****
*knock knock knock
"Ano ba? Kada umaga nalang?!" sabi ni Travis sa kanyang kama at nagbugkot.
"Sorry Trav. Tanghali narin kaya, hihiramin lang namin ulit si Ethan."
"Yeah, the hell I care."
"Yeah the hell YOU care." sabi ko at bumangon na at nagmadaling lumabas. Sanay narin ako sa lalaking yan.
Pero bago yun narinig ko ang reply ni Travis. Haha. Text lang?
"Tss."
"TSS DIN!" sabi ko sa kanya bago ko isara ng padabog ang pinto ng kwarto namin.
"Arghh!" sigaw niya sa loob.
"Haha. Galeng!" sabi sa akin ng dalawa saka kami nag-apiran tatlo.
Lumipas ang dalawang buwan means November na ngayon.
Ganito ang ginagawa namin simula nung nalaman nila ang sekreto ko. Kada weekends ay ginigising nila ako sa umaga para tumambay sa kanilang dorm. Close na kami kung sa aaminin.
At may isa pang nakakapangilabot ang nangyari o as I say aminan nung naglaro kami ng truth or dare.
Nagkaaminan ang dalawa aii este. Hahaha. Umamin ang dalawa na may gusto sila sa akin. Ewan ko nga kung bakit, then nung ako na ay ibinalik nila ang tanong sa akin. Then medyo na broken sila.
Hindi naman sa pagiging sadista pero inulit ulit ko ang pangalan ni Travis o di kaya kinakanta.
Yes, you read it right. Im fully and secretly inlove with him. On the other hand Trian and Ice are helping me to move on.
Bakit gusto kong mag move on? Dahil mahirap magmahal ng taong hindi ka naman minamahal pabalik.
Hahaha. Ridiculous right? How can he even notice me if Im hiding behind this wig and fake eyebrows.
"Bang! You lose!" sigaw ni Ice.
"Not again?" sabi ko at nailagay ang controller sa xbox.
Simula narin nung makasama ko ang dalawa na ito ay madalas na akong nageenglish. Talk about being makabayan. Well wala sila nun. May half daw sila e.
Half human, half alien. =__=
Andito kami ngayon naglalaro na naman. Hindi naman nakakasawa dahil maiingay rin kasi itong dalawa kapag kalaro. Hindi narin ako nagwiwig or naglalagay ng fake eyebrows. Yun yung gusto ng dalawa e.
May pang blockmail na e.
"I win. Kaya isang kiss sa cheeks" sabi ni Ice.
"Kiss mo pwet mo. Hahaha. Ulit, madaya ka."
"Hahaha. Bleh" binelatan naman ni Trian si Ice.
"Anong madaya dun. Parati na nga lang ulit e." sabi ni Ice na mukhang naiiyak na.
"Ice walang iyakan. Haha" hampas ni Trian sa kanya.
"Gago, ikaw kaya ang nasa sitwasyon ko."
"Adik ka din, alam ko kaya kung anong feeling. Trip ko lang mang-inis."
"Tss" sagot nalang ni Ice.
"Guys alam ko na." matapos ko yun sinabi ay lumapit din ang dalawang unggoy.
"Para hindi kayo mag-agawan sa akin..." pabitin effect para bongga.
"Ahuh?" sabay pang sabi ng dalawa.
"Magsama kayong dalawa. Pakasaya at magparami. Hahaha, o diba? Problem solve." matapos ko yun sabihin ay napatulala sila. They expect too much. Tsk tsk .
"Aa! Andaya mo!"
"Na-uh, I am always FAIR" sabi ko bago pumasok sa banyo nila at nag-ayos na ulit.
Gutom narin kasi, dumiretso kasi agad sa pagtatambay na walang kainan.
Kaya heto ako ngayon mag-isang lumalamon. Umorder lang naman po ako ng isang chicken curry with rice and some soap. Namiss ko din itong ganito ako lang mag-isang kumakain at walang makukulit na parating umaaligid.
"Alone I must say" rinig ko sa likuran kong nagsalita. Lumingon ako at tama ang pagkakaalam ko sa boses na iyon.
I smirked."All of a sudden, you cared." I retorted bago ko ibinaling ulit ang atensyon sa pagkain ko. Himala at una niya akong inapproach simula nung sigawan namin.
"Nah. I dont care at all, just saying " saka siya umupo sa harapan ko at nagsimulang galawin ang kanya ring inorder
Napatingin naman ako sa kanya with wide eyes. Anong ginagawa niya?
"What?" sabi niya nung nakita niya ang reaction ko sa ginawa niya.
"A-anong? Bakit ka umupo diyan?" turo ko pa sa kanya.
Napakunot ang noo niya. But with that small action, napaiwas ako ng tingin.
Shet! Bat parang mas gumwapo siya sa itsura niya ngayon?!
"Bakit may nakasulat bang bawal umupo dito ang gwapo?" I snorted to his reply. He is still full of himself.
"Wala pero sa naalala ko you hate eating lunch or I say sumabay kumain sa akin. Nakakapanibago lang"
"Well that was before." after he said that, napatulala ako sa kanya. And then he looked at me with full of longing but hindi nagtagal ay napalitan iyon ng blank expression.
"....." God! I dont know what to say.
Hindi naman rin siya nagsalita kaya pinagpatuloy nalang namin ang pagkain.
Natapos rin ang napakaawkward na lunch kasama si Travis. Ngayon ay gabi na at kailangan ng magsibalikan ang mga students sa kani-kanilang dorm.
Kasalukuyan akong naglalakad habang nagbabasa patungo na sa dorm ko ng may biglang humila sa akin sa madilim na sulok ng hall at naramdamang dumikit ang likod ko sa pader.
WHAT THE?!
Not again? Gusto kong sumigaw pero tinatakpan ng lalaking ito ang aking bibig. Hindi ko rin maaninag kung sino ito dahil madilim.
Naamoy ko ang hininga niya at sa tingin ko ay alak ito. Naku po! Sa lasinggero pa talaga mapupunta ang second kiss ko!!!!
"Damn! I miss you" matapos nun ay naramdaman ko nalang na may malambot na bagay ang dumampi sa labi ko.
O______O!!!
H-he kissed me!!