalaban para sa akin. At laking pasasalamat ko sa kanila.
Pagkatapos kong kumanta ay biglang naghiyawan at sigawan at paulit ulit isinisigaw ang pangalan ko.
Tiningnan ko sina Tito J, Reika, Darrel at John sila ay nakangiti habang pumapalakpak.
Napangiti nalang ako at naibulong ang salitang salamat sa kanilang apat.